Shirk (Pagtatambal) - شِرْكٌ

Ang shirk ay pagpapantay kay Allāh (pagkataas-taas Siya) ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niya sa mga natatangi kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) gaya ng pagsamba, mga pangalan, at mga katangian. Nababahagi ang shirk sa dalawang bahagi: A. Shirk na nauugnay sa sarili ni Allāh (pagkataas-taas Siya), mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya. Ito ay ang shirk sa pagkapanginoon. B. Shirk sa pagsamba kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at pakikitungo sa Kanya. Ito ay ang shirk sa pagsamba at pagkadiyos.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Takfīr (Pagpaparatang ng Kawalang-pananampalataya) - تَكْفِيرٌ

Ang takfīr ay ang pagtataguri sa isang Muslim ng kawalang-pananampalataya at paglabas sa relihiyon. Iyon sa sandali ng pagkagawa niya ng isang tagasira mula sa mga tagasira ng [pagkaanib sa] Islām. Ang takfīr ay isang kahatulang pang-sharī`ah na ang pinag-uugnayan ay kay Allāh at sa Sugo Niya gaya ng pagpapahintulot (taḥlīl), pagbabawal (taḥrīm), at pag-oobliga (ījāb). Hindi sa bawat anumang nailarawan bilang kawalang-pananampalataya (kufr) na pananalita o gawain ay malaking kawalang-pananampalataya (kufr akbar) na. At hindi ang bawat sinumang nasadlak sa kawalang-pananampalataya ay naganap na ang kawalang-pananampalataya sa kanya malibang may pagkakaroon ng mga kadahilanan nito, ng mga kundisyon nito, at ng pagkawala ng mga tagahadlang nito. Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng paghatol ng kawalang-pananampalataya sa gawain at sa tagagawa. Ang kahulugan ng paglalarawan ng kawalang-pananampalataya sa tao ay na mayroon siyang isang pagtatakip sa puso ng tagatangging sumampalataya. Ang takfīr na walang pagsisiyasat ay may isang panganib at isang mabigat na banta.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Tribalismo - عَصَبِيَّةٌ

Ang Tribalismo ay ang pag-aanyaya tungo sa pag-aadya sa angkan o lipi sa kawalang-katarungan o ang pakikipag-adya sa sinumang minamahalaga sa iyo ang nauukol sa kanya sa katotohanan o kabulaanan. Kabilang sa mga anyo nito rin ang mamuhi ang tao sa tao dahil ito ay kabilang sa mag-anak ni Polano o kabilang sa liping Polano, kahit hindi pa man umabot ito sa antas ng pangangaway. Ito ay tinatanggihan ayon sa Batas ng Islām dahil ito ay bahagi ng pagtutulungan sa kasalanan at pangangaway. Ito rin ay sumasalungat sa prinsipyo ng pagtangkilik at pagwawalang-kaugnayan kaugnay sa Pinaniniwalaang Pang-Islām. Kaya ang sinumang nagpakapanatiko para sa isang lipi o nakipaglaban, halimbawa, alang-alang sa kanila dala ng panatisismo hindi dahil sa pag-agapay sa Islām ni dahil sa pagtataas sa Salita ni Allāh, siya ay nasa kabulaanan at nagkasala dahil doon kahit pa man ang pagkagalit ay tama. Nagkaagapayan ang mga ḥadīth sa pagsaway sa Tribalismo sa lahat ng mga hugis nito at mga anyo nito, gaya ng panatisismo para sa lipi o para sa lahi o para sa bayan o para sa kulay o iba pa roon. Itinuturing ang pagkamatay ng panatiko bilang pagkamatay sa Panahon ng Kamangmangan. Nagpawalang-saysay rin ang Islām sa pagpapayabangan sa mga magulang at mga kahanga-hangang nagawa ng mga ninuno. Ginawa ng Islām bilang pundasyon ng pagkakalamangan ang pangingilag magkasala at ang maayos na gawa. Binanggit nga ng mga faqīh ang Tribalismo kabilang sa mga tagahadlang [ng pagtanggap] ng pagsaksi dahil ang tagasaksi na kilala sa Tribalismo ay hindi nalalayo sa pagpilipit ng pagsasaksi upang ito ay maging nasa kapakanan ng kalipi niya o [maging] nasa kapinsalaan ng ibang lipi.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Kawalang-pananampalataya - كُفْرٌ

Ang kawalang-pananampalataya ay maaaring orihinal, ang kawalang-pananampalataya ng sinumang hindi yumakap sa Islām noon pa; o maaaring sumasapit, ang kawalang-pananampalataya ng sinumang nauna nang yumakap sa Islām. Ang kapwa ay nahahati sa dalawang bahagi: A. Malaking kawalang-pananampalataya (kufr akbar). Ito ay bawat sinasabi o gawain o paniniwala na nagpapalabas sa tagapagsagawa nito mula sa Islām. Ito ay maaaring nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng puso o isang gawaing pampuso gaya ng pagkamuhi kay Allāh (pagkataas-taas Siya) o sa mga kapahayagan Niya o Sugo Niya (sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Ito ay maaaring nagiging isang sinasabing lantad gaya ng paglait kay Allāh (pagkataas-taas Siya) o minsan nagiging isang gawaing lantad gaya ng pagpapatirapa sa anito at pag-aalay sa iba pa kay Allāh. Ang malaking kawalang-pananampalataya ay nahahati sa ilang bahagi, na kabilang sa mga ito ay: 1. Ang kawalang-pananampalataya ng pagtanggi at pagpapasinungaling. Ang kawalang-pananampalatayang ito ay minsan nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng puso at minsan nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng dila o mga bahagi ng katawan. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtatago sa katotohanan at hindi pagpapaakay rito nang lantaran sa kabila ng pagkaalam dito at pagkabatid dito nang pakubli, gaya ng kawalang-pananampalataya ng mga Hudyo kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Ang kawalang-pananampalataya ng pagmamalaki. Ito ay ang pag-iwan sa katotohanan: hindi nag-aaral nito ang tao at hindi siya nagsasagawa nito maging sa sinasabi o ginagawa o pinaniniwalaan, gaya ng kawalang-paniniwala ni Satanas. 3. Ang kawalang-paniniwala ng pagpapaimbabaw. Ito ay sa pamamagitan ng kawalan ng paniniwala ng puso at paggawa nito kalakip ng pagpapaakay nang lantaran. 4. Ang kawalang-pananampalataya ng pagdududa at pag-aalinlangan. Ito ay ang pag-aatubili sa pagsunod sa katotohanan at ang pag-aatubili sa [paniniwala sa] pagiging katotohanan nito dahil ang hinihiling ay ang katiyakan na ang inihatid ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay katotohanan na walang pagdududa roon. B. Maliit na kawalang-pananampalataya (kufr aṣghar). Ito ay ang mga pagsuway at ang mga pagkakasala na tinawag ng Batas ng Islām na kawalang-pananampalataya ngunit hindi nagpapalabas sa tagagawa ng mga ito mula sa Islām o hindi umaabot sa hangganan ng malaking kawalang-pananampalataya. Napaloloob din dito ang kawalang-pananampalataya sa biyaya. Tinatawag ito bilang kawalang-pananampalataya na mababa sa isang kawalang-pananampalataya, gaya ng pakikipaglaban ng Muslim sa kapwa niyang Muslim, panunumpa sa iba pa kay Allāh, at pagtaghoy sa patay.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya at ang Pagkabawas Nito - زيادة الإيمان ونقصانه

Bahagi ng pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah at Pagkakaisa ay na ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan at ang may pananampalataya ay nagkakalamangan dito alinsunod sa kaalaman nila at gawa nila sapagkat ang iba sa kanila ay higit na lubos sa pananampalataya kaysa sa iba pa. May nasaad nga na maraming patunay, mula sa mga talatang pang-Qur'ān at mga ḥadīth pampropeta at mula sa mga pahayag ng mga imām ng maayos na Salaf (unang tatlong salinlahi ng mga Muslim), na ang pananampalataya ay may mga antas at mga sangay na nadaragdagan at nababawasan. Nadaragdagan ito sa pamamagitan ng kalakasan ng paniniwala at dami nito at kagandahan ng mga gawa at mga salita at dami ng mga ito kabilang sa mga gawain ng mga puso at mga bahagi ng katawan at mga salita ng dila gaya ng paggawa ng mga pagtalima at lahat ng mga pampalapit-loob [kay Allāh]. Nababawasan naman ito sa pamamagitan ng kabaliktaran niyon gaya ng paggawa ng mga pagsuway at mga nakasasama. Kaya kapag tumuon ang tao sa pagtalima sa Panginoon niya at nangalaga siya rito, nadaragdagan ang pananampalataya niya; at kapag nalingat naman siya sa pag-alaala sa Kanya o nakagawa siya ng anuman kabilang sa mga pagsuway, nababawasan ang pananampalataya niya alinsunod doon. Ang pagkadagdag ng pananampalataya at ang pagkabawas nito ay mula sa maraming paraan, na sa kabuuan ay nakasalalay sa dalawang anyo: Ang pagkadagdag ng pananampalataya mula sa panig ng utos ng Panginoon sapagkat tunay na ang mga Muslim sa unang kalagayan ay mga inutusan ng [pagtataglay ng] isang sukat ng pananampalataya, pagkatapos matapos niyon nautusan sila ng iba pa roon; at ang pagkadagdag ng pananampalataya mula sa panig ng gawain ng tao sapagkat ang pananampalataya ng sinumang gumanap ng mga tungkulin ay hindi gaya ng pananampalataya ng sinumang lumabag sa ilan sa mga ito. Ang bawat teksto na nagpapahiwatig ng [posibilidad ng] pagkadagdag ng pananampalataya, tunay na ito ay naglalaman ng pahiwatig ng [posibilidad ng] pagkabawas nito at ang kabaliktaran nito dahil ang pagkadagdag at ang pagkabawas ay nagkakadikitan at dahil ang anumang napahihintulutan dito ang pagkadagdag ay napahihintulutan din dito ang pagkabawas.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang mga Napatnubayang Khalīfah - الخُلفاءُ الرّاشِدُونَ

Tunay na ang pinakamainam sa Kalipunang ito matapos ng Propeta natin (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay ang Unang Apat na Khalīfah na nag-utos ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng pagsunod sa kanila at pagkapit sa patnubay nila. Sila ay sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, Abū Ḥafṣ `Umar bin Al-Khaṭṭāb, Dhunnūrayn `Uthmān bin `Affān, at `Alīy bin Abī Ṭālib Abul-Ḥasan (malugod si Allāh sa kanila), na mga sumama sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) magmula sa simula ng Islām. Pagkatapos itinalaga sila sa khilāfah (pagkakhalīfah) at imāmah (pamumuno) mula ng matapos ng pagyao niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) alang-alang sa pagpapanatili ng Islām sa kaalaman, sa gawa, sa pag-aanyaya, sa mga kapakanan ng mga Muslim, at sa pangangalaga sa mga pumapatungkol sa kanila sa pangmundong buhay nila at pangkabilang-buhay nila. Nagtagal nga ang khilāfah nila ng Tatlumpung taon; dalawang taon at tatlong buwan ang yugto ng khilāfah ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq. Ang khilāfah ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb ay sampung taon at kalahati. Ang khilāfah naman ni `Uthmān bin `Affān ay labindalawang taon. Ang khilāfah ni `Alīy bin Abī Ṭālib ay apat na taon at siyam na buwan. Ang pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah ay na ang pagkakasunud-sunod nila sa pagkamainam ay alinsunod sa pagkakasunud-sunod nila sa khilāfah.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Panggagaway - سحر

Ang panggagaway ay mga agimat, mga orasyon, at mga buhol, na nagbibigay-epekto sa mga katawan at mga kaluluwa kaya nakapagpapasakit ito, nakapapatay ito, at nakapagpapahiwalay ito sa lalaki at maybahay niyon ayon sa pahintulot ni Allāh. Ito ay ipinagbabawal, kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala, at umaabot sa kawalang-pananampalataya. Ang panggagaway ay may mga uri. Kabilang sa mga ito ang pagpaparimarim at ang pagbibighani at kabilang sa mga ito ang pagpapaguniguni, ang panlilinlang, at ang iba pa sa mga ito. Ang reyalidad ng panggagaway ay na ito ay isang paggamit sa mga demonyo at isang pagpapatulong sa mga iyon sa pagbibigay-epekto. Hindi maaari para sa manggagaway na umabot sa pagpapatupad ng panggagaway niya hanggang siya ay maging isang nagpapakalapit-loob sa mga demonyo sa pamamagitan ng [pag-aalay ng ]anuman sa mga uri ng pagsamba. Ang panggagaway ay may bahaging pagpapaguniguni at may bahaging reyalidad. Ang sinumang nag-angkin na ito ay pagpapaguniguni lamang at walang reyalidad dito ay nagkamali nga. Ang panggagaway ay hindi tagapagbigay-epekto mismo bilang pakinabang at bilang pinsala; nagbibigay-epekto lamang ito ayon sa pansansinukob na pang-itinakdang pahintulot ni Allāh (pagkataas-taas Siya) dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay Tagalikha ng bawat bagay.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Awliyā' (Mga Katangkilik) - أولياء

Ang awliyā' ay pangmaramihan ng walīy (katangkilik). Ang walīy sa Batas [ng Islām] ay ang sinumang may natipon sa kanya na dalawang paglalarawan: ang īmān (pananampalataya) at ang taqwā (pangingilag magkasala) na naglalaman ng pagpapakalapit-loob kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa pamamagitan [ng pagsasagawa] ng mga farīḍah (tungkulin) at mga nāfilah (dagdag na gawain) kalakip ng pagiging maalam niya sa utos ni Allāh (pagkataas-taas Siya) at gumagawa ayon sa nalalaman niya. Kaya ang sinumang dumalisay ang paniniwala niya at tumumpak ang gawain niya, siya ay isang walīy ni Allāh (pagkataas-taas Siya). Alinsunod sa pananampalataya ng tao at pangingilag magkasala niya ay nangyayari ang pagkawalīy niya para kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Ang walīy ay ang sinumang tinangkilik ni Allāh ang nauukol sa kanya at itinangi siya sa pangangalaga sa kanya para sa kaayusan niya dahil si Allāh ay tumatangkilik sa mga taong maayos at umiibig sa mga mananampalataya at nagtatanggol sa kanila. Ang awliyā ni Allāh ay dalawang bahagi: 1. Mga naunang inilapit-loob; at 2. Mga nagpakakatamtamang kasamahan sa kanan. Ang mga naunang inilapit-loob ay ang mga nagpakalapit-loob sa Kanya (pagkataas-taas Siya) sa pamamagitan ng mga nāfilah matapos ng mga farīḍah. Kaya gumagawa sila ng mga kinakailangan at mga itinuturing na kaibig-ibig at nag-iwan sila ng mga ipinagbabawal at mga kinasusuklaman. Hinggil naman sa mga kasamahan sa kanan, sila ay ang mga nagpapakabuti na nagpakalapit-loob sa Kanya (pagkataas-taas Siya) sa pamamagitan ng mga farīḍah. Gumagawa sila ng isinatungkulin ni Allāh sa kanila at nag-iiwan sila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila. Hindi sila nag-aatang sa mga sarili nila ng mga mandūb ni ng pagpigil ng kalabisan ng mga pinapayagan. Ang pagkawalīy ay nagkakaibahan alinsunod sa pananampalataya ng tao at pangingilag magkasala niya. Ang bawat mananampalataya ay may bahagi mula sa pagkawalīy kay Allāh, pag-ibig Niya, at pagkalapit sa Kanya subalit ang bahaging ito ay nagkakaibahan alinsunod sa mga gawang maayos na pangkatawan at pampuso na nagpapakalapit-loob sa pamamagitan ng mga ito kay Allāh. Alinsunod dito, tunay na ang tagalabag sa katarungan sa sarili niya, ang mananampalatayang tagasuway, ay mayroong pagkawalīy ayon sa sukat ng pananampalataya niya at mga maayos na gawa niya. Ang awliyā’ ni Allāh ay hindi mga naisanggalang [sa kasalanan] at hindi nakaaalam sa nakalingid. Wala silang kakayahan sa pagsasagawa ng paglikha at pagtutustos. Hindi sila nag-aanyaya sa mga tao sa pagdakila sa kanila o pagbaling ng anuman mula sa mga yaman at mga bigay para sa kanila. Ang sinumang gumawa niyan ay hindi isang walīy ni Allāh, bagkus isang palasinungaling na manlilinlang kabilang sa awliyā’ ng demonyo. Ito ay kabilang sa mga pagkaintinding tiwali at mga kamaliang laganap sa paksa ng pagkawalīy. Kabilang din ay ang mga sumusunod: 1. Ang pagpapakalabis-labis kaugnay sa awliyā’ ni Allāh kabilang sa mga propeta at mga taong maayos, gaya ng paglalagay ng anuman kabilang sa mga kakanyahan ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga propeta, gaya ng pagpapakalabis-labis kaugnay sa mga taong maayos, pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan nila, pag-aangkin ng pagkasanggalang sa kasalanan para sa kanila, at tulad niyon. 2. Ang paniniwala ng marami sa mga tao na ang tao ay hindi nagiging walīy hanggang sa makapagdulot siya ng isang bagay na labas sa karaniwan. 3. Ang pagkatamo ng pagkawalīy sa paggawa ng mga ipinagbabawal at pag-iwan sa mga kinakailangan at ang paniniwala na ang awliyā’ ay umabot sa isang antas na nag-aalis sa kanila dahil dito ng mga nakatalagang tungkulin. Ito ay bahagi ng kaligawan sapagkat ang pagkawalīy ay hindi nagpapahintulot sa nagtataglay nito ng paggawa ng mga ipinagbabawal at pag-iwan ng mga kinakailangan. 4. Ang paniniwala ng ilan na ang pagkawalīy ay nalilimitahan sa ilang itinakdang tao. Ang tumpak ay na ang pagkawalīy ay isang antas panrelihiyon na naisasakatuparan sa bawat lingkod na mananampalatayang mapangilag magkasala at hindi natatangi sa ilang tao ni ilang lugar ni ilang panahon. 5. Ang pagtataguri ng ilan ng pananalitang "mga kasamahan ni Allāh” o “mga tao ni Allāh” sa awliyā’ ay walang patunay sa katumpakan ng pagpapangalang ito. Naniniwala ang Sufismo sa mga sarisaring paniniwala kaugnay sa awliyā’. Mayroon sa kanila na nagmamagaling sa walīy higit sa propeta. Mayroon sa kanila na gumagawa sa pagkawalīy bilang kapantay para kay Allāh sa lahat ng mga katangian Niya sapagkat ang walīy raw ay lumilikha, nagtutustos, nagbibigay-buhay, nagbibigay-kamatayan, at nagpapainog sa Sansinukob. Mayroon silang mga paghahati para sa pagkawalīy sapagkat nariyan daw ang ghawth (saklolo), ang mga quṭb (poste), ang mga badal (palit), at ang mga najīb (maharlika) yayamang nagtitipon daw sila sa isang konseho nila sa yungib ng Ḥirā’ sa bawat gabi habang tumitingin sa mga itinakda. Mayroon naman sa kanila na hindi naniniwala roon subalit sila ay gumagawa sa mga ito bilang mga tagapagpagitna sa pagitan nila at ng Panginoon nila, maging sa buhay nila o matapos ng kamatayan nila. Ang mga Alagad ng Sunnah ay hindi naniniwala sa pagkakasanggalang sa kasalanan ng isang tao maliban sa mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) samantalang ang Sufismo naman ay gumagawa sa pagkakasanggalang sa kasalanan bilang kundisyon para maging walīy. Mayroon naman sa kanila na nagkakaila sa pagkawalīy nang lubusan sa sinumang nasadlak sa pagkatisod at pagkakamali.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Maliit na Shirk - شرك أصغر

Ang Maliit na Shirk ay bawat pagkakasala na pinangalanan ng Tagapagbatas bilang shirk at hindi umabot sa antas ng pagsamba sa iba pa kay Allāh (pagkataas-taas Siya) kasama kay Allāh, kabilang sa mga pagnanais, mga salita, at mga gawa; o bawat aktibidad na pansalita o panggawain na nagtaguri rito ang Batas [ng Islām] ng paglalarawan ng shirk subalit ito ay hindi nagpapalabas sa relihiyon, gaya ng panunumpa sa iba pa kay Allāh, kaunting pagpapakitang-tao, at tulad niyon. Ang Maliit na Shirk ay nasa dalawang uri: 1. Ang Nakalitaw na Shirk. Ito ay ang nagaganap sa mga salita at mga gawa. Ang shirk sa mga salita at mga pananalita ay gaya ng panunumpa sa iba pa kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at gaya ng pagsabi ng: "Ang niloob ni Allāh AT niloob mo." Maaaring umabot ito sa Malaking Shirk alinsunod sa layunin ng tagapagsabi nito at pakay niya sapagkat kung nagpakay siya ng pagdakila sa iba pa kay Allāh gaya ng pagdakila kay Allāh (pagkataas-taas Siya) ay nagtambal nga siya ayon sa malaking shirk. Ang shirk naman sa mga gawa ay gaya ng pagsusuot ng singsing o sinulid para sa pagpawi ng kamalasan o pagtutulak nito at gaya ng pagsasabit ng mga anting-anting dala ng pangamba sa usog (`ayn). Kung naniwala naman siya na ito ay nagtutulak ng kamalasan sa pamamagitan nito mismo, ito ay malaking shirk. 2. Ang Nakakubling Shirk. Ito ay ang shirk sa mga layunin, mga pakay, at mga pagnanais, gaya ng pagpapakitang-tao at pagtatamo ng reputasyon, gaya ng sinumang gumagawa ng isang gawaing nagpapakalapit-loob siya sa pamamagitan nito kay Allāh saka nagpapaganda siya ng ginagawa niya na pagdarasal o pagbigkas [ng Qur'ān] para mapuri at maibunyi siya.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pagkaligaw - ضلال

Ang pagkaligaw ay ang kawalan ng katatagan sa daang tuwid, maging ito man ay sa mga sinasabi o mga ginagawa o mga paniniwala. Nahahati ang pagkaligaw sa dalawang bahagi: 1. Pagkaligaw sa kaalaman at mga pinaniniwalaan gaya ng pagkaligaw ng mga tagatangging sumampalataya, mga tagasamba ng mga anito, at mga tagapagkaila ng mga katangian ni Allāh (pagkataas-taas Siya). 2. Pagkaligaw sa gawain at mga patakaran gaya ng pagkaligaw ng mga kampon ng pagsuway. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaligaw: ang pag-iwan sa Qur'ān at Sunnah, ang pagpapauna sa isip, ang paggawa ng bid`ah, ang pagsunod sa pithaya, kamangmangan, panatisismo, at iba pa.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pagpapakalabis-labis - غُلُـوٌّ

Ang pagpapakalabis-labis ay kabilang sa mga mapanganib na suliranin sa lipunan. Ito ay ang paglampas sa hangganang isinabatas at ang pagpapakatindi sa relihiyon. Nahahati ito sa dalawang bahagi: 1. Pagpapakalabis-labis sa pampaniniwala gaya ng pagpapakalabis-labis sa pagpaparatang ng kawalang-pananampalataya, na kabilang dito ang pagpapakalabis-labis ng mga Khawārij na nagparatang ng kawalang-pananampalataya sa mga tagasalungat nila kabilang sa mga Muslim dala ng pagpapakalabis-labis nila kaugnay sa pag-intindi ng mga talata ng banta [sa Qur'ān] at mga ḥadīth nito, at gaya ng pagpapakalabis-labis kaugnay sa mga maayos na tao at mga propeta dahil sa pagpapasaklolo sa kanila, pagdalangin sa kanila, pagdakila sa kanila, pag-angat sa kalagayan nila, at sobrang pagpupuri sa kanila sa pamamagitan ng nagpapalabas sa mga hangganan ng Batas [ng Islām]. 2. Pagpapakalabis-labis panggawain, na pagdaragdag sa mga pagsamba at pagpapakatindi sa relihiyon at pagsamba gaya ng pagpapakalabis-labis ng ilan sa mga nagpapakamananamba sa mga pagsamba nila at debosyon nila palayo sa praktikal na buhay dala ng pagkakaapekto sa monastisismo na pinauso ng mga Kristiyano, gaya ng sinumang nag-aayuno at hindi tumitigil-ayuno at hindi nag-aasawa. Nahahati rin ang pagpapakalabis-labis sa isang pagpapakalabis-labis na nagpapalabas mula sa relihiyong Islām gaya ng pagpapakalabis-labis [na nauuwi] sa pagsamba sa mga anito at mga maayos na tao o pag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid (ghayb) sa nilikha, at sa isang pagpapakalabis-labis na hindi nagpapalabas sa relihiyong Islām gaya ng pagpapakalabis-labis sa ilan sa mga kinakailangan sa ṣalāh at ḥajj. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagpapakalabis-labis ang kamangmangan sa relihiyon, ang pag-ayaw sa mga maalam (`ulamā'), ang panatisismo, ang bid`ah, at ang iba pa rito. Ang pagpapakalabis-labis ay nangyayari sa mga usapin ng relihiyon sa kabuuan nito na pampaniniwala at panggawain.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Naturalesa - فطرة

Nagnaturalesa si Allāh ng nilikha sa Islām at Tawḥīd sapagkat ang bawat isa sa mga tao ay may naturalesang humihiling ng pagtanggap sa Relihiyong Islām, pagkakilala rito, at pag-ibig dito. Ang mismong naturalesa ay nagpapaobliga ng pagkilala sa Tagalikha, pag-ibig sa Kanya, at pagpapakawagas ng relihiyon ukol sa Kanya. Ang mga tagapag-obliga ng naturalesa at ang hinihiling nito ay nangyayari ng unti-unti alinsunod sa kalubusan ng naturalesa kapag naligtas ito sa tagakontra. Kapag naman hindi naligtas ang naturalesa, tunay na ito ay mag-iiba dahil sa nakaaapekto rito mula sa mga demonyo, mga pithaya, at mga pagkaligaw. Ang naturalesa ay pinalulubos ng Sharī`ah na pinababa mula sa ganang kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Iyon ay dahil ang naturalesa ay nakaaalam sa usapin at ang Sharī`ah ay nagdedetalye nito at naglilinaw nito kaya hindi nagsasarili ang naturalesa sa pag-alam sa mga detalye ng Sharī`ah . Dahil dito nagsugo si Allāh ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) para sa paglulubos ng naturalesa.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pagpapauso [ng Bid`ah] - اِبْتِداعٌ

Tunay na ang pagpapauso [ng bid`ah] sa relihiyon, maging ito man ay sa mga paniniwala o mga pagsamba, ay kabilang sa pinakamapanganib sa mga bagay-bagay. Tunay na ang pamamaraan ng pagpapauso [ng bid`ah] ay nangangahulugan na mayroong isang daan na nagpaparating sa pagkalugod ni Allāh (pagkataas-taas Siya), na hindi ang daan na tinahak ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) at ng mga Kasamahan niya (ang kaluguran ni Allāh ay sumakanila). Ang pinakamahalaga sa mga tagapagtangi ng pagpapauso [ng bid`ah] ay: 1. Na ito ay isang pagpapaumpisa at isang pag-imbento sa relihiyon kaya labas mula rito ang inimbento sa mga nauukol sa buhay sa Mundo gaya ng lahat ng mga industriya; 2. Na ang pagpapauso [ng bid`ah] ay hindi namumutawi mula sa isang teksto [ng Qur'ān o Sunnah] o isang panuntunan o isang saligang pambatas na nagpapatunay rito; 3. Na ang pagpapauso [ng bid`ah] sa relihiyon ay maaaring maging sa pamamagitan ng pagpapakulang kung paanong maging sa pamamagitan ng pagdaragdag sa isang kundisyon na ang tagapagtulak sa pagpapakulang o pagdaragdag ay ang pagpapakalapit-loob kay Allāh. Hinggil naman sa sinumang nag-iwan ng isang pagsamba dala ng katamaran at tulad nito, hindi tinatawag ang gawain niya bilang pagpapauso [ng bid`ah]. Nahahati ang pagpapauso [ng bid`ah] sa dalawang bahagi: 1. Pagpapauso [ng bid`ah] sa mga pinaniniwalaan, gaya ng mga opinyon ng Jahmīyah, Mu`tazilah, Rawāfiḍ, at iba pa sa kanila kabilang sa mga pangkating ligaw; 2. Pagpapauso [ng bid`ah] sa mga pagsamba, gaya ng pagpapakamananamba kay Allāh sa pamamagitan ng isang pagsambang hindi Niya isinabatas. Ang mga ito ay mga uri: 1. Ang anumang naging kaugnay sa saligan ng pagsamba at tinatawag na isang bid`ah na tunay, gaya ng pagpapaumpisa ng isang pagsamba na walang saligan sa relihiyon, gaya ng mga pagdiriwang ng mga kaarawan [ng mga propeta]; 2. Ang anumang naging isang dagdag sa saligan at tinatawag na isang bid`ah na pandagdag. Ito ay may anumang nagiging sa pamamagitan ng pagdaragdag sa pagsambang isinabatas, gaya ng kung sakaling nagdagdag ng ikalimang rak`ah sa ṣalāh sa đuhr; may anumang nagiging kaugnay sa paraan ng pagsasagawa ng pagsamba, gaya ng pagsasagawa nito sa paraang hindi isinabatas, gaya ng pagsasagawa ng mga dhikr na isinabatas sa mga tinig na sabay-sabay na paawit; may anumang nagiging sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang panahon para sa pagsambang isinabatas, na hindi nagtalaga ang Batas [ng Islām], gaya ng pagtatalaga ng araw at gabi ng kalagitnaan ng Sha`bān sa isang pag-aayuno at isang tahajjud sapagkat tunay na ang saligan ng pag-aayuno at tahajjud ay isinabatas subalit ang pagtatalaga nito sa isang panahon ay nangangailangan ng isang tumpak na patunay; at may anumang nagiging sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang lugar para sa pagsambang isinabatas, gaya ng pagtatalaga sa isang puntod sa isang panalangin o isang pagsambang hindi isinabatas ni Allāh (pagkataas-taas Siya).

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Pagsunod sa Pithaya - اتباع الهوى

Ang pagsunod sa pithaya ay kabilang sa saligan ng kasamaan at pagkaligaw. Ito ay ang hilig ng sarili sa anumang sumasalungat sa Batas. Ito ay dalawang bahagi: 1. Ang pagsunod sa pithaya sa mga paghihinala, na pinakamapanganib sa mga uri ng pithaya. Ang pagsunod sa pithayang ito ay nagpaparating sa nagtataglay nito sa pagbagsak sa bid`ah o kawalang-pananampalataya. Tinatawag ang mga kampon ng bid`ah bilang mga kampon ng mga pithaya dahil sila ay sumunod sa mga pithaya nila at umayaw sa Qur'ān at Sunnah. 2. Ang pagsunod sa pithaya sa mga pagnanasa, gaya ng paglampas ng pinapayagan papunta sa bawal, tulad ng pakikinabang sa patubo at ng pangangalunya. Ito ay maaaring magpabagsak sa nagtataglay nito sa kasuwailan. Ang pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga paghihinala ay higit na mabigat kaysa sa pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga pagnanasa. Ang Sharī`ah ay dumating lamang para magpalabas sa tao mula sa pagsunod ng pithaya tungo sa pagsunod ng Batas.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Islām - الإسلام

Ang Islām ay ang relihiyong totoo na hindi tumatanggap si Allāh (pagkataas-taas Siya) sa isa man ng isang relihiyong iba rito. Ito ay ang pantanging kahulugan. Nahahati ang Islām sa panlahat na kahulugan nito sa dalawang bahagi: A. Ang pagpapaakay at ang pagsuko sa pansansinukob at pang-itinakdang utos ni Allāh nang kusang-loob at labag sa loob. Ito ay walang [idinudulot na] mapagpipilian para sa isa man at walang gantimpala rito. B. Ang pagpapaakay at ang pagsuko sa Batas ni Allāh. Ito ay ang Islām na napupuri ang tao [sa pagsunod] dito at nagagantimpalaan. Ang bahaging ito ay nahahati sa panlahat at pantangi: 1. Ang Panlahat. Ito ay ang relihiyon na inihatid ng mga propeta nang lahatan mula kay Noe hanggang kay Muḥammad (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Ito ay ang pagsamba kay Allāh lamang nang walang katambal sa Kanya at ang pagsasagawa ng Batas Niya. 2. Ang Pantangi. Ito ay ang inihatid ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Mayroon itong dalawang pagtataguri: Ang una ay ang mga salita at ang mga gawaing nakalantad. Ang mga ito ay ang limang haligi at ang sumusunod sa mga ito. Ang ikalawa ay ang sumasaklaw sa mga gawaing nakalantad at mga paniniwalang nakapaloob gaya ng anim na haligi ng pananampalataya at ang sumusunod sa mga ito.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Pananampalataya - الإيمان

Ang pananampalataya ay ang pag-amin at ang tiyakang pagpapatotoo sa bawat ipinabatid ni Allāh at ng Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya), na nag-oobliga ng gawain ng mga puso, pagkatapos sinusundan ang mga ito ng mga gawain ng mga bahagi ng katawan; o sinasabi: "Ito ay ang pagsabi ng dila, ang paniniwala ng puso, at ang paggawa ng mga haligi [ng Islām]." Ang tinutukoy ng pagsabi ng dila ay ang totoong tumpak na paniniwalang na natatanggap mula sa Aklat ni Allāh (pagkataas-taas Siya) Sunnah ng Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya). Ang pagsabi ng dila ay ang pagbigkas ng shahādatān dahil ang pagsabi kapag itinaguri sa mga teksto ay sumasaklaw sa pagsabi ng puso na siyang paniniwala at pagsabi ng dila na siyang pagbigkas. Ang tinutukoy ng paggawa ay ang paggawa ng puso, dila, at mga bahagi ng katawan. Hinggil naman sa paggawa ng puso, ito ay na magsagawa ang tao sa pamamagitan ng puso niya ng mga gawain ng pananampalataya, tulad ng pagkahiya, pananalig, paghahangad, pangamba, pagsisisi, pag-ibig, at iba pa rito. Hinggil naman sa gawain ng dila, ito ay ang pagluluwalhati (tasbīḥ), pagdakila [kay Allāh] (takbīr), pagbigkas ng Qur'ān, pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway ng nakasasama, at iba pa rito. Hinggil naman sa gawain ng mga bahagi ng katawan, ang mga ito ay ang mga gawain na isinasagawa ng tao gaya ng pagdarasal, pag-aayuno, ḥajj, pakikibaka, at tulad nito kabilang sa mga pagsamba.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Bid`ah - بدعة

Ang bid`ah ay bawat anumang pinaumpisahan sa relihiyon ayon sa kasalungatan ng naging lagay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) at mga Kasamahan niya sa pinaniniwalaan o gawain; o sinasabi: "Ito ay paraan sa relihiyon na inimbento na humahawig sa paraang pambatas [ng Islām] at kumukontra dito." Tinutukoy ng pagtahak dito ang pagmamalabis sa pagpapakamananamba kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya). Ito ay nasa dalawang bahagi: 1. Bid`ah na Pampaniniwala. Iyon ay sa pamamagitan ng paniniwala sa kasalungatan ng katotohanan na isinugo ni Allāh dahil dito ang Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya) at ibinaba Niya dahil dito ang Aklat Niya, gaya ng mga opinyon ng Jahmīyah, Mu`tazilah, Rawāfiḍ, at iba pa sa kanila kabilang sa mga pangkating ligaw. 2. Bid`ah na pampagpapakamananamba. Ito ay ang pagpapakamananamba sa pamamagitan ng hindi pinahintulutan ni Allāh na mga kalagayan at mga gawaing pinasimulan sa relihiyon, na hindi naman tumatanggap si Allāh mula sa mga ito ng anuman. Ang mga ito ay mga uri: 1. Ang anumang naging kaugnay sa saligan ng pagsamba at tinatawag na isang bid`ah na tunay, gaya ng pagpapaumpisa ng isang pagsamba na walang saligan sa relihiyon, gaya ng mga pagdiriwang ng mga kaarawan [ng mga propeta]; 2. Ang anumang naging isang dagdag sa saligan at tinatawag na isang bid`ah na pandagdag. Ito ay may anumang nagiging sa pamamagitan ng pagdaragdag sa pagsambang isinabatas, gaya ng kung sakaling nagdagdag ng isang ikalimang rak`ah sa ṣalāh sa đuhr; may anumang nagiging kaugnay sa paraan ng pagsasagawa ng pagsamba, gaya ng pagsasagawa nito sa paraang hindi isinabatas, gaya ng pagsasagawa ng mga dhikr na isinabatas sa mga tinig na sabay-sabay na paawit; at may anumang nagiging sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang panahon para sa pagsambang isinabatas, na hindi nagtalaga ang Batas [ng Islām], gaya ng pagtatalaga sa araw at gabi ng kalagitnaan ng Sha`bān sa isang pag-aayuno at isang tahajjud sapagkat tunay na ang saligan ng pag-aayuno at tahajjud ay isinabatas subalit ang pagtatalaga nito sa isang panahon ay nangangailangan ng isang tumpak na patunay.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pagpapakitang-tao - رياء

Ang pagpapakitang-tao ay ang pagpapakita sa ibang tao ng paggawa ng kabutihan o paglalantad ng pagsamba sa layuning makita ng mga tao ito para pumuri sila sa tagagawa nito; o sinasabing ito ay ang pag-iwan ng pagpapakawagas sa gawain dahil sa pagpapapansin sa iba pa kay Allāh dito. Nagpakahulugan ang ilan sa mga may kaalaman sa pamamagitan ng pagsabing ito ay ang gawaing naglalayon dahil dito ng pagpapakita sa nilikha dala ng pagkalingat sa Tagalikha at dala ng kaululan buhat sa kanya. Ito ay isang kubling shirk at isang tagapagpawalang-kabuluhan sa gawaing pinaghahambingan. May nasaad dito na isang matinding banta. Kailangan sa Muslim na makibaka sa sarili niya sa pagpapakawagas ng gawain ukol kay Allāh (pagkataas-taas Siya).

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Shirk sa Pag-ibig - الشِّرْكُ في المَحَبَّةِ

Ang shirk sa pag-ibig ay na umiibig kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya gaya ng pag-ibig sa Kanya o higit na matindi kaysa roon. Ito ay pag-ibig ng pagkaaliping nagpapaobliga ng pagpapasailalim, pagdakila, kalubusan ng pagtalima, at pagtatangi sa iniibig higit sa iba pa rito. Ang pag-ibig na ito ay natatanging ukol kay Allāh (pagkataas-taas Siya), na hindi pinapayagan na itambal sa Kanya rito ang isa man. Ang bawat sinumang umibig ng isang anuman kasama kay Allāh, hindi para kay Allāh at hindi alang-alang sa Kanya, ay gumawa nga rito bilang kaagaw bukod pa kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): "May mga tao na gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga kaagaw na umiibig sila sa mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh" (Qur'ān 2:165) Ang pag-ibig sa orihinal nito ay nahahati sa tatlong bahagi: 1. Kinakailangang Pag-ibig. Ito ay ang pag-ibig kay Allāh, ang pag-ibig sa Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya), at ang pag-ibig sa anumang iniibig ni Allāh (pagkataas-taas Siya) na mga pagsamba at iba pa sa mga ito. 2. Likas na Pinapayagang Pag-ibig. Nahahati naman ito sa tatlong bahagi: A. Pag-ibig ng pagkaawa at pakikiramay gaya ng pag-ibig ng magulang sa anak nito; B. Pag-ibig na katutubo gaya ng pag-ibig ng asawa sa maybahay nito; C. Pag-ibig ng pagpapalagayang-loob at pagkamatalik. Ito ay pag-ibig ng mga nakikilahok sa isang industriya o pagsasamahan o iba pa rito. Ang tatlong uring ito ay ang pag-ibig na naaangkop para sa mga nilikha sa isa't isa sa kanila. Ang pagkakaroon nito sa kanila ay hindi nagiging isang shirk sa pag-ibig kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), maliban kapag lumabis-labis ang pag-ibig na iyon at nagmalabis para unahin sa pag-ibig kay Allāh o nagsadahilan sa pagpapakaabala palayo sa pagtalima sa Kanya sapagkat tunay na ito sa sandaling iyon ay magiging kabilang sa pag-ibig na sinasaway. 3. Ipinagbabawal na pag-ibig. Ito ay pag-ibig sa anumang hindi pinapayagan sa batas, gaya ng pag-ibig [ng lalaki] sa babaing estranghera at mga binabae at pag-ibig sa mga instrumento ng pagpapatugtog, alak, at tulad nito.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Shirk sa Pagtalima - الشِّرْكُ في الطَّاعَةِ

Ang shirk sa pagtalima ay pagtalima sa iba pa kay Allāh (pagkataas-taas Siya) kabilang sa mga pantas at mga monghe o mga maalam at mga pinuno sa pagpapahintulot sa ipinagbawal ni Allāh (pagkataas-taas Siya) at pagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh (pagkataas-taas Siya). Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa sa nilikha na para bang isang panginoong tinatalima sa pag-uutos nito at pagsaway nito. Ang sinumang tumalima sa mga nilikha sa pagpapahintulot sa ipinagbawal ni Allāh o pagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagbibigay-matuwid sa kanila na magpahintulot sila at magbawal sila at ng pagbibigay-matuwid sa sarili niya o sa iba pa sa kanya sa pagtalima sa kanila roon kalakip ng pagkakaalam niya na ito ay sumasalungat sa Relihiyon ng Islām, gumawa nga siya sa kanila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at nagtambal nga siya kay Allāh (pagkataas-taas Siya) nang malaking shirk. Nagpaliwanag nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na iyon ay sa pamamagitan ng paggawa sa mga pantas at mga monghe bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima sa kanila sa pagpapaiba sa mga patakaran ni Allāh (pagkataas-taas Siya) at pagpapalit sa Batas Niya yayamang nagtalaga sila sa mga sarili nila bilang mga katambal kay Allāh sa pagbabatas. Ang sinumang tumalima sa kanila roon ay gumawa nga sa kanila bilang mga katambal kay Allāh sa pagbabatas, pagpapahintulot, at pagbabawal. Ito ay kabilang sa Malaking Shirk. Mula rito ang pagtalima sa mga tagapamahala at mga pangulo sa pagsasapatakaran ng mga batas na gawang-tao na sumasalungat sa mga patakarang pang-Sharī`ah dahil sa pagpapahintulot ng bawal gaya ng pagtulot sa patubo (interes), pangangalunya, pag-inom ng alak, at pagpapantay sa babae sa lalaki sa pamana, o pagbabawal sa pinahihintulutan gaya ng pagpigil sa poligamiya, at anumang nakawangis niyon na pagpapaiba sa mga patakaran ni Allāh at pagpapalit sa mga ito ng mga batas na gawang-tao.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Malalaking Kasalanan - كَبائِرٌ

Ang mga pagkakasala ay mga antas at mga baytang sapagkat kabilang sa mga ito ang nagpapalabas sa nakagawa ng mga ito mula sa Islām, ang shirk at ang kawalang-pananampalataya kay Allāh; at kabilang sa mga ito ang hindi nagpapalabas sa nakagawa ng mga ito mula sa Islām subalit ang mga ito ay nakababawas sa pagpapasakop niya at pananampalataya niya. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi: 1. Ang Malalaking Kasalanan. Nagkaiba-iba nga ang mga maalam sa pagpapakahulugan nito. Sinabing ito ay bawat pagkakasalang tumatak si Allāh o ang Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya) ng isang apoy o isang galit o isang sumpa o isang pagdurusa. Sinabing ito ay ang anumang nagbanta si Allāh ng isang takdang parusa sa Mundo at ng isang pagdurusa sa Kabilang-buhay. Sinabing ito ay ang anumang ang mga kawalang-katarungan dito ay sa pagitan ng mga tao mismo. Sinabing [ito ay] bawat pagsuway na nangahas ang tao rito nang walang pagkaramdam ng pangamba o walang pagkadama ng panghihinayang, bagkus nakagagawa siya nito habang nagwawalang-bahala rito habang naglalakas-loob dito. Ang tinutukoy ng takdang parusa ay ang kaparusahang itinakda sa batas [ng Islām] gaya ng kaparusahan sa pagnanakaw at pangangalunya sapagkat tunay na ang takdang parusa sa pagnanakaw ay pagputol ng kamay. Ang tinutukoy ng banta ay ang pagbabala at ang pagpapangamba sa Impiyerno o galit o pagpapalayo mula sa awa ni Allāh at tulad nito, gaya ng [parusa sa] pangangamkam at pag-uugnay ng kaangkanan sa hindi ama. 2. Ang Maliliit na Kasalanan. Ang mga ito ay ang mga pagsuway na walang nasaad hinggil sa mga ito na isang takdang parusa ni banta. Maaaring maging malalaking kasalanan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpupumilit sa mga ito at pagpapatuloy sa mga ito, gaya ng pagtingin sa babaing estranghera at tulad nito.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي