Nangyayari ang bulūgh sa pamamagitan ng limang kaganapan, na tatlo sa mga ito ay nakikilahok ang mga lalaki at ang mga babae: ang iḥtilām (pagkakaroon ng wet dream), ang pagtubo ng buhok sa ari, at ang [kasapatan ng] edad; at dalawa sa mga ito ay natatangi sa mga babae, hindi sa mga lalaki: ang pagreregla at ang pagbubuntis.
Ang pagkaunawa ay isang katawagan sa lakas na nakalaan sa pagtanggap ng kaalaman, pag-intindi ng pakikipag-usap, at pagbubukod ng maganda at pangit at ng totoo at bulaan. Ito ay paglalarawan ng mga pangunahing gamit ng utak gaya ng pag-iisip, pag-intindi, at tulad nito. Tinatawag ito na nuhā (katinuan), lubb (isip), ḥijr (pang-unawa), at iba pa. Ang mga pagkaunawa ay nagkakaibahan mula sa isang tao patungo sa isa pang tao. Ang pagkaunawa ay ang kundisyun ng pag-aatang ng tungkulin sa mga batas at ang kadahilanan ng pagtamo ng mga kaalaman at mga karanasan. Sa pamamagitan nito nalulubos ang relihiyon at ang gawain. Ito ay dalawang bahagi: 1. Pagkaunawang katutubong pangkalikasan. Ito ay ang kadahilanan ng pagtamo ng mga kaalaman. 2. Pagkaunawang natamong napakikinabangan. Ito ay ang epekto ng mga kaalaman at ang bunga ng mga ito. Kaya kapag natipon ang dalawang ito sa tao, malulubos at tatatag ang nauukol sa kanya. Ang kahulugan ng pagiging katutubo nito ay na si Allāh ay lumikha nito sa pasimula at hindi dahil sa pagkatamo ng tao.