Ang ḥarām ay isang kahatulan kabilang sa limang kahatulang inaatang. Ang mga ito ay ang ḥarām (ipinagbabawal), ang makrūh (kinasusuklaman), ang wājib (kinakailangan), ang mandūb (iminumungkahi), at ang mubāh (pinapayagan). Ang ḥarām ay ang sinasabi o ang ginagawa o ang paniniwala na sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ayon sa isang pagsaway na tiyakan ayon sa pag-oobliga ng pag-iwan. Ang ḥarām ay ang ginagantimpalaan ang nag-iiwan nito kung nag-iwan siya nito ayon sa pagsunod. Nagiging karapat-dapat sa parusa ang tagagawa nito.
Ang pagbabawal ay isang kahatulan kabilang sa limang kahatulang pampag-aatang. Ang lahat ng ito ay ang sinaway ni Allāh (pagkataas-taas Siya) at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ayon sa isang tiyakang pagsaway sa paraang nag-oobliga ng pagtigil [sa paggawa]. Ang bawal (ḥarām) ay ginagantimpalaan ang tumitigil [sa paggawa nito] kung itinigil niya ito bilang pagsunod at nagiging karapat-dapat naman ang tagagawa nito sa parusa. Tinatawag ang tagagawa nito na suwail (fāsiq).
Ang pagkaligaw ay ang kawalan ng katatagan sa daang tuwid, maging ito man ay sa mga sinasabi o mga ginagawa o mga paniniwala. Nahahati ang pagkaligaw sa dalawang bahagi: 1. Pagkaligaw sa kaalaman at mga pinaniniwalaan gaya ng pagkaligaw ng mga tagatangging sumampalataya, mga tagasamba ng mga anito, at mga tagapagkaila ng mga katangian ni Allāh (pagkataas-taas Siya). 2. Pagkaligaw sa gawain at mga patakaran gaya ng pagkaligaw ng mga kampon ng pagsuway. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaligaw: ang pag-iwan sa Qur'ān at Sunnah, ang pagpapauna sa isip, ang paggawa ng bid`ah, ang pagsunod sa pithaya, kamangmangan, panatisismo, at iba pa.
Ang Sharī`ah ay ang bawat isinabatas ni Allāh (pagkataas-taas Siya) na mga pinaniniwalaan, mga patakaran, at iba pa sa mga ito. Mayroon itong mga pinagkukunan na napagkaisahan [ang pagtanggap], na ang mga ito ay ang Qur'ān, ang Sunnah, ang Ijmā`, at ang Qiyās; at mga pinagkukunan na nagkaiba-iba [ang pagtanggap], tulad ng sabi ng Kasamahan. Mayroon itong mga pakay na nakikilala.
Ang mga sinawata ay sumasaklaw sa bawat sinaway at pinigilan ng Tagapagbatas kabilang sa mga ipinagbabawal na pinarurusahan ang tagagawa ng mga ito at ginagantimpalaan ang tagapag-iwan ng mga ito. Kabilang sa mga katawagan ng sinawata ay ang ipinagbabawal, ang pagsuway, at ang pagkakasala.
Ang pagpayag ay kabilang sa mga patakarang pambatas. Ito ay ang pahintulot mula sa Tagapagbatas sa paggawa o pag-iwan. Ang pinapayagan ay ikinatitiwasay ng naatangan ng tungkulin laban sa kasalanan at parusa. Hinati ng mga maalam ang pinapayagan sa dalawang bahagi: 1. Pinapayagan sa Batas. Ito ay ang pinapakay rito. 2. Pinapayagan sa Pag-iisip. Ang tinutukoy nito ay ang posible sa dako ng matinong pag-iisip.