Ang pananampalataya ay ang pag-amin at ang tiyakang pagpapatotoo sa bawat ipinabatid ni Allāh at ng Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya), na nag-oobliga ng gawain ng mga puso, pagkatapos sinusundan ang mga ito ng mga gawain ng mga bahagi ng katawan; o sinasabi: "Ito ay ang pagsabi ng dila, ang paniniwala ng puso, at ang paggawa ng mga haligi [ng Islām]." Ang tinutukoy ng pagsabi ng dila ay ang totoong tumpak na paniniwalang na natatanggap mula sa Aklat ni Allāh (pagkataas-taas Siya) Sunnah ng Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya). Ang pagsabi ng dila ay ang pagbigkas ng shahādatān dahil ang pagsabi kapag itinaguri sa mga teksto ay sumasaklaw sa pagsabi ng puso na siyang paniniwala at pagsabi ng dila na siyang pagbigkas. Ang tinutukoy ng paggawa ay ang paggawa ng puso, dila, at mga bahagi ng katawan. Hinggil naman sa paggawa ng puso, ito ay na magsagawa ang tao sa pamamagitan ng puso niya ng mga gawain ng pananampalataya, tulad ng pagkahiya, pananalig, paghahangad, pangamba, pagsisisi, pag-ibig, at iba pa rito. Hinggil naman sa gawain ng dila, ito ay ang pagluluwalhati (tasbīḥ), pagdakila [kay Allāh] (takbīr), pagbigkas ng Qur'ān, pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway ng nakasasama, at iba pa rito. Hinggil naman sa gawain ng mga bahagi ng katawan, ang mga ito ay ang mga gawain na isinasagawa ng tao gaya ng pagdarasal, pag-aayuno, ḥajj, pakikibaka, at tulad nito kabilang sa mga pagsamba.