Ang nikāh ay kabilang sa mga kalakaran ng buhay na nagpapaibig nito ang Islām at naglagay dito ng mga kasanhian at ilang katangian. Ang haligi nito ay lima: anyo, nobyo (groom), nobya (bride), dalawang tagasaksi, at walīy. Inireresulta sa nikāh: 1. Ang pagpapahintulot sa pagtatamasa ng isa't isa sa mag-asawa; 2. Ang pagkabawal ng kaanak sa pag-aasawa; 3. Ang pagtitibay ng pagmamanahan ng mag-asawa; 4. Ang pagtitibay sa kaangkanan ng anak. Nababahagi ang nikāh sa isang tumpak na nikāh, na nabuo rito ang mga kundisyon nito at ang mga haligi nito; at isang tiwaling nikāh, na may nasira rito na isang kundisyon o isang haligi.
Ang ṭuhr ay ang kawalan ng babae ng dugo ng regla o nifās. Mayroon itong dalawang palatandaan. [Ang unang palatandaan ay] ang pagkahinto ng dugo. Nagtataguri rito ang mga faqīh ng katuyuan yayamang kung sakaling ang babae ay nagpasok ng isang pirasong tela sa ari niya, pagkatapos inilabas niya ito, tunay na ito ay lalabas na busilak na malinis. Ang ikalawang palatandaan ay ang pagkakita ng puting uhog (mucus),na isang puting likido na lumalabas sa ari ng babae at dumarating matapos ng pagwawakas ng regla.
Ang ṭalāq ay ang paghihiwalay ng mag-asawa sa isang paraang pangsharī`ah sa pamamagitan ng pag-aalis sa ugnayan ng kasal at bigkis ng pagkamag-asawa, maging ito man ay pangkabuuan, gaya ng sa diborsiyada nang tatlong ulit sa ṭalāq bā'in (diborsiyong naghihiwalay), o pambahagi (partial), gaya ng sa ṭalāq raj`īy (diborsiyong makababalik). Ang tinutukoy ng nikāḥ dito ay ang tumpak na nikāḥ. Hinggil naman sa tiwali o walang-saysay na nikāḥ, hindi natutumpak dito ang ṭalāq, gaya ng ṭalāq ng sinumang hindi naman nakasal. Inoobliga para sa pagkalag ng bigkis na ito sa pagitan ng mag-asawa ang pagbigkas ng isang pananalita. Ito ay dalawang uri: 1. Mga pananalitang tahasan. [Ito ay] gaya ng pagbigkas ng ṭalāq (diborsiyo) at anumang nahahango rito, tulad ng: ṭallaqtuki (diniborsiyo kita), o anti ṭāliq (ikaw ay diniborsiyo), o anti muṭallaqah (ikaw ay diborsiyada). 2. Mga pananalitang hindi tahasan. Ito ay mga pananalita ng pagpapasaring. Isinasakundisyon dito ang pagkakaroon ng layunin ng ṭalāq. Nagkakaiba-iba ito ayon sa pagkakaiba-iba ng mga kaugalian. Halimbawa: "Ito na ang katapusan natin," o "Layuan mo na ako," o "Malaya ka na."
Ang `Āshūrā' ay ang ikasampung araw ng buwan ng Muḥarram. Nagsaad ang Sunnah ng pagkaisinasabatas ng pag-aayuno rito, na ito ay nagtatakip-sala sa mga pagkakasala ng isang taong nakalipas. Ang tinutukoy ng mga pagkakasala ay ang maliliit. Kung wala siyang maliliit na kasalanan, inaasahan ang pagpapagaan sa malalaking kasalanan. Ang pagpapagaang iyon ay nakatalaga sa kabutihang-loob ni Allāh (pagkataas-taas Siya). Kung wala siyang malalaking kasalanan, iaangat para sa kanya ang mga antas. Hinggil naman sa nangyayaring pagdiriwang, paglalagay ng kuḥl (antimonya) sa mata, pagkukulay ng hena, pagpapasagana sa mag-anak sa araw ng ikasampu [ng Muḥarram] at gabi nito, nagtuturing ang karamihan ng mga may kaalaman ng pagka-bid`ah niyon dahil walang napatunayan sa kainaman ng araw na ito na mga gawain maliban sa pag-aayuno lamang.
Ang mga pantugtog ay ang mga instrumento ng musika gaya ng mga plawta, [mga instrumentong] may mga kuwerdas, `ūd (bandurya), kūbah o tambol, at iba pa sa mga ito. Maaaring ginagamit ang mga ito kasabay ng pag-awit o nang walang pag-awit. Nagkakaiba-iba ang mga uri ng mga ito alinsunod sa panahon na ginagamit ang mga ito. Niyayari ang mga ito kadalasan – sa matanda at makabagong panahon – mula sa mga kuwerdas, mga ohas (sheet), katad, kahoy, at tulad nito. Ang mga pantugtog ay ang alak ng mga kaluluwa. Kaya kapag nalasing ang mga alagad ng mga ito sa mga tunog, kumikiling sila sa mga kahalayan, at sa kawalang-katarungan at mga pagsuway gaya ng pangangalunya, pagsasayaw, at pagpatay. Ang mga ito ay ipinagbabawal ayon sa batas batay sa maraming patunay.
Ang mga pakay ng Sharī`ah ay ang mga layunin at ang mga kahulugan na dinala ng Sharī`ah, pinatunayan nito sa mga patakaran, at ipinanawagan nito ang pagsasakatuparan sa mga iyon, ang pagpapairal sa mga iyon, at ang pangangalaga sa mga iyon sa bawat panahon at lugar. Nahahati ang mga pakay, sa pagsasaalang-alang sa mga kapakanan na naghatid ng pangangalaga sa mga ito, sa tatlong bahagi: 1. Ang mga pakay na kinakailangan, ang hindi maiiwasan mula sa mga ito sa pagsasagawa sa mga kapakanan ng [buhay sa] Relihiyon at Mundo sa paraang kapag nawala ang mga ito ay magaganap ang katiwaliang mabigat at kumakatawan ang mga ito sa pag-iingat sa limang kabuuan: ang relihiyon, ang isip, ang sarili, ang supling, at ang ari-arian. 2. Ang mga pakay na pampangangailangan, ito ay ang kapag hindi naisakatuparan ang mga ito ay magaganap ang pagkaasiwa at ang pahirap sa tao. 3. Ang mga pakay na pampagpapahusay, ang nagpapahusay sa kalagayan ng tao at nagpapakumpleto sa pamumuhay niya sa pinakamahusay na mga kalagayan, na tinatawag na mga pakay na kakumpletuhan o pampagpapakumpleto o mga pangkumpleto.