Ang farā'iḍ ay ang fiqh na nakaugnay sa mana at ang kaalamang nagpaparating sa pagkakilala sa sinumang magmamana at pagkakilala sa anumang kinakailangan para sa bawat may karapatan sa naiwan. Kaya ang reyalidad nito ay binubuo ng fiqh na nakaugnay sa mana at ng pagtutuos na makararating sa pamamagitan nito sa pagkakilala ng halaga na kinakailangan para sa bawat tagapagmana.
Ang tarikah ay bawat anumang naiiwan ng patay mula sa mga ari-arian at mga karapatan. Kaya napaloloob doon ang anumang tinaglay niya na ari-arian sa panahon ng buhay niya at ang anumang naiwan niya matapos ng pagkamatay niya na ari-arian o karapatan gaya ng karapatan sa unang pagbili (preemption), sa pag-urong sa kasunduan, at sa pagtingin sa paninda, kung paanong napaloloob doon ang mga pakinabang din para maging ukol naman sa mga tagapagmana matapos niya malibang kapag ang pakinabang ay pansamantala sa yugto ng buhay niya gaya ng tagubilin.