Isang pangkatin ng mga tao na naghahayag ng pagsunod sa Islām at nagkukubli ng kawalang-pananampalataya.
Mga taong kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na sumasamba sa mga anghel at mga tala. Sinasabing sila ay isang pangkatin kabilang sa mga May Kasulatan.
Isang pangngalang itinataguri sa mga Hudyo at mga Kristiyano.
Mga taong kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na sumasamba sa apoy, araw, at buwan.
Ang mga pangkatin at ang mga sekta na tagapagpauso ng bid`ah na nagsimula sa gitna ng mga Muslim.
Ang mga Hudyo at mga Kristiyano kalakip ng mga nagkakaiba-ibang sekta nila.
Isang sekta ng Khawārij na nakikiugnay kay `Abdullāh bin Ibāḍ At-Tamīmīy.
Isang sektang maka-bid`ah na maka-kalām na nakikiugnay kay Abu Al-Ḥasan `Alīy bin Ismā`īl Al-Ash`arīy. Nagsimula ang mga saligan nito sa mga gawing maka-kalām. Pagkatapos naghalo sila sa doktrina nila ng marami sa mga saligan ng Jahmīyah at Mu`tazilah, bagkus ng mga pilosopo din, at sumalungat sila kay Al-Ash`arīy sa maraming sa mga opinyon niya.
Ang mga pangkatin na gumawa sa kaalaman sa Kalām at mga pilosopikong panuntunan nito bilang metodolohiya sa pagpapatunay sa mga usapin ng paniniwala.
Isang sektang kabilang sa mga Mago, na naniniwala na ang Daigdig ay namutawi sa dalawang saligan: ang liwanag at ang dilim.
Isang relihiyong pagano na lumitaw sa Indiya, na niyayakap ng marami sa mga mamamayan nito.
Isang sektang bāṭinīy na nakikiugnay kay Mirzā Ghulām Aḥmad Al-Hindīy Al-Qadyānīy, na pumanaw noong taong 1908, na naniniwala sa kawalan ng pagwawakas ng pagkapropeta, sa pagwawangis kay Allāh (pagkataas-taas Siya) sa tao, at sa pananampalataya sa paniniwala sa reinkarnasyon at pagtahan [ni Allāh sa tao], at pagbabawal sa pakikibaka.
Isang paglalarawang itinaguri sa bawat sinumang nagpahuli ng gawain kaysa sa pananampalataya at hindi nagpasok nito sa katawagan ng pananampalataya.
Isang sektang kabilang sa Mubtadi`ah (mga tagapagpauso ng bid`ah), na mga tagasunod nina `Amr bin `Ubayd at Wāṣil bin `Aṭā’ na naniwala sa limang saligan: `Amr bin `Ubayd at Wāṣil bin `Aṭā’ na naniwala sa limang saligan: ang tawḥīd, ang `adl (katarungan), ang wa`d (pangako) at ang wa`īd (banta), ang manzilah (antas) sa pagitan ng dalawang manzilah, at ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway ng nakasasama.
Isang kilusang nakikiugnay kay Muḥammad bin Aḥmad bin `Abdillāh As-Sūdānīy, ang tinaguriang ang Mahdīy, na pumanaw noong taong 1302 Hijrah, na nag-angkin ng pagkakasanggalang sa kasalanan at na siya raw ang Mahḍiya na hinihintay.
Isang doktrinang pilosopikong pampanitikang ateista na nakasalalay sa pagtatampok ng pinahahalagahan (value) ng kairalang pang-individuwal at mga kakanyahan nito.
Isang sektang kabilang sa mga sekta ng Ibāḍīyah, na mga tagasunod ni Yazīd bin Unaysah na naniniwala na si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay magpapadala ng isang propetang kabilang sa mga di-Arabe, at may bababa sa kanya na isang aklat mula sa langit nang isang buo.
Ang relihiyon ng mga Hebreo, na mga inapo ni Abraham (sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan), na mga nakilala bilang mga lipi ng mga anak ni Israel, si Jacob (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan), na mga naggigiit na sila ay mga tagasunod ni Moises (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) at naligaw dahil sa pagpilipit nila sa totoong relihiyon na inihatid niya sa kanila mula sa ganang kay Allāh (pagkataas-taas Siya).
Isang pangkaisipan at pang-ekonomiyang panghudyong permisibong kilusang nakasalalay sa ateismo, pagpapawalang-saysay sa pribadong pagmamay-ari, at pakikilahok ng mga tao sa kabuuan nila sa produksiyon nang pantay-pantay.
