Ang takfīr ay ang pagtataguri sa isang Muslim ng kawalang-pananampalataya at paglabas sa relihiyon. Iyon sa sandali ng pagkagawa niya ng isang tagasira mula sa mga tagasira ng [pagkaanib sa] Islām. Ang takfīr ay isang kahatulang pang-sharī`ah na ang pinag-uugnayan ay kay Allāh at sa Sugo Niya gaya ng pagpapahintulot (taḥlīl), pagbabawal (taḥrīm), at pag-oobliga (ījāb). Hindi sa bawat anumang nailarawan bilang kawalang-pananampalataya (kufr) na pananalita o gawain ay malaking kawalang-pananampalataya (kufr akbar) na. At hindi ang bawat sinumang nasadlak sa kawalang-pananampalataya ay naganap na ang kawalang-pananampalataya sa kanya malibang may pagkakaroon ng mga kadahilanan nito, ng mga kundisyon nito, at ng pagkawala ng mga tagahadlang nito. Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng paghatol ng kawalang-pananampalataya sa gawain at sa tagagawa. Ang kahulugan ng paglalarawan ng kawalang-pananampalataya sa tao ay na mayroon siyang isang pagtatakip sa puso ng tagatangging sumampalataya. Ang takfīr na walang pagsisiyasat ay may isang panganib at isang mabigat na banta.
Ang kawalang-pananampalataya ay maaaring orihinal, ang kawalang-pananampalataya ng sinumang hindi yumakap sa Islām noon pa; o maaaring sumasapit, ang kawalang-pananampalataya ng sinumang nauna nang yumakap sa Islām. Ang kapwa ay nahahati sa dalawang bahagi: A. Malaking kawalang-pananampalataya (kufr akbar). Ito ay bawat sinasabi o gawain o paniniwala na nagpapalabas sa tagapagsagawa nito mula sa Islām. Ito ay maaaring nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng puso o isang gawaing pampuso gaya ng pagkamuhi kay Allāh (pagkataas-taas Siya) o sa mga kapahayagan Niya o Sugo Niya (sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Ito ay maaaring nagiging isang sinasabing lantad gaya ng paglait kay Allāh (pagkataas-taas Siya) o minsan nagiging isang gawaing lantad gaya ng pagpapatirapa sa anito at pag-aalay sa iba pa kay Allāh. Ang malaking kawalang-pananampalataya ay nahahati sa ilang bahagi, na kabilang sa mga ito ay: 1. Ang kawalang-pananampalataya ng pagtanggi at pagpapasinungaling. Ang kawalang-pananampalatayang ito ay minsan nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng puso at minsan nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng dila o mga bahagi ng katawan. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtatago sa katotohanan at hindi pagpapaakay rito nang lantaran sa kabila ng pagkaalam dito at pagkabatid dito nang pakubli, gaya ng kawalang-pananampalataya ng mga Hudyo kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Ang kawalang-pananampalataya ng pagmamalaki. Ito ay ang pag-iwan sa katotohanan: hindi nag-aaral nito ang tao at hindi siya nagsasagawa nito maging sa sinasabi o ginagawa o pinaniniwalaan, gaya ng kawalang-paniniwala ni Satanas. 3. Ang kawalang-paniniwala ng pagpapaimbabaw. Ito ay sa pamamagitan ng kawalan ng paniniwala ng puso at paggawa nito kalakip ng pagpapaakay nang lantaran. 4. Ang kawalang-pananampalataya ng pagdududa at pag-aalinlangan. Ito ay ang pag-aatubili sa pagsunod sa katotohanan at ang pag-aatubili sa [paniniwala sa] pagiging katotohanan nito dahil ang hinihiling ay ang katiyakan na ang inihatid ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay katotohanan na walang pagdududa roon. B. Maliit na kawalang-pananampalataya (kufr aṣghar). Ito ay ang mga pagsuway at ang mga pagkakasala na tinawag ng Batas ng Islām na kawalang-pananampalataya ngunit hindi nagpapalabas sa tagagawa ng mga ito mula sa Islām o hindi umaabot sa hangganan ng malaking kawalang-pananampalataya. Napaloloob din dito ang kawalang-pananampalataya sa biyaya. Tinatawag ito bilang kawalang-pananampalataya na mababa sa isang kawalang-pananampalataya, gaya ng pakikipaglaban ng Muslim sa kapwa niyang Muslim, panunumpa sa iba pa kay Allāh, at pagtaghoy sa patay.
Ang pagkuha [ng tao] ng anumang hindi ukol sa kanya na kunin sa pakubling paraan o ang pag-angkin ng isang bagay mula sa isang nakatakdang kinalalagyan ng isang nakatakdang halaga sa isang nakatakdang paraan. Ito ay ipinagbabawal at kabilang sa mga malaking kasalanan. Ang pinag-ugatan [ng kahulugan] nito ay ang kataksilan. Ang pagnanakaw ay kumikitil sa pagkatao at nagpapahiwatig ng kababaan ng sarili at pagkahamak ng kalagayan.
Ang pag-inom ng alak ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala at mga katiwalian. Ito ay ang paggamit ng bawat anumang nakasisira sa pagkaunawa at nakaaapekto sa kaligtasan nito kabilang sa mga pampalasing sa alinmang anyo na niluto o hilaw, kaunti man o marami, maging ginawa man sa ubas o datiles o trigo o sebada o iba pa rito.
Ang pangangalunya ay pagtatalik ng isang lalaki sa isang babae sa ari nang walang pagkaasawa o pagmamay-ari o paghihinala ng pagmamay-ari; o sinasabing ito ay paggawa ng kahalayan sa isang babaing hindi maybahay, hindi aliping minamay-ari niya, at hindi nagkaroon dito ng isang paghihinala ng pagkakasal o pagmamay-ari ng kanang kamay. Ito ay ipinagbabawal at kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. May nasaad hinggil dito na isang matinding banta dahil sa bigat ng mga pinsala nito at mga katiwalian nito. Naghatid ang Sharī`ah ng pagsaway sa paglapit dito lalo na ng paggawa nito. Ang paglapit dito ay sumasaklaw sa ipinagbabawal na pagtingin, organisadong paghahalubilo sa pagitan ng dalawang kasarian, paglalakbay ng babae nang walang maḥram, pagsasailalim sa kanya sa pakikipag-usap, ipinagbabawal na pakikipagsarilinan, at iba pa rito. Nagkakaisa ang sodomiya at ang pangangalunya sa pagiging kapwa ipinagbabawal na pagtatalik subalit ang sodomiya ay isang pagtatalik sa anus at ang pangangalunya ay isang pagtatalik sa ari.