Ang pagpapakabuti sa mga magulang ay ang pagtalima sa kanilang dalawa, ang pakikipag-ugnay sa kanilang dalawa, ang kawalan ng kasuwailan sa kanilang dalawa, ang paggawa ng maganda sa kanilang dalawa, at ang pagpapakita ng pag-ibig at paggalang sa kanilang dalawa kasabay ng paggawa ayon sa pagpapalugod sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng ninanais nilang dalawa hanggat hindi naging isang kasalanan. Ang tinutukoy ng mga magulang ay ang ama at ang ina at sumasakop din ito sa mga lolo at mga lola, maging sila man ay mga Muslim o mga di-Muslim. Bahagi ng pagpapakabuti sa kanilang dalawa matapos ng pagkamatay nila ang pagpaparangal sa kaibigan nilang dalawa at mga kasamahan nilang dalawa.
Ang kasuwailan ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Ito ay may maraming anyo. Ang pamantayan nito ay: na mangyari mula sa anak sa mga magulang niya o sa isa sa kanila ang isang pananakit na hindi magaan ayon sa kaugalian ng mga may taglay ng mga pagkaunawa. Kaya nabubukod mula rito ang anumang kapag nangyari mula sa mga magulang na isang pag-uutos o isang pagsaway saka sinalungat sila ng anak nila ng hindi naibibilang sa kaugalian ang pagsalungat niyon bilang kasuwailan kaya iyon ay hindi magiging kasuwailan. Kabilang sa kasuwailan [sa mga magulang] ang paghagupit, ang pagpapalayas mula sa bahay, at ang paninigaw sa harap nilang dalawa o sa isa sa kanilang dalawa.
Ang pagsisinungaling ay ang pagpapabatid tungkol sa isang bagay ayon sa kasalungatan ng kung ano ito maging ito ay dala man ng isang pananadya o isang pagkalingat, nalaman man ang kabulaanan ng ulat nang kusa o dala ng paghuhulo. Ang pagsisinungaling ay isang salot kabilang sa mga mapanganib na salot ng dila at isang katangiang pangit sa lahat ng mga batas. Ito ay isang uri ng pagpapaimbabaw dahil sa taglay nito na pagkukubli ng mga katotohanan at paghahayag ng salungat sa mga ito. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng dila, at ito ang orihinal. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan gaya ng pagsenyas sa pamamagitan ng kamay. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng puso, at ito ang pagkakaila. Nahahati ang pagsisinungaling sa tatlong bahagi: 1. Ang pagsisinungaling laban kay Allāh. Ito ay ang pinakapangit sa mga uri ng pagsisinungaling, gaya ng pag-uugnay ng isang sinasabing bulaan kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at gaya ng pagpapahintulot ng ipinagbabawal at pagbabawal ng ipinahihintulot; 2. Ang pagsisinungaling laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), gaya ng pag-uugnay ng mga ḥadīth na bulaan sa kanya; 3. Ang pagsisinungaling laban sa mga tao sa mga nauukol sa [buhay sa] Mundo at iba pa roon. Ang una at ang ikalawa ay pinakamabigat na kasalanan.
Ang panlilibak ay ang pagbanggit ng nakalingid [hinggil sa tao] nang patalikod. Ibig sabihin: na babanggit ang isang tao sa [isa pang] tao nang patalikod sa kanya hinggil sa isang bagay na masusuklam siya at ikasasama ng loob niya ang pagbanggit niyon, maging iyon man ay kaugnay sa katawan niya o pagrerelihiyon niya o kaasalan niya o kaanyuan niya o ari-arian niya o mga pagkilos niya o iba pa roon kabilang sa anumang nauugnay sa kanya, maging ang pagbanggit niyon ay sa pamamagitan ng bibig o sa pamamagitan ng senyas o iba pa roon yayamang ang pagpaparamdam hinggil sa kanya ay gaya ng paghahayag at ang paggawa kaugnay rito ay gaya ng pagsasabi. Ang pagsenyas, ang pagpapahiwatig, ang pagpapasaring, ang pagsusulat, ang pagkilos, at ang anumang nagpapaintindi ng nilalayon ay napaloloob sa panlilibak.
Ang pagkaligaw ay ang kawalan ng katatagan sa daang tuwid, maging ito man ay sa mga sinasabi o mga ginagawa o mga paniniwala. Nahahati ang pagkaligaw sa dalawang bahagi: 1. Pagkaligaw sa kaalaman at mga pinaniniwalaan gaya ng pagkaligaw ng mga tagatangging sumampalataya, mga tagasamba ng mga anito, at mga tagapagkaila ng mga katangian ni Allāh (pagkataas-taas Siya). 2. Pagkaligaw sa gawain at mga patakaran gaya ng pagkaligaw ng mga kampon ng pagsuway. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaligaw: ang pag-iwan sa Qur'ān at Sunnah, ang pagpapauna sa isip, ang paggawa ng bid`ah, ang pagsunod sa pithaya, kamangmangan, panatisismo, at iba pa.
Ang hilig ng kaluluwang pantao sa anumang naiibigan nito, sa umaayon sa kalikasan nito, at bumabagay rito. Kaya kung nahilig ito sa sumasalungat sa Batas [ng Islām], ito ay pagsunod sa pithayang pinupulaan. Kung nahilig ito sa umaayon sa Batas [ng Islām], ito ay pagsunod sa pithayang pinapupurihan. Nahahati ang pithaya sa dalawang bahagi: 1. Pithaya na nagiging kaugnay sa mga nauukol sa relihiyon at tinatawag na pithaya ng mga paghihinala, na pinakamapanganib sa mga uri ng pithaya. Ang pagsunod sa pithayang ito ay nagpaparating sa nagtataglay nito sa pagbagsak sa bid`ah o kawalang-pananampalataya. Tinatawag ang mga kampon ng bid`ah bilang mga kampon ng mga pithaya dahil sila ay sumunod sa mga pithaya nila at umayaw sa Qur'ān at Sunnah. 2. Pithaya na nagiging kaugnay sa mga nauukol sa Mundo at tinatawag na pithaya ng mga pagnanasa, gaya ng pagkain at pagtatalik. Ang pithayang ito ay maaaring magpabagsak sa nagtataglay nito sa kasuwailan at mga pagsuway. Ang pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga relihiyon ay higit na mabigat kaysa sa pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga pagnanasa. Ang Sharī`ah ay dumating lamang para magpalabas sa mga tao mula sa pagsunod sa pithaya tungo sa pagsunod sa Batas.
Ang pag-ugnay sa pagkakaanak ay sumasaklaw sa bawat magandang pakikitungo sa mga kamag-anak, maging ito man ay materyal o moral. Iyon ay mga uri [ng pakikitungo] sapagkat ito ay sa pamamagitan ng salapi; sa pamamagitan ng impluwensiya; sa pamamagitan ng prestihiyo; sa pamamagitan ng pagpayo, [pagbibigay ng] opinyon, at sanggunian; sa pamamagitan ng pangangatawan at pagdalaw; sa pamamagitan ng panalangin; at sa pamamagitan ng pag-iingat sa kasunduan, pangangalaga sa dangal, at tulad nito. Nagkakaiba-iba ang pag-ugnay sa pagkakaanak ayon sa pagkakaiba-iba ng mga antas ng mga pagkakaanak at mga kamag-anak at pagkakaiba-iba ng mga karapatan nila at mga kalagayan nila. Ang tinutukoy ng mga kamag-anak ay ang pamilya ng tao at ang bawat sinumang sa pagitan nito at niya ay may kaangkanan gaya ng mga magulang at mga ninuno ng mga ito gaano man tumaas, mga anak at mga anak ng mga ito gaano man bumaba, mga lalaking kapatid at mga anak ng mga ito, mga babaing kapatid at mga anak ng mga ito, mga tiyuhin sa ama, mga tiyahin sa ama, mga tiyuhin sa ina, mga tiyahin sa ina, at mga anak ng mga ito. Ang pag-ugnay sa pagkakaanak ay hindi nagsasakundisyon na ito ay maging kalapitan sapagkat hindi pinabubuyaan dito ang tao kundi dahil sa layunin at sa pagsagawa nito bilang pagtalima kay Allāh. Ito ay hindi nahahati-hati sapagkat hindi ukol sa isa na magtangi rito ng isang kaanak bukod sa isa pang kaanak gaya ng ginagawa ng ilan sa mga tao sa ngayon sapagkat nag-uugnay sila sa isang pagkakaanak at pumuputol sila sa ibang pagkakaanak dahil sa ilang motibong makamundo. Bahagi ng garapal na kamalian na ipagpalagay na ito ay nag-iisang uri gaya ng ari-arian, halimbawa; bagkus ito ay pag-ugnay sa pamamagitan ng pagdalaw, pakikipagkita, pagbati, at iba pa, maging iyon man ay sa tuwa o lungkot.