Tribalismo - عَصَبِيَّةٌ

Ang Tribalismo ay ang pag-aanyaya tungo sa pag-aadya sa angkan o lipi sa kawalang-katarungan o ang pakikipag-adya sa sinumang minamahalaga sa iyo ang nauukol sa kanya sa katotohanan o kabulaanan. Kabilang sa mga anyo nito rin ang mamuhi ang tao sa tao dahil ito ay kabilang sa mag-anak ni Polano o kabilang sa liping Polano, kahit hindi pa man umabot ito sa antas ng pangangaway. Ito ay tinatanggihan ayon sa Batas ng Islām dahil ito ay bahagi ng pagtutulungan sa kasalanan at pangangaway. Ito rin ay sumasalungat sa prinsipyo ng pagtangkilik at pagwawalang-kaugnayan kaugnay sa Pinaniniwalaang Pang-Islām. Kaya ang sinumang nagpakapanatiko para sa isang lipi o nakipaglaban, halimbawa, alang-alang sa kanila dala ng panatisismo hindi dahil sa pag-agapay sa Islām ni dahil sa pagtataas sa Salita ni Allāh, siya ay nasa kabulaanan at nagkasala dahil doon kahit pa man ang pagkagalit ay tama. Nagkaagapayan ang mga ḥadīth sa pagsaway sa Tribalismo sa lahat ng mga hugis nito at mga anyo nito, gaya ng panatisismo para sa lipi o para sa lahi o para sa bayan o para sa kulay o iba pa roon. Itinuturing ang pagkamatay ng panatiko bilang pagkamatay sa Panahon ng Kamangmangan. Nagpawalang-saysay rin ang Islām sa pagpapayabangan sa mga magulang at mga kahanga-hangang nagawa ng mga ninuno. Ginawa ng Islām bilang pundasyon ng pagkakalamangan ang pangingilag magkasala at ang maayos na gawa. Binanggit nga ng mga faqīh ang Tribalismo kabilang sa mga tagahadlang [ng pagtanggap] ng pagsaksi dahil ang tagasaksi na kilala sa Tribalismo ay hindi nalalayo sa pagpilipit ng pagsasaksi upang ito ay maging nasa kapakanan ng kalipi niya o [maging] nasa kapinsalaan ng ibang lipi.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Panggagaway - سحر

Ang panggagaway ay mga agimat, mga orasyon, at mga buhol, na nagbibigay-epekto sa mga katawan at mga kaluluwa kaya nakapagpapasakit ito, nakapapatay ito, at nakapagpapahiwalay ito sa lalaki at maybahay niyon ayon sa pahintulot ni Allāh. Ito ay ipinagbabawal, kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala, at umaabot sa kawalang-pananampalataya. Ang panggagaway ay may mga uri. Kabilang sa mga ito ang pagpaparimarim at ang pagbibighani at kabilang sa mga ito ang pagpapaguniguni, ang panlilinlang, at ang iba pa sa mga ito. Ang reyalidad ng panggagaway ay na ito ay isang paggamit sa mga demonyo at isang pagpapatulong sa mga iyon sa pagbibigay-epekto. Hindi maaari para sa manggagaway na umabot sa pagpapatupad ng panggagaway niya hanggang siya ay maging isang nagpapakalapit-loob sa mga demonyo sa pamamagitan ng [pag-aalay ng ]anuman sa mga uri ng pagsamba. Ang panggagaway ay may bahaging pagpapaguniguni at may bahaging reyalidad. Ang sinumang nag-angkin na ito ay pagpapaguniguni lamang at walang reyalidad dito ay nagkamali nga. Ang panggagaway ay hindi tagapagbigay-epekto mismo bilang pakinabang at bilang pinsala; nagbibigay-epekto lamang ito ayon sa pansansinukob na pang-itinakdang pahintulot ni Allāh (pagkataas-taas Siya) dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay Tagalikha ng bawat bagay.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي