Ang Kasuwailan sa mga Magulang - عُقُوق الوالدين

Ang kasuwailan ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Ito ay may maraming anyo. Ang pamantayan nito ay: na mangyari mula sa anak sa mga magulang niya o sa isa sa kanila ang isang pananakit na hindi magaan ayon sa kaugalian ng mga may taglay ng mga pagkaunawa. Kaya nabubukod mula rito ang anumang kapag nangyari mula sa mga magulang na isang pag-uutos o isang pagsaway saka sinalungat sila ng anak nila ng hindi naibibilang sa kaugalian ang pagsalungat niyon bilang kasuwailan kaya iyon ay hindi magiging kasuwailan. Kabilang sa kasuwailan [sa mga magulang] ang paghagupit, ang pagpapalayas mula sa bahay, at ang paninigaw sa harap nilang dalawa o sa isa sa kanilang dalawa.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pagsisinungaling - كَذِبٌ

Ang pagsisinungaling ay ang pagpapabatid tungkol sa isang bagay ayon sa kasalungatan ng kung ano ito maging ito ay dala man ng isang pananadya o isang pagkalingat, nalaman man ang kabulaanan ng ulat nang kusa o dala ng paghuhulo. Ang pagsisinungaling ay isang salot kabilang sa mga mapanganib na salot ng dila at isang katangiang pangit sa lahat ng mga batas. Ito ay isang uri ng pagpapaimbabaw dahil sa taglay nito na pagkukubli ng mga katotohanan at paghahayag ng salungat sa mga ito. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng dila, at ito ang orihinal. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan gaya ng pagsenyas sa pamamagitan ng kamay. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng puso, at ito ang pagkakaila. Nahahati ang pagsisinungaling sa tatlong bahagi: 1. Ang pagsisinungaling laban kay Allāh. Ito ay ang pinakapangit sa mga uri ng pagsisinungaling, gaya ng pag-uugnay ng isang sinasabing bulaan kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at gaya ng pagpapahintulot ng ipinagbabawal at pagbabawal ng ipinahihintulot; 2. Ang pagsisinungaling laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), gaya ng pag-uugnay ng mga ḥadīth na bulaan sa kanya; 3. Ang pagsisinungaling laban sa mga tao sa mga nauukol sa [buhay sa] Mundo at iba pa roon. Ang una at ang ikalawa ay pinakamabigat na kasalanan.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Panlilibak - غِيبَةٌ

Ang panlilibak ay ang pagbanggit ng nakalingid [hinggil sa tao] nang patalikod. Ibig sabihin: na babanggit ang isang tao sa [isa pang] tao nang patalikod sa kanya hinggil sa isang bagay na masusuklam siya at ikasasama ng loob niya ang pagbanggit niyon, maging iyon man ay kaugnay sa katawan niya o pagrerelihiyon niya o kaasalan niya o kaanyuan niya o ari-arian niya o mga pagkilos niya o iba pa roon kabilang sa anumang nauugnay sa kanya, maging ang pagbanggit niyon ay sa pamamagitan ng bibig o sa pamamagitan ng senyas o iba pa roon yayamang ang pagpaparamdam hinggil sa kanya ay gaya ng paghahayag at ang paggawa kaugnay rito ay gaya ng pagsasabi. Ang pagsenyas, ang pagpapahiwatig, ang pagpapasaring, ang pagsusulat, ang pagkilos, at ang anumang nagpapaintindi ng nilalayon ay napaloloob sa panlilibak.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pagkaligaw - ضلال

Ang pagkaligaw ay ang kawalan ng katatagan sa daang tuwid, maging ito man ay sa mga sinasabi o mga ginagawa o mga paniniwala. Nahahati ang pagkaligaw sa dalawang bahagi: 1. Pagkaligaw sa kaalaman at mga pinaniniwalaan gaya ng pagkaligaw ng mga tagatangging sumampalataya, mga tagasamba ng mga anito, at mga tagapagkaila ng mga katangian ni Allāh (pagkataas-taas Siya). 2. Pagkaligaw sa gawain at mga patakaran gaya ng pagkaligaw ng mga kampon ng pagsuway. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaligaw: ang pag-iwan sa Qur'ān at Sunnah, ang pagpapauna sa isip, ang paggawa ng bid`ah, ang pagsunod sa pithaya, kamangmangan, panatisismo, at iba pa.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pithaya - هَوَى

Ang hilig ng kaluluwang pantao sa anumang naiibigan nito, sa umaayon sa kalikasan nito, at bumabagay rito. Kaya kung nahilig ito sa sumasalungat sa Batas [ng Islām], ito ay pagsunod sa pithayang pinupulaan. Kung nahilig ito sa umaayon sa Batas [ng Islām], ito ay pagsunod sa pithayang pinapupurihan. Nahahati ang pithaya sa dalawang bahagi: 1. Pithaya na nagiging kaugnay sa mga nauukol sa relihiyon at tinatawag na pithaya ng mga paghihinala, na pinakamapanganib sa mga uri ng pithaya. Ang pagsunod sa pithayang ito ay nagpaparating sa nagtataglay nito sa pagbagsak sa bid`ah o kawalang-pananampalataya. Tinatawag ang mga kampon ng bid`ah bilang mga kampon ng mga pithaya dahil sila ay sumunod sa mga pithaya nila at umayaw sa Qur'ān at Sunnah. 2. Pithaya na nagiging kaugnay sa mga nauukol sa Mundo at tinatawag na pithaya ng mga pagnanasa, gaya ng pagkain at pagtatalik. Ang pithayang ito ay maaaring magpabagsak sa nagtataglay nito sa kasuwailan at mga pagsuway. Ang pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga relihiyon ay higit na mabigat kaysa sa pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga pagnanasa. Ang Sharī`ah ay dumating lamang para magpalabas sa mga tao mula sa pagsunod sa pithaya tungo sa pagsunod sa Batas.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي