Ang pagsaksi ay ang pananadya ng pagpapabatid ng kasinungalingan upang humantong sa pamamagitan nito sa kabulaanan, maging may panunumpa man o walang panunumpa, gaya ng pagsaksi sa isang pananalanta sa isang tao o isang pagkuha sa ari-arian o isang pagpapahintulot sa bawal, o isang pagbabawal sa ipinahihintulot, at tulad nito. Ang tagasaksi sa kabulaanan ay nakagawa ng apat na mabigat: A. Na siya ay lumabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa pagsisinungaling at paggawa-gawa at ng isang malaking pakikipaghalubilo sa malalaki sa mga pagkakasala; B. Na siya ay lumabag sa katarungan sa taong sumaksi siya laban doon hanggang sa nakapinsala siya dahil sa pagsaksi niya sa ari-arian niyon, dangal niyon, at sarili niyon; C. Na siya ay lumabag sa katarungan sa taong sumaksi siya para roon dahil sa pag-akay papunta roon ng bawal na ari-arian; D. Na siya ay pumayag dahil sa gawa niya sa ipinagbawal ni Allāh (pagkataas-taas Siya).
Ang paghahanap ng kaalaman ay kabilang sa pinakamarangal sa mga pagsamba. May nasaad hinggil dito na masaganang pabuya para sa sinumang tumumpak ang layunin. Mayroon itong maraming kaasalan. Ang kahatulan nito ay nasa tatlong bahagi: 1. Paghahanap na isang tungkulin ng isang indibiduwal. Ito ay ang paghahanap ng kaalaman na kinakailangan sa tao gaya ng mga saligan ng paniniwala, mga patakaran ng ṣalāh at ṭahārah, at tulad nito. 2. Paghahanap na isang tungkulin ng isang komunidad. Ito ay ang paghahanap ng ipang-iingat sa relihiyon gaya ng pagsaulo ng Marangal na Qur'ān at Pampropetang Sunnah, mga saligan ng Fiqh, at tulad nito kabilang sa mga kaalaman. 2. Paghahanap na isang sunnah. Ito ay ang pagpapakalawak sa kaalaman at pagpapadagdag mula rito.