Ang interes ay ipinagbabawal at kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Ito ay dalawang bahagi. A. Ang interes ng mga pagtitinda. Ito ay sa mga ari-ariang pang-interes. Ito ay dalawang uri: 1. Interes ng Paglalabis. Ito ay ang pagtitinda ng isang paninda kapalit ng isang paninda kabilang sa kauri nito, na nagdaragdag dito ng isang takal o isang timbang, gaya ng pagtitinda ng isang ṣā` ng datiles kapalit ng dalawang ṣā` ng datiles o ng 1 kilogramo ng ginto kapalit ng 1.25 kilogramo ng ginto. 2. Interes ng Pag-aantala. Ito ay ang pagpapahuli ng pagtataglay sa isang pagtitinda [at pagbili] ng dalawang uri na nagkaisa sa sanhi [para maging] interes ng pagpapalabis kalakip ng pagpapahuli sa pagtataglay sa dalawang ito o pagtataglay sa isa sa dalawang ito gaya ng pagtitinda ng isang ṣā` ng trigo kapalit ng isang ṣā` ng sebada kalakip ng pagpapahuli ng pagtataglay nito sa pinagdausan ng bilihan; o pagpapalitan ng mga riyal at mga lira kalakip ng pagpapahuli ng pagtataglay. B. Ang interes ng mga utang o ang interes ng pagpapautang. Ito ay ang pagkuha ng tagapagpautang ng karagdagang isinakundisyon kapalit ng pagpapautang. Ang interes ay tinatawag ng marami sa mga kontemporaryo sa Ekonomiya sa ngalang fā'idah [o pakinabang sa wikang Arabe] at tulad niyon. Ito ay isang pagtawag na walang kabuluhan.