Si Allāh ay ang Diyos na sinasamba ayon sa karapatan, pag-ibig, paghahangad, at pangamba, na tagatipon ng lahat ng mga kahulugan ng mga pinakamagagandang pangalan ni Allāh, ang naglalaman ng nalalabi sa mga katangian ni Allāh (pagkataas-taas Siya).
Ang Panginoon ay ang soberano, ang tagapagmay-ari, ang tagapagpaayos ng iba pa sa Kanya, ang tagapag-alaga ng lahat ng mga lingkod Niya sa pamamagitan ng pangangasiwa at ng mga uri ng mga biyaya.
Ang Napakamaawain ay ang may malawak na dakilang awa na sumakop sa bawat bagay.
Ang Maawain: ay ang may awang sukdulang nakaugnay sa kinaawaan.
Ang Buháy ay ang taglay Niya ang lahat ng mga kahulugan ng buhay na lubos na hindi nauunahan ng kawalan at hindi nasusundan ng pagkalipol.
Ang Mapagpanatili ay ang nanatili sa sarili Niya sapagkat hindi Siya nangailangan sa isa man at nanatili ang bawat bagay dahil sa Kanya sapagkat walang isang walang-pangangailangan sa Kanya.
Ang Nag-iisa ay nagpakabukod-tangi sa lahat ng mga kalubusan sa sarili Niya, sa mga katangian Niya, at mga gawa Niya sapagkat walang katambal sa Kanya sa anuman mula roon.
Ang Kaisa-isa ay ang nagpakaisa sa lahat ng mga kalubusan sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya; at nagpakabukod-tangi sa mga ito yayamang walang nakikitambal sa Kanya sa mga ito na isang nakikitambal.
Ang Una ay ang wala pang anuman bago Niya.
Ang Huli ay ang wala nang anuman matapos Niya.
Ang Nakaiibabaw ay ang walang anumang nasa itaas Niya.
Ang Nakaiilalim ay ang walang anumang nasa ibaba Niya.
Ang Tagapagmana ay ang matitira matapos ng pagkalipol ng nilikha, na magmamana sa lupa at sinumang nasa ibabaw nito.
Ang Kabanal-banalan ay ang dinakilang pinawalang-kinalaman sa mga katangian ng kakulangan sa kabuuan ng mga ito at pakikitulad sa Kanya ng isa man sa mga nilikha.
Ang Kaluwa-luwalhati ay pinawalang-kinalaman sa mga kakulangan at mga kapintasan, na binabanal at pinawawalang-kinalaman ng bawat sinumang nasa mga langit at lupa.
Ang Sakdal ay ang malaya sa bawat kakulangan, salot, at kapintasan.
Ang Tagapagpasampalataya ay ang tagapagpatotoo na nagpapatotoo sa mga propeta Niya sa pamamagitan ng paglalatag ng mga katunayan at mga himala sa kanila at ang nagpapatiwasay sa nilikha laban sa kawalang-katarungan dahil sa kalