Ang panlilibak ay ang pagbanggit ng nakalingid [hinggil sa tao] nang patalikod. Ibig sabihin: na babanggit ang isang tao sa [isa pang] tao nang patalikod sa kanya hinggil sa isang bagay na masusuklam siya at ikasasama ng loob niya ang pagbanggit niyon, maging iyon man ay kaugnay sa katawan niya o pagrerelihiyon niya o kaasalan niya o kaanyuan niya o ari-arian niya o mga pagkilos niya o iba pa roon kabilang sa anumang nauugnay sa kanya, maging ang pagbanggit niyon ay sa pamamagitan ng bibig o sa pamamagitan ng senyas o iba pa roon yayamang ang pagpaparamdam hinggil sa kanya ay gaya ng paghahayag at ang paggawa kaugnay rito ay gaya ng pagsasabi. Ang pagsenyas, ang pagpapahiwatig, ang pagpapasaring, ang pagsusulat, ang pagkilos, at ang anumang nagpapaintindi ng nilalayon ay napaloloob sa panlilibak.
Ang pagpapakitang-tao ay ang pagpapakita sa ibang tao ng paggawa ng kabutihan o paglalantad ng pagsamba sa layuning makita ng mga tao ito para pumuri sila sa tagagawa nito; o sinasabing ito ay ang pag-iwan ng pagpapakawagas sa gawain dahil sa pagpapapansin sa iba pa kay Allāh dito. Nagpakahulugan ang ilan sa mga may kaalaman sa pamamagitan ng pagsabing ito ay ang gawaing naglalayon dahil dito ng pagpapakita sa nilikha dala ng pagkalingat sa Tagalikha at dala ng kaululan buhat sa kanya. Ito ay isang kubling shirk at isang tagapagpawalang-kabuluhan sa gawaing pinaghahambingan. May nasaad dito na isang matinding banta. Kailangan sa Muslim na makibaka sa sarili niya sa pagpapakawagas ng gawain ukol kay Allāh (pagkataas-taas Siya).