Takfīr (Pagpaparatang ng Kawalang-pananampalataya) - تَكْفِيرٌ

Ang takfīr ay ang pagtataguri sa isang Muslim ng kawalang-pananampalataya at paglabas sa relihiyon. Iyon sa sandali ng pagkagawa niya ng isang tagasira mula sa mga tagasira ng [pagkaanib sa] Islām. Ang takfīr ay isang kahatulang pang-sharī`ah na ang pinag-uugnayan ay kay Allāh at sa Sugo Niya gaya ng pagpapahintulot (taḥlīl), pagbabawal (taḥrīm), at pag-oobliga (ījāb). Hindi sa bawat anumang nailarawan bilang kawalang-pananampalataya (kufr) na pananalita o gawain ay malaking kawalang-pananampalataya (kufr akbar) na. At hindi ang bawat sinumang nasadlak sa kawalang-pananampalataya ay naganap na ang kawalang-pananampalataya sa kanya malibang may pagkakaroon ng mga kadahilanan nito, ng mga kundisyon nito, at ng pagkawala ng mga tagahadlang nito. Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng paghatol ng kawalang-pananampalataya sa gawain at sa tagagawa. Ang kahulugan ng paglalarawan ng kawalang-pananampalataya sa tao ay na mayroon siyang isang pagtatakip sa puso ng tagatangging sumampalataya. Ang takfīr na walang pagsisiyasat ay may isang panganib at isang mabigat na banta.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Kawalang-pananampalataya - كُفْرٌ

Ang kawalang-pananampalataya ay maaaring orihinal, ang kawalang-pananampalataya ng sinumang hindi yumakap sa Islām noon pa; o maaaring sumasapit, ang kawalang-pananampalataya ng sinumang nauna nang yumakap sa Islām. Ang kapwa ay nahahati sa dalawang bahagi: A. Malaking kawalang-pananampalataya (kufr akbar). Ito ay bawat sinasabi o gawain o paniniwala na nagpapalabas sa tagapagsagawa nito mula sa Islām. Ito ay maaaring nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng puso o isang gawaing pampuso gaya ng pagkamuhi kay Allāh (pagkataas-taas Siya) o sa mga kapahayagan Niya o Sugo Niya (sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Ito ay maaaring nagiging isang sinasabing lantad gaya ng paglait kay Allāh (pagkataas-taas Siya) o minsan nagiging isang gawaing lantad gaya ng pagpapatirapa sa anito at pag-aalay sa iba pa kay Allāh. Ang malaking kawalang-pananampalataya ay nahahati sa ilang bahagi, na kabilang sa mga ito ay: 1. Ang kawalang-pananampalataya ng pagtanggi at pagpapasinungaling. Ang kawalang-pananampalatayang ito ay minsan nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng puso at minsan nagiging isang pagpapasinungaling sa pamamagitan ng dila o mga bahagi ng katawan. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtatago sa katotohanan at hindi pagpapaakay rito nang lantaran sa kabila ng pagkaalam dito at pagkabatid dito nang pakubli, gaya ng kawalang-pananampalataya ng mga Hudyo kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Ang kawalang-pananampalataya ng pagmamalaki. Ito ay ang pag-iwan sa katotohanan: hindi nag-aaral nito ang tao at hindi siya nagsasagawa nito maging sa sinasabi o ginagawa o pinaniniwalaan, gaya ng kawalang-paniniwala ni Satanas. 3. Ang kawalang-paniniwala ng pagpapaimbabaw. Ito ay sa pamamagitan ng kawalan ng paniniwala ng puso at paggawa nito kalakip ng pagpapaakay nang lantaran. 4. Ang kawalang-pananampalataya ng pagdududa at pag-aalinlangan. Ito ay ang pag-aatubili sa pagsunod sa katotohanan at ang pag-aatubili sa [paniniwala sa] pagiging katotohanan nito dahil ang hinihiling ay ang katiyakan na ang inihatid ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay katotohanan na walang pagdududa roon. B. Maliit na kawalang-pananampalataya (kufr aṣghar). Ito ay ang mga pagsuway at ang mga pagkakasala na tinawag ng Batas ng Islām na kawalang-pananampalataya ngunit hindi nagpapalabas sa tagagawa ng mga ito mula sa Islām o hindi umaabot sa hangganan ng malaking kawalang-pananampalataya. Napaloloob din dito ang kawalang-pananampalataya sa biyaya. Tinatawag ito bilang kawalang-pananampalataya na mababa sa isang kawalang-pananampalataya, gaya ng pakikipaglaban ng Muslim sa kapwa niyang Muslim, panunumpa sa iba pa kay Allāh, at pagtaghoy sa patay.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي