Ang paniniwala ay ang pananampalatayang tiyakan at ang kahatulang matibay sa sinasampalatayanan ng tao at ginagawa niyang isang panuntunan at isang relihiyon kung saan naniniwala roon ang puso, napapanatag doon ang kaluluwa, at sumusuko ito roon nang walang humahalo sa pagkilalang iyon na isang pagdududa o isang pag-aatubili. Mula roon tinawag ang pananampalataya bilang pinaniniwalaan (`aqīdah) dahil ang tao ay nagbibigkis doon ng puso niya at nagtatali roon ng budhi niya kung ito sa ganang kanya ay nagiging isang kahatulang hindi tumatanggap ng pagdududa. Nahahati ang paniniwala sa dalawang bahagi: 1. Tumpak na Paniniwala. Ito ay ang pananampalataya sa kaisahan ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa pagkapanginoon Niya at pagkadiyos Niya at kaisahan Niya sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya, at ang pananampalataya sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, Huling Araw, Pagtatakda: ang kabutihan nito at ang kasamaan nito, lahat ng mga bagay-bagay hinggil sa nakalingid (ghayb), mga batayan ng relihiyon, at anumang napagkaisahan ng mga maayos na ninuno [sa pananampalataya]. 2. Bulaang Paniniwala. Ito ay ang paniniwala ng lahat ng mga relihiyong nalilihis gaya ng paniniwala ng mga Kristiyano na si Allāh ay isa sa tatlo, gaya ng paniniwala ng mga Hudyo na si `Uzayr daw ay anak ni Allāh, gaya ng paniniwala ng mga sekta ng pagkaligaw gaya ng Khawārij, Ashā`irah, Sufismo, at iba pa sa kanila.
Ang pagtalima ay ang pundasyon ng relihiyong [Islām] at ang haligi ng pagsamba. Ito ay ang paggawa ng tao ng ipinag-utos sa kanya at ang pag-iwan niya ng sinaway sa kanya sa paglalayon ng pagsunod, maging ito man ay ang ipinag-uutos o ang sinasaway sa salita o sa gawa o sa paniniwala. Nahahati ito sa dalawang bahagi: A. Pagtalima sa Tagalikha. Ito ay ang pagsasagawa sa ipinag-utos ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) at ang pag-iwan sa sinaway nilang dalawa. B. Pagtalima sa nilikha. Nahahati ito sa dalawang bahagi: 1. Pagtalimang pinapupurihan, gaya ng pagtalima sa pamunuan at mga magulang sa hindi isang pagsuway [kay Allāh]. 2. Pagtalimang pinupulaan. Ito ay ang pagtalima sa nilikha sa isang pagsuway [kay Allāh]. Ang pagtalimang ito ay may shirk gaya ng pagtalima sa nilikha sa pagpapahintulot ng bawal at pagbabawal ng pinahihintulutan o pagsamba sa mga anito, at may kasuwailan gaya ng pagtalima sa nilikha sa pag-inom ng alak at tulad nito.