Ang mga Alagad ng Katotohanan, na mga kumakapit sa Qur'ān at Sunnah at sa pagkaintindi ng mga Kasamahang at mga Tagasunod ng mga ito sa paggawa ng maganda, na mga malaya sa kaligawan at mga ligalig sa Mundo at sa pagdurusang dulot ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa Araw ng Pagbangon.
Isang pangkating kabilang sa mga tao, na sumusunod sa pamamaraan ng pagsisiyasat pangkaisipang pinalaya sa bawat limitasyon o awtoridad na inoobliga rito mula sa labas sa paraang ang pag-iisip ay tagahatol sa kasi at tulad nito.
Isang sekta mula sa mga sekta ng Shī`ah, na naniniwalang ang pagka-imām ay nasa labindalawang lalaki mula sa sambahayan [ng Propeta], na napagtitibay ang pagka-imām nila, alinsunod sa pag-aangkin nila, sa isang teksto mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Ang bawat isa sa kanila ay nagtatagubilin nito sa sinumang kasunod nito.
Isang pangkating bāṭinīy na nauugnay kay Ismā`īl bin Ja`far Aṣ-Ṣādiq, na mga naniniwala sa pangangailangan sa kairalan ng isang imām na naisanggalang [sa pagkakasala] na natakdaang kabilang sa mga supling ni Muḥammad bin Ismā`īl kalakip ng pananampalataya sa taqīyah at paniniwala sa reinkarnasyon.
Isang sektang shī`īy na ligaw na naglilimita sa pagka-imām sa labindalawang imām na naisanggalang sa pagkakamali, pagkalimot, at paggawa ng maliliit na kasalanan at malalaking kasalanan kalakip ng pananampalataya sa pagbabalik at pagkalingid [ng ika-12 imām], paggamit ng taqīyah, at iba pa rito.
Isang sektang bāṭinīy na nakikiugnay kay Mirza Ḥusayan `Alīy Ash-Shīrāzīy, ang natagurian bilang Bahā'ullāh, na mga naniniwala sa pagtahan at pagsanib [ng Diyos sa tao], reinkarnasyon, at pamamalagi ng mga nilalang kalakip ng pagkakaila nila sa mga himala ng mga propeta, Paraiso, at Impiyerno.
Isang pamamaraang ṣūfīy bilang pag-uugnay kay Aḥmad bin Muḥammad At-Tījānīy.
Isang sekta kabilang sa mga sekta ng Shī`ah na Ismā`īlīyah, na mga naniniwala sa pagka-imām ni Al-Musta`līy.
Isang relihiyong pagano na naniniwala na si Budha ay anak ng Diyos, ang tagapagligtas ng Sangkatauhan mula sa mga trahedya nito at mga pasakit nito.
Isang sektang naniniwala na ang mga tao ay pinipilit sa mga gawa nila, walang pagpili para sa kanila, at walang kakayahan.
Isang sektang kabilang sa Shī`ah Imāmīyah, na pabulang nag-aangkin ng pakikipag-ugnay nito kay Ja`far bin Muḥammad Aṣ-Ṣādiq, na mga naniniwala na ang Qur'ān ay pinilipit, na ang mga imām nila ay mga naisanggalang [sa pagkakasala], at na ang mga Kasamahan ay mga tagatangging sumampalataya maliban sa kaunti sa kanila.
Isang relihiyong paganong politeistang sumanga mula sa Hinduismo, na naniniwala ang mga alagad nito sa reinkarnasyon ng mga kaluluwa, pagkakaila [ng pagkakaroon] ng Tagalikha, at iba pa roon.
Isang sektang kalāmīyah na ligaw, ang mga tagasunod ni Al-Jahm bin Ṣafwān, na nagkakaila sa lahat ng mga pangalan at mga katangian ni Allāh at naniniwala na ang pananampalataya ay ang payak na pagkakilala at na ang Qur'ān ay nilikha, at ang iba pa rito.
Isang sektang kabilang sa Khawārij, na nagtipon sa isang pook malapit sa Kūfah [sa Iraq], na tinatawag na Ḥarūrā'.
Ang mga nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya dahil sa mga pagsuway at naghihimagsik sa mga pinuno ng mga Muslim at pagkakaisa ng mga ito.
Ang pagpapakawagas ng pagsamba ukol kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at ang pagkiling palayo sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
Isang taguring itinaguri ng mga Kampon ng mga Bid`ah sa mga Alagad ng Sunnah at Pagkakaisa dahil ang mga Alagad, ayon sa pag-aangkin ng mga Kampon, ay nagtitipon ng pampuno ng ḥadīth at hindi nagbubukod ng tumpak nito mula sa mahina nito o maaaring ang mga Alagad ay kabilang sa madla, na silang pampuno.
isang sektang nag-aangkin ng pagkampi sa sambahayan [ng Propeta] at pag-ibig sa kanila kalakip ng pagpapawalang-kaugnayan kina Abū Bakr, `Umar, at sa nalalabi sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) maliban sa kaunti sa mga ito, ng pagpaparatang nila ng kawalang-pananampalataya sa mga ito, at ng pag-alipusta nila sa mga ito.
Isang sektang panrelihiyong Hudyo, na isang pag-uugnay sa Samaria, na may mga natatanging pinaniniwalaang sumasalungat sa relihiyon ng mga Hudyo.
Isang sekta kabilang sa mga sekta ng Shī`ah, na mga tagasunod ni Zayd bin `Alīy bin Al-Ḥasan, na mga naniniwala sa pagpapamalagi sa mga may malalaking kasalanan sa Impiyerno, [naniniwala] sa paghihimagsik laban sa mga pinuno ng kawalang-katarungan, at [naniniwala] sa pagkakasamahan [ng Propeta] nina Abū Bakr, `Umar, at `Uthmān (malugod si Allāh sa kanila sa kalahatan).
Mga tagasunod ni Sulaymān bin Jarīr Az-Zaydīy, na naniniwala sa pagpaparatang ng kawalang-pananampalataya kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya).
Isang pangkat panrelihiyong Indiyano na nag-aanyaya tungo sa isang bagong relihiyon na nag-aangkin na ito ay isang paghahalo ng dalawang relihiyong Islām at Hinduismo.
Isang pangngalang itinataguri sa dalawang kahulugan: 1. Isang sektang nag-angkin ng pag-ibig sa sambahayan [ng Propeta], sumalungat sa mga Muslim sa pinaniniwalaan at gawain, at nakidigma sa kanila; at 2. Isang pangngalan para sa bawat sinumang nagtangi kay `Alīy higit sa mga Napatnubayang Khalīfah bago niya at nagturing na ang sambahayan niya ay higit na may karapatan sa pagka-khalīfah.
Isang organisasyonng pampulitikang panghudyong naglalayon ng pagtatayo ng isang estadong panghudhyo sa Palestina.
Ang pagsalalay sa buhay sa hindi relihiyon, maging ito man isang pag-uugnay sa kalipunan o mga individuwal.
Isang kilusang bāṭinīy na mapangwasak na nakikiugnay sa isang taong ang pangalan ay Ḥamdān bin Al-Ash`ath.
Isang sektang pang-kalām, na mga tagasunod ni Abū Manṣūr Al-Māturīdīy, na mga naniniwala na ang pananampalataya ay ang paniniwala ng puso lamang, na ang salita ni Allāh ay pansarili na hindi naririnig, kalakip ng pagpapauna nila sa isip higit sa Qur'ān at Sunnah.
Isang organisasyong makahudyong pangkaisipang pampulitika na naglalayon ng pagpapalaganap ng kawalang-pananampalataya, katiwalian,at pakikidigma sa mga relihiyon at mga kaasalang mainam.
Isang sektang kabilang sa pinakaligaw sa mga sektang bāṭinīy na nakikiugnay kay Abū Shu`ayb Muḥammad bin Nuṣayr, na alipin ni Al-Ḥasan Al-`Askarīy, na mga naniniwala sa pagkadiyos ni `Alīy bin Abī Ṭālib, sa pagpapahintulot ng [pag-aasawa ng] mga maḥram at mga ipinagbabawal, pagkakaila sa Huling Araw, at iba pa roon.
Ang Relihiyon ng mga Kristiyano na naggigiit na sila ay sumusunod kay Kristo (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan). Ang kasulatan nila ay ang Ebanghelyo.
Ang sekta na nakikipag-away kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) at sa Sambahayan niya sa salita o gawa.
Mga tagasunod ni Aristoteles na Macedonio (384-322 Bago ni Kristo), na naniniwala sa pagkadatihan ng Daigdig, pagkakaila sa kaalaman ng Panginoon, pagbubuhay ng mga katawan, at iba pa roon kabilang sa mga paniniwala at mga ideyang bulaan.Tinawag silang gayon dahil si Aristoteles noon ay nagtuturo sa mga estudyante niya habang naglalakad kasama nila.
Isang relihiyong mago na naniniwala sa kairalan ng dalawang diyos, na ang una ay ang diyos ng kabutihan na si Ahura Mazda at ang ikalawa ay ang diyos ng kasamaan na si Angra Mainyu (Ahriman).
Isang pangkating sumasampalataya sa pamamalagi ng daigdig at kawalan ng pagkalipol nito.