Tawḥīd - توحيد

Ang Tawḥīd ay ang pinakadakila na isinatungkulin ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga lingkod Niya. Ito ay karapatan ni Allāh sa mga tao. Ito ay pundasyon ng paanyaya ng mga propeta at mga sugo sa kalahatan, mula sa kauna-unahan sa kanila hanggang sa kahuli-hulihan sa kanila. Ang Tawḥīd ay ang paniniwala na si Allāh ay nag-iisang namumukod-tangi sa paglikha Niya, paghahari Niya, at pangangasiwa Niya; na Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba, tanging Siya na walang katambal sa Kanya, kaya walang ibinabaling sa iba pa sa Kanya na anuman; at na mayroon Siyang mga pangalan at mga katangian na walang katulad at walang kawangis sa mga ito. Nahahati ang Tawḥīd sa tatlong bahagi: 1. Tawḥīd Al-Ulūhīyah (Tawḥīd ng Pagkadiyos); 2. Tawḥīd Ar-Rubūbīyah (Tawḥīd ng Pagkapanginoon); 3. Tawḥīd Al-Asmā’ wa Aṣ-Ṣifāt (Tawḥid ng mga Pangalan at mga Katangian). Hindi nalulubos para sa tao ang Tawḥid malibang sa pamamagitan ng pagkilala at pagkakaila: A. Ang Pagkilala. Ito ay na kilalanin para kay Allāh ang anumang nauukol sa Kanya na pagpapakaalipin [sa Kanya], pagkapanginoon, at mga pangalan at mga katangian. B. Ang pagkakaila ng anumang nauukol kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na pagpapakaalipin [sa Kanya], pagkapanginoon, at mga pangalan at mga katangian sa iba pa sa Kanya (pagkataas-taas Siya).

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Tawḥīd ng Pagkapanginoon - توحيد الربوبية

Ang Tawḥīd Ar-Rubūbīyah (Tawḥīd ng Pagkapanginoon) ay ang pananampalataya sa kairalan ni Allāh (pagkataas-taas Siya), ang paniniwala sa pamumukod-tangi Niya sa mga gawain Niya, at ang pag-amin at ang pagkilalang tiyakan na Siya lamang ang Panginoon ng bawat bagay, ang Tagapagmay-ari nito, ang Tagalikha ng bawatbagay, at ang Tagapagtustos nito, na Siya ay ang Tagapagbigay-buhay at ang Tagapagbigay-kamatayan, ang Tagapagpakinabang at ang Tagapinsala, ang namumukod-tangi sa pagsagot sa panalangin sa sandali ng pangangailangan, at nasa Kanya ang pag-uutos sa kabuuan nito, nasa kamay Niya ang kabutihan sa kabuuan nito, at tungo sa Kanya bumabalik ang usapin sa kabuuan hinggil sa pagpapainog at pangangasiwa. Hindi Siya nagkakaroon kaugnay roon ng isang katambal.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Naturalesa - فطرة

Nagnaturalesa si Allāh ng nilikha sa Islām at Tawḥīd sapagkat ang bawat isa sa mga tao ay may naturalesang humihiling ng pagtanggap sa Relihiyong Islām, pagkakilala rito, at pag-ibig dito. Ang mismong naturalesa ay nagpapaobliga ng pagkilala sa Tagalikha, pag-ibig sa Kanya, at pagpapakawagas ng relihiyon ukol sa Kanya. Ang mga tagapag-obliga ng naturalesa at ang hinihiling nito ay nangyayari ng unti-unti alinsunod sa kalubusan ng naturalesa kapag naligtas ito sa tagakontra. Kapag naman hindi naligtas ang naturalesa, tunay na ito ay mag-iiba dahil sa nakaaapekto rito mula sa mga demonyo, mga pithaya, at mga pagkaligaw. Ang naturalesa ay pinalulubos ng Sharī`ah na pinababa mula sa ganang kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Iyon ay dahil ang naturalesa ay nakaaalam sa usapin at ang Sharī`ah ay nagdedetalye nito at naglilinaw nito kaya hindi nagsasarili ang naturalesa sa pag-alam sa mga detalye ng Sharī`ah . Dahil dito nagsugo si Allāh ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) para sa paglulubos ng naturalesa.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Landasing Tuwid - الصراط المستقيم

Ang landasing tuwid ay ang ipinadala ni Allāh sa Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya) at sumasaklaw sa mga bagay-bagay na nakapaloob kabilang sa mga paniniwala at mga pagnanais at mga bagay-bagay na nakalantad kabilang sa mga salita at mga gawa. Ito ay ang tunguhin na nagsisikap si Satanas na tumambang sa mga anak ni Adan para sumagabal sa kanila roon. Ang landasing tuwid ay ang daang maliwanag na walang kabaluktutan doon at walang paglihis. Kabilang sa mga itinataguri rito ang pagsunod kay Allāh at sa Sugo Niya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya), ang Sunnah at ang Pagkakaisa, at ang daan ng pagkaalipin kay Allāh (pagkataas-taas Siya), at ang tulad nito.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي