1. Ang pagsasaling literal. Ito ay ang pagliliwat mula sa isang wika patungo sa iba pa kalakip ng pananatili sa anyong literal ng salita o pagkakasunud-sunod ng pahayag. 2. Ang pagsasalin ng mga kahulugan ng pananalita. Ito ay ang paghahayag tungkol sa pananalita sa pamamagitan ng mga salitang naglilinaw sa mga kahulugan nito at mga pakay nito. Ang pagsasalin dito ay nasa antas ng paglilinaw.
Ang muṣḥaf ay ang aklat na nagtitipon sa pagitan ng dalawang balat nito ng Salita ni Allāh (pagkataas-taas Siya) na pinababa sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), maging ang Qur'ān na nakasulat ay isang buo o isang bahagi mula rito, hanggat ito ay inilaan para sa Qur'ān gaya ng Juz'u Tabārak at tulad niyon. Nagsimula ang pagtawag sa Qur'ān bilang Muṣḥaf sa panahon ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Talatang Al-Kursīy ay pinakadakila sa mga talata ng Marangal na Qur'ān dahil sa kadakilaan ng nilalaman nito na mga pangalan ni Allāh at mga katangian Niya at mga patunay ng Tawḥīd. Ito ay ang ika-255 talata mula sa Kabanata Al-Baqarah. Pinangalanan ito sa pangalang ito dahil sa pagkabanggit ng Al-Kursīy sa [talatang] ito. Ang tinutukoy ng Kursīy ay ang kinalalagyan ng mga paa ng Panginoon (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang Trono ay higit na malaki kaysa sa Kursīy at pinakadakila sa mga nilikha.
Ang sūrah ay isang katawagan sa kalipunan ng mga talatang pang-Qur'ān na may simula at wakas, na tinatawag sa isang itinatanging pangalan. Ang pinakamaikling sūrah sa Qur'ān ay binubuo ng tatlong talata. Ang bilang ng mga sūrah ng Marangal na Qur'ān ay 114 sūrah, na nagkakaiba-iba sa haba at iksi, na isinaayos sa Muṣḥaf na `Uthmānīy, na ang una sa mga ito ay ang Sūrah Al-Fātiḥah at ang huli sa mga ito ay ang sūrah An-Nās.
Ang panalangin ay isang pagsamba kabilang sa pinakadakila sa mga pagsamba at pinakakapita-pitagan sa mga pagtalima. Ito ay isang pang-ugnay sa pagitan ng tao at Panginoon niya. Ang panalangin ay dalawang bahagi: 1.Panalangin ng paghingi. Ito ay sa pamamagitan ng sinasabi ng dila sa paghiling ng pagtamo ng pakinabang o pagtulak ng pinsala mula sa anumang nasa Mundo at Kabilang-buhay, tulad ng pagsabi mo ng: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin, o Mapagpatawad" at gaya nito at sa pamamagitan ng pag-angat ng mga kamay o pag-angat ng hintuturo. 2. Panalangin ng pagsamba. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng lahat ng mga uri ng mga pagsambang lantaran at pakubli kabilang sa mga salita, mga gawa, at mga layunin. Kailangan sa dumadalangin na hindi dumalangin kundi kay Allāh lamang kaya hindi siya dadalangin sa isang propeta ni sa isang anghel ni sa isang walīy ni sa isang patay, na siya ay maging taimtim na gising ang puso sa sandali ng panalangin kalakip ng kagandahan ng palagay kay Allāh, kawalan ng pagmamadali sa pagsagot at pag-iwan ng paglabag sa panalangin sa pamamagitan ng paghiling ng imposible o pagdalangin ng kasalanan o pagputol ng ugnayang pangkaanak. Ang panalangin ay ang pananawagan ng tao mula sa Panginoon niya ng pahiling ng pangangalaga at ang pagpapaayuda niya sa Kanya ng tulong. Ang reyalidad nito ay ang paglalantad ng pangangailangan sa Panginoon at ang pagwawalang-kaugnayan sa kapangyarihan at lakas na taglay ng sarili. Ito ay ang rurok ng pagsamba at ang paglalantad ng kaabahang pantao. Narito ang pagbubunyi kay Allāh at ang pag-uugnay ng kagalantehan at pagkamapagbigay sa Kanya. Ang tagapag-iwan nito ay maaaring isang nawawalang-pag-asa o isang nagpapakamalaki.