Ang Zakāh - الزَكاة

Ang zakāh ay isang pagsambang kapita-pitagan at isa sa mga haligi ng Islām at mga dakilang estruktura nito. May dulot itong mga kapakanang marami para sa indibiduwal at lipunan. Kumakatawan ito sa pagsasagawa ng isang tungkuling inobliga sa mga ari-ariang natatangi maging ang mga ito man ay nakalantad tulad ng mga hayupan, mga pananim, mga bunga, mga paninda ng kalakal; o nakakubli tulad ng ginto, pilak, at salapi. Hindi kinakailangan ang zakāh sa iba pa roon tulad ng mga sinasakyan at mga isinusuot. Ang pagsasagawa ng tungkuling ito ay ayon sa isang pamamaraang itinangi. Iyon ay sa pamamagitan ng paglalayon na ang ilalabas ay ang zakāh na kinakailangan para sa isang pangkating itinangi. Sila ay ang walong uri na nasaad ang pagbanggit sa kanila sa Marangal na Qur'ān kabilang sa mga maralita, mga dukha, mga nagkakautang na nawalang-kakayahan sa pagbayad sa mga utang nila, mga manggagawa sa pagkalap ng zakāh, napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng mga alipin at mga bihag, ayon sa landas ni Allāh kabilang sa mga mandirigmang nagkukusang-loob para sa pakikibaka, at mga manlalakbay na naubos ang panggugol nila. Ang zakāh ay may mga kundisyon at mga niṣāb na kilala.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ṣadaqah (Kawanggawa) - صَدَقَةٌ

Ang ṣadaqah ay ang ibinibigay ng tao sa mga maralita dahil sa paghahangad ng gantimpala ni Allāh (pagkataas-taas Siya), hindi ang pagpaparangal para magpalabas ng regalo o kaloob na naglalayon dahil dito ng pagmamahal. Sinasabing ang ṣadaqah sa pinag-ugatang kahulugan ay para sa ikinukusang-loob at ang zakāh naman ay para sa isinasatungkulin. Maaaring tawagin ang [bigay na] isinasatungkulin bilang ṣadaqah din dahil ang tagapagbigay nito ay naghangad ng ṣidq (katapatan) sa gawa niya. Ang [pagbibigay ng] ṣadaqah ay isang patunay sa katumpakan ng pananampalataya ng tagapagsagawa nito at ng pagpapatotoo rito.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Zakātul fiṭr - زَكاةُ الفِطْرِ

Ang [pagbibigay ng] zakātul fiṭr ay isang pagsamba na isinabatas ni Allāh (pagkataas-taas Siya) para sa mga lingkod Niya matapos ng pag-aayuno sa Ramaḍān. Ito ay paggugol ng isang takal na ṣā` ng pagkain na karaniwang kinakain ng mga naninirahan sa bayan [ng bibigyan] buhat sa bawat indibiduwal na Muslim, maging siya man ay lalaki o babae, o bata o matanda. Inoobliga nito ang padre de pamilya [na magbigay] para sa bawat sinumang itinataguyod niya bilang pagdadalisay sa nag-aayuno mula sa [nagawang] kalokohan at kahalayan, bilang pagpapakain sa mga dukha, bilang pagbibigay-kasapatan sa kanila laban sa panghihingi sa araw na iyon, bilang pagpapasok ng galak sa kanila sa isang araw na pinagagalak ang mga Muslim ng pagdating ng `īd sa kanila. Ang oras ng pagkakailangan nito ay ang paglubog ng araw ng huling araw ng Ramaḍān. Ang pinakamainam sa oras ng paglalabas nito ay bago ng ṣalāh ng `īdul fiṭr. Pinapayagan ang paglalabas nito isang araw o dalawang araw bago ng `īd. Isasagawa ang qaḍā' kung hindi naipalabas ito sa oras nito. Ibibigay ito sa mga maralita at mga dukha. Ang kantidad nito sa ganang karamihan ng mga maalam ay isang ṣā` ng trigo o sebada (barley) o harina ng dalawang ito o datiles o pasas. Ang ṣā ay apat na salok ng [magkadikit na] mga kamay ng lalaking hindi malaki ang mga kamay at hindi maliit. Tinaya ito ng Al-Lujnah Ad-Dā’imah (Ang Permanenteng Lupon) sa mga fatwā nito na katumbas sa tatlong kilogramo humigit-kumulang. Nasaad sa magasin ng Al-Bhuḥūth Al-Islāmīy (Ang mga Pananaliksik Pang-Islām) na ang kantidad nito ay 2.6 kilogramo humigit-kumulang.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Zakāh ng Dalawang Salapi (Ginto at Pilak) - زَكاةُ النَّقْدَينِ

Ang zakāh ng dalawang salapi (ginto at pilak) ay ang paglalabas ng isang nalalamang halaga. Ito ay 1/40 (2.5%) ng ginto o pilak at anumang hinango sa dalawang ito na dirham, dinar, mga salapi, mga alahas, mga bara (ng ginto o pilak), at iba pa, at anumang isinama sa kanila na mga salaping papel. Ang pagbibigay nito ay sa mga maralita at mga dukha at tulad nila kabilang sa mga karapat-dapat sa zakāh, kapag umabot ang ginto sa niṣāb. Ang kantidad ng niṣāb [ng ginto] ay 20 dinar, na nakatutumbas sa 85 gramo, at ang kantidad ng niṣāb ng pilak ay 200 dirham, na nakatutumbas ng 595 gramo, at lumipas sa pagmamay-ari ng dalawang ito ang pagdaan ng isang buong taon.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Ṣalāh ng Dalawang `Īd - صَلاةُ العِيدَينِ

Ang ṣalāh sa `Idul fiṭr at `Idul ’adḥā ay isang gawain kabilang sa mga gawain ng Islām. Isinasagawa ang ṣalāh na ito sa dalawang rak`ah sa isang malakas na pagbigkas sa araw ng `Idul fiṭr, ang unang araw ng buwan ng Shawwāl, at sa araw ng `Idul ’adḥā, ang ikasampung araw ng buwan ng Dhul ḥijjah. Sumasapit ang oras ng ṣalāh ng `Idul fiṭr at `Idul ’adḥā sa sandali ng pag-angat ng pantay sa sibat o dalawang sibat, na oras ng pagpapahintulot sa ṣalāh na nāfilah, at nagtatapos ito bago ng paghilig ng araw palayo sa kalagitnaan ng langit, bago ng ṣalāh sa ṣalāh nang kaunti. Natatangi ito sa nakasanayang ṣalāh sa pagkakaroon ng mga dagdag na takbīr sa simula ng bawat rak`ah.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي