Ang shirk ay pagpapantay kay Allāh (pagkataas-taas Siya) ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niya sa mga natatangi kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) gaya ng pagsamba, mga pangalan, at mga katangian. Nababahagi ang shirk sa dalawang bahagi: A. Shirk na nauugnay sa sarili ni Allāh (pagkataas-taas Siya), mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya. Ito ay ang shirk sa pagkapanginoon. B. Shirk sa pagsamba kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at pakikitungo sa Kanya. Ito ay ang shirk sa pagsamba at pagkadiyos.
Ang panggagaway ay mga agimat, mga orasyon, at mga buhol, na nagbibigay-epekto sa mga katawan at mga kaluluwa kaya nakapagpapasakit ito, nakapapatay ito, at nakapagpapahiwalay ito sa lalaki at maybahay niyon ayon sa pahintulot ni Allāh. Ito ay ipinagbabawal, kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala, at umaabot sa kawalang-pananampalataya. Ang panggagaway ay may mga uri. Kabilang sa mga ito ang pagpaparimarim at ang pagbibighani at kabilang sa mga ito ang pagpapaguniguni, ang panlilinlang, at ang iba pa sa mga ito. Ang reyalidad ng panggagaway ay na ito ay isang paggamit sa mga demonyo at isang pagpapatulong sa mga iyon sa pagbibigay-epekto. Hindi maaari para sa manggagaway na umabot sa pagpapatupad ng panggagaway niya hanggang siya ay maging isang nagpapakalapit-loob sa mga demonyo sa pamamagitan ng [pag-aalay ng ]anuman sa mga uri ng pagsamba. Ang panggagaway ay may bahaging pagpapaguniguni at may bahaging reyalidad. Ang sinumang nag-angkin na ito ay pagpapaguniguni lamang at walang reyalidad dito ay nagkamali nga. Ang panggagaway ay hindi tagapagbigay-epekto mismo bilang pakinabang at bilang pinsala; nagbibigay-epekto lamang ito ayon sa pansansinukob na pang-itinakdang pahintulot ni Allāh (pagkataas-taas Siya) dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay Tagalikha ng bawat bagay.
Ang Maliit na Shirk ay bawat pagkakasala na pinangalanan ng Tagapagbatas bilang shirk at hindi umabot sa antas ng pagsamba sa iba pa kay Allāh (pagkataas-taas Siya) kasama kay Allāh, kabilang sa mga pagnanais, mga salita, at mga gawa; o bawat aktibidad na pansalita o panggawain na nagtaguri rito ang Batas [ng Islām] ng paglalarawan ng shirk subalit ito ay hindi nagpapalabas sa relihiyon, gaya ng panunumpa sa iba pa kay Allāh, kaunting pagpapakitang-tao, at tulad niyon. Ang Maliit na Shirk ay nasa dalawang uri: 1. Ang Nakalitaw na Shirk. Ito ay ang nagaganap sa mga salita at mga gawa. Ang shirk sa mga salita at mga pananalita ay gaya ng panunumpa sa iba pa kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at gaya ng pagsabi ng: "Ang niloob ni Allāh AT niloob mo." Maaaring umabot ito sa Malaking Shirk alinsunod sa layunin ng tagapagsabi nito at pakay niya sapagkat kung nagpakay siya ng pagdakila sa iba pa kay Allāh gaya ng pagdakila kay Allāh (pagkataas-taas Siya) ay nagtambal nga siya ayon sa malaking shirk. Ang shirk naman sa mga gawa ay gaya ng pagsusuot ng singsing o sinulid para sa pagpawi ng kamalasan o pagtutulak nito at gaya ng pagsasabit ng mga anting-anting dala ng pangamba sa usog (`ayn). Kung naniwala naman siya na ito ay nagtutulak ng kamalasan sa pamamagitan nito mismo, ito ay malaking shirk. 2. Ang Nakakubling Shirk. Ito ay ang shirk sa mga layunin, mga pakay, at mga pagnanais, gaya ng pagpapakitang-tao at pagtatamo ng reputasyon, gaya ng sinumang gumagawa ng isang gawaing nagpapakalapit-loob siya sa pamamagitan nito kay Allāh saka nagpapaganda siya ng ginagawa niya na pagdarasal o pagbigkas [ng Qur'ān] para mapuri at maibunyi siya.
Ang pagpapakitang-tao ay ang pagpapakita sa ibang tao ng paggawa ng kabutihan o paglalantad ng pagsamba sa layuning makita ng mga tao ito para pumuri sila sa tagagawa nito; o sinasabing ito ay ang pag-iwan ng pagpapakawagas sa gawain dahil sa pagpapapansin sa iba pa kay Allāh dito. Nagpakahulugan ang ilan sa mga may kaalaman sa pamamagitan ng pagsabing ito ay ang gawaing naglalayon dahil dito ng pagpapakita sa nilikha dala ng pagkalingat sa Tagalikha at dala ng kaululan buhat sa kanya. Ito ay isang kubling shirk at isang tagapagpawalang-kabuluhan sa gawaing pinaghahambingan. May nasaad dito na isang matinding banta. Kailangan sa Muslim na makibaka sa sarili niya sa pagpapakawagas ng gawain ukol kay Allāh (pagkataas-taas Siya).
Ang shirk sa pag-ibig ay na umiibig kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya gaya ng pag-ibig sa Kanya o higit na matindi kaysa roon. Ito ay pag-ibig ng pagkaaliping nagpapaobliga ng pagpapasailalim, pagdakila, kalubusan ng pagtalima, at pagtatangi sa iniibig higit sa iba pa rito. Ang pag-ibig na ito ay natatanging ukol kay Allāh (pagkataas-taas Siya), na hindi pinapayagan na itambal sa Kanya rito ang isa man. Ang bawat sinumang umibig ng isang anuman kasama kay Allāh, hindi para kay Allāh at hindi alang-alang sa Kanya, ay gumawa nga rito bilang kaagaw bukod pa kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): "May mga tao na gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga kaagaw na umiibig sila sa mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh" (Qur'ān 2:165) Ang pag-ibig sa orihinal nito ay nahahati sa tatlong bahagi: 1. Kinakailangang Pag-ibig. Ito ay ang pag-ibig kay Allāh, ang pag-ibig sa Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya), at ang pag-ibig sa anumang iniibig ni Allāh (pagkataas-taas Siya) na mga pagsamba at iba pa sa mga ito. 2. Likas na Pinapayagang Pag-ibig. Nahahati naman ito sa tatlong bahagi: A. Pag-ibig ng pagkaawa at pakikiramay gaya ng pag-ibig ng magulang sa anak nito; B. Pag-ibig na katutubo gaya ng pag-ibig ng asawa sa maybahay nito; C. Pag-ibig ng pagpapalagayang-loob at pagkamatalik. Ito ay pag-ibig ng mga nakikilahok sa isang industriya o pagsasamahan o iba pa rito. Ang tatlong uring ito ay ang pag-ibig na naaangkop para sa mga nilikha sa isa't isa sa kanila. Ang pagkakaroon nito sa kanila ay hindi nagiging isang shirk sa pag-ibig kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), maliban kapag lumabis-labis ang pag-ibig na iyon at nagmalabis para unahin sa pag-ibig kay Allāh o nagsadahilan sa pagpapakaabala palayo sa pagtalima sa Kanya sapagkat tunay na ito sa sandaling iyon ay magiging kabilang sa pag-ibig na sinasaway. 3. Ipinagbabawal na pag-ibig. Ito ay pag-ibig sa anumang hindi pinapayagan sa batas, gaya ng pag-ibig [ng lalaki] sa babaing estranghera at mga binabae at pag-ibig sa mga instrumento ng pagpapatugtog, alak, at tulad nito.
Ang shirk sa pagtalima ay pagtalima sa iba pa kay Allāh (pagkataas-taas Siya) kabilang sa mga pantas at mga monghe o mga maalam at mga pinuno sa pagpapahintulot sa ipinagbawal ni Allāh (pagkataas-taas Siya) at pagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh (pagkataas-taas Siya). Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa sa nilikha na para bang isang panginoong tinatalima sa pag-uutos nito at pagsaway nito. Ang sinumang tumalima sa mga nilikha sa pagpapahintulot sa ipinagbawal ni Allāh o pagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagbibigay-matuwid sa kanila na magpahintulot sila at magbawal sila at ng pagbibigay-matuwid sa sarili niya o sa iba pa sa kanya sa pagtalima sa kanila roon kalakip ng pagkakaalam niya na ito ay sumasalungat sa Relihiyon ng Islām, gumawa nga siya sa kanila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at nagtambal nga siya kay Allāh (pagkataas-taas Siya) nang malaking shirk. Nagpaliwanag nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na iyon ay sa pamamagitan ng paggawa sa mga pantas at mga monghe bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima sa kanila sa pagpapaiba sa mga patakaran ni Allāh (pagkataas-taas Siya) at pagpapalit sa Batas Niya yayamang nagtalaga sila sa mga sarili nila bilang mga katambal kay Allāh sa pagbabatas. Ang sinumang tumalima sa kanila roon ay gumawa nga sa kanila bilang mga katambal kay Allāh sa pagbabatas, pagpapahintulot, at pagbabawal. Ito ay kabilang sa Malaking Shirk. Mula rito ang pagtalima sa mga tagapamahala at mga pangulo sa pagsasapatakaran ng mga batas na gawang-tao na sumasalungat sa mga patakarang pang-Sharī`ah dahil sa pagpapahintulot ng bawal gaya ng pagtulot sa patubo (interes), pangangalunya, pag-inom ng alak, at pagpapantay sa babae sa lalaki sa pamana, o pagbabawal sa pinahihintulutan gaya ng pagpigil sa poligamiya, at anumang nakawangis niyon na pagpapaiba sa mga patakaran ni Allāh at pagpapalit sa mga ito ng mga batas na gawang-tao.