Bulūgh (Pagbibinata o Pagdadalaga o Kalubusan ng Edad) - بُلُوغٌ

Nangyayari ang bulūgh sa pamamagitan ng limang kaganapan, na tatlo sa mga ito ay nakikilahok ang mga lalaki at ang mga babae: ang iḥtilām (pagkakaroon ng wet dream), ang pagtubo ng buhok sa ari, at ang [kasapatan ng] edad; at dalawa sa mga ito ay natatangi sa mga babae, hindi sa mga lalaki: ang pagreregla at ang pagbubuntis.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Interes - رِبا

Ang interes ay ipinagbabawal at kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Ito ay dalawang bahagi. A. Ang interes ng mga pagtitinda. Ito ay sa mga ari-ariang pang-interes. Ito ay dalawang uri: 1. Interes ng Paglalabis. Ito ay ang pagtitinda ng isang paninda kapalit ng isang paninda kabilang sa kauri nito, na nagdaragdag dito ng isang takal o isang timbang, gaya ng pagtitinda ng isang ṣā` ng datiles kapalit ng dalawang ṣā` ng datiles o ng 1 kilogramo ng ginto kapalit ng 1.25 kilogramo ng ginto. 2. Interes ng Pag-aantala. Ito ay ang pagpapahuli ng pagtataglay sa isang pagtitinda [at pagbili] ng dalawang uri na nagkaisa sa sanhi [para maging] interes ng pagpapalabis kalakip ng pagpapahuli sa pagtataglay sa dalawang ito o pagtataglay sa isa sa dalawang ito gaya ng pagtitinda ng isang ṣā` ng trigo kapalit ng isang ṣā` ng sebada kalakip ng pagpapahuli ng pagtataglay nito sa pinagdausan ng bilihan; o pagpapalitan ng mga riyal at mga lira kalakip ng pagpapahuli ng pagtataglay. B. Ang interes ng mga utang o ang interes ng pagpapautang. Ito ay ang pagkuha ng tagapagpautang ng karagdagang isinakundisyon kapalit ng pagpapautang. Ang interes ay tinatawag ng marami sa mga kontemporaryo sa Ekonomiya sa ngalang fā'idah [o pakinabang sa wikang Arabe] at tulad niyon. Ito ay isang pagtawag na walang kabuluhan.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Mga pagtitindang sinasaway - بُيوعٌ مَنْهِيٌّ عنها

Ang mga pagtitindang sinasaway ay mga pagtitindang nasaad ang pagbabawal sa mga ito sa Qur'ān at Sunnah o isa sa dalawang ito. Ang mga pagtitindang ito, mayroon sa mga ito na ang nagbabawal ay dahil sa karapatan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) gaya ng pagtitinda matapos ng ikalawang adhān ng Jumu`ah, mayroon sa mga ito na ang nagbabawal ay dahil sa karapatan ng tao gaya ng pagtitinda laban sa pagtitinda ng kapatid niya at pagsalubong sa panindang [inihahatid sa pamilihan], at mayroon sa mga ito na ang nagbabawal ay dahil sa karapatan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) at dahil sa karapatan ng tao gaya ng mga pagtitindang naglalaman ng interes gayong ang ilan sa mga ito ay maaaring maging naglalaman ng mga kundisyon ng tumpak na pagtitinda subalit kailangan sa katumpakan na matupad ang mga kundisyon at mawala ang mga tagahadlang. Ang pangunahing panuntunan sa mga pagtitinda at mga transaksiyong pangkalakalan ay ang pagpayag at ang pagpapahintulot. Kaya kapag naglaman ang transaksiyon ng interes o pandaraya o kawalang-katarungan o pangangamkam ng mga ari-arian ng mga tao nang walang kapararakan, nagiging bawal ito. Gayon din kapag nagkulang ng isang kundisyon o higit pa mula sa mga kundisyon ng tumpak na pagtitinda at iba pa kabilang sa mga kasunduan (kontrata).

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Pagtitinda - بيع

Ang pagtitinda ay isang kontratang naoobliga dahil dito ang dalawang panig. Ang tagapagtinda ay maglilipat sa tagabili ng pagmamay-ari ng isang bagay o isang karapatang pang-ari-arian at ang tagabili ay naoobliga sa pagpapamay-ari ng isang halaga sa tagapagtinda. Ang mga saligan ng pagtitinda ay tatlo. Ang mga ito ay ang anyo, ang dalawang nagbibilihan, at ang napagkasunduan. Ang mga kundisyon nito ay pito: 1. Ang pagkakaluguran ng tagapagtinda at tagabili; 2. Na ang nagbibilihan ay pinapayagan sa malayang pagsasagawa, na ang bawat isa sa dalawang panig ay malaya, naatangan ng tungkulin, at matino [ang pag-iisip]; 3. Na ang itinitinda ay kabilang sa pinapayagan ang pakikinabang nang walang-takda; 4. Na ang itinitinda ay minamay-ari ng tagapagtinda o pinapayagan para sa kanya ang pagtitinda nito sa oras ng bilihan; 5. Na ang itinitinda ay nalalaman ng mga nagbibilihan sa pamamagitan ng pagkakita o isang katangian; 6. Na ang presyo ay nalalaman; 7. Na ang itinitinda ay nakakayang ibigay.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Masjid - مَسْجِدٌ

Ang masjid ay lugar na inilaan alinsunod sa pagsasagawa ng ṣalāh sa magpawalang-hanggan at palagian at sa dhikr, panalangin, pagpapakaunawa sa relihiyon, at pagmamasid sa mga kalagayan ng Kalipunan. Isinasagawa ang adhān dito para sa ṣalāh at hinaharapan ang dako ng qiblah. Yayamang ang pagpapatirapa ay pinakamarangal sa mga gawain ng ṣalāh dahil sa kalapitan ng tao sa Panginoon niya, hinango ang pangalan ng lugar mula rito, kaya tinawag ito na masjid (patirapaan). Ang mga hangganan ng masjid ay ang pumaligid dito na estruktura o mga kahoy o mga kawayan o tulad niyon. Ang mga masjid ay pinakamainam sa mga lugar sa Lupa. Taglay ng mga ito ang kahalagahan ng mga ito at ang kainaman ng mga ito sa ganang kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Mayroong mga masjid na itinangi ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga katangian at mga kalamangan na wala sa iba sa mga ito. Ang mga ito ay tatlo: Al-Masjid al-Ḥarām (Ang Masjid na Pinakababanal) sa Makkah, Al-Masjid an-Nabawīy (Ang Masjid na Pampropeta) sa Al-Madinah An-Nabawiyyah, at Al-Masjid Al-Aqṣā (Ang Masjid na Pinakaliblib) sa Al-Quds.