Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya at ang Pagkabawas Nito - زيادة الإيمان ونقصانه

Bahagi ng pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah at Pagkakaisa ay na ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan at ang may pananampalataya ay nagkakalamangan dito alinsunod sa kaalaman nila at gawa nila sapagkat ang iba sa kanila ay higit na lubos sa pananampalataya kaysa sa iba pa. May nasaad nga na maraming patunay, mula sa mga talatang pang-Qur'ān at mga ḥadīth pampropeta at mula sa mga pahayag ng mga imām ng maayos na Salaf (unang tatlong salinlahi ng mga Muslim), na ang pananampalataya ay may mga antas at mga sangay na nadaragdagan at nababawasan. Nadaragdagan ito sa pamamagitan ng kalakasan ng paniniwala at dami nito at kagandahan ng mga gawa at mga salita at dami ng mga ito kabilang sa mga gawain ng mga puso at mga bahagi ng katawan at mga salita ng dila gaya ng paggawa ng mga pagtalima at lahat ng mga pampalapit-loob [kay Allāh]. Nababawasan naman ito sa pamamagitan ng kabaliktaran niyon gaya ng paggawa ng mga pagsuway at mga nakasasama. Kaya kapag tumuon ang tao sa pagtalima sa Panginoon niya at nangalaga siya rito, nadaragdagan ang pananampalataya niya; at kapag nalingat naman siya sa pag-alaala sa Kanya o nakagawa siya ng anuman kabilang sa mga pagsuway, nababawasan ang pananampalataya niya alinsunod doon. Ang pagkadagdag ng pananampalataya at ang pagkabawas nito ay mula sa maraming paraan, na sa kabuuan ay nakasalalay sa dalawang anyo: Ang pagkadagdag ng pananampalataya mula sa panig ng utos ng Panginoon sapagkat tunay na ang mga Muslim sa unang kalagayan ay mga inutusan ng [pagtataglay ng] isang sukat ng pananampalataya, pagkatapos matapos niyon nautusan sila ng iba pa roon; at ang pagkadagdag ng pananampalataya mula sa panig ng gawain ng tao sapagkat ang pananampalataya ng sinumang gumanap ng mga tungkulin ay hindi gaya ng pananampalataya ng sinumang lumabag sa ilan sa mga ito. Ang bawat teksto na nagpapahiwatig ng [posibilidad ng] pagkadagdag ng pananampalataya, tunay na ito ay naglalaman ng pahiwatig ng [posibilidad ng] pagkabawas nito at ang kabaliktaran nito dahil ang pagkadagdag at ang pagkabawas ay nagkakadikitan at dahil ang anumang napahihintulutan dito ang pagkadagdag ay napahihintulutan din dito ang pagkabawas.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang mga Napatnubayang Khalīfah - الخُلفاءُ الرّاشِدُونَ

Tunay na ang pinakamainam sa Kalipunang ito matapos ng Propeta natin (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay ang Unang Apat na Khalīfah na nag-utos ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng pagsunod sa kanila at pagkapit sa patnubay nila. Sila ay sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, Abū Ḥafṣ `Umar bin Al-Khaṭṭāb, Dhunnūrayn `Uthmān bin `Affān, at `Alīy bin Abī Ṭālib Abul-Ḥasan (malugod si Allāh sa kanila), na mga sumama sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) magmula sa simula ng Islām. Pagkatapos itinalaga sila sa khilāfah (pagkakhalīfah) at imāmah (pamumuno) mula ng matapos ng pagyao niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) alang-alang sa pagpapanatili ng Islām sa kaalaman, sa gawa, sa pag-aanyaya, sa mga kapakanan ng mga Muslim, at sa pangangalaga sa mga pumapatungkol sa kanila sa pangmundong buhay nila at pangkabilang-buhay nila. Nagtagal nga ang khilāfah nila ng Tatlumpung taon; dalawang taon at tatlong buwan ang yugto ng khilāfah ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq. Ang khilāfah ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb ay sampung taon at kalahati. Ang khilāfah naman ni `Uthmān bin `Affān ay labindalawang taon. Ang khilāfah ni `Alīy bin Abī Ṭālib ay apat na taon at siyam na buwan. Ang pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah ay na ang pagkakasunud-sunod nila sa pagkamainam ay alinsunod sa pagkakasunud-sunod nila sa khilāfah.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pagkaligaw - ضلال

Ang pagkaligaw ay ang kawalan ng katatagan sa daang tuwid, maging ito man ay sa mga sinasabi o mga ginagawa o mga paniniwala. Nahahati ang pagkaligaw sa dalawang bahagi: 1. Pagkaligaw sa kaalaman at mga pinaniniwalaan gaya ng pagkaligaw ng mga tagatangging sumampalataya, mga tagasamba ng mga anito, at mga tagapagkaila ng mga katangian ni Allāh (pagkataas-taas Siya). 2. Pagkaligaw sa gawain at mga patakaran gaya ng pagkaligaw ng mga kampon ng pagsuway. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaligaw: ang pag-iwan sa Qur'ān at Sunnah, ang pagpapauna sa isip, ang paggawa ng bid`ah, ang pagsunod sa pithaya, kamangmangan, panatisismo, at iba pa.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Malalaking Kasalanan - كَبائِرٌ

Ang mga pagkakasala ay mga antas at mga baytang sapagkat kabilang sa mga ito ang nagpapalabas sa nakagawa ng mga ito mula sa Islām, ang shirk at ang kawalang-pananampalataya kay Allāh; at kabilang sa mga ito ang hindi nagpapalabas sa nakagawa ng mga ito mula sa Islām subalit ang mga ito ay nakababawas sa pagpapasakop niya at pananampalataya niya. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi: 1. Ang Malalaking Kasalanan. Nagkaiba-iba nga ang mga maalam sa pagpapakahulugan nito. Sinabing ito ay bawat pagkakasalang tumatak si Allāh o ang Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya) ng isang apoy o isang galit o isang sumpa o isang pagdurusa. Sinabing ito ay ang anumang nagbanta si Allāh ng isang takdang parusa sa Mundo at ng isang pagdurusa sa Kabilang-buhay. Sinabing ito ay ang anumang ang mga kawalang-katarungan dito ay sa pagitan ng mga tao mismo. Sinabing [ito ay] bawat pagsuway na nangahas ang tao rito nang walang pagkaramdam ng pangamba o walang pagkadama ng panghihinayang, bagkus nakagagawa siya nito habang nagwawalang-bahala rito habang naglalakas-loob dito. Ang tinutukoy ng takdang parusa ay ang kaparusahang itinakda sa batas [ng Islām] gaya ng kaparusahan sa pagnanakaw at pangangalunya sapagkat tunay na ang takdang parusa sa pagnanakaw ay pagputol ng kamay. Ang tinutukoy ng banta ay ang pagbabala at ang pagpapangamba sa Impiyerno o galit o pagpapalayo mula sa awa ni Allāh at tulad nito, gaya ng [parusa sa] pangangamkam at pag-uugnay ng kaangkanan sa hindi ama. 2. Ang Maliliit na Kasalanan. Ang mga ito ay ang mga pagsuway na walang nasaad hinggil sa mga ito na isang takdang parusa ni banta. Maaaring maging malalaking kasalanan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpupumilit sa mga ito at pagpapatuloy sa mga ito, gaya ng pagtingin sa babaing estranghera at tulad nito.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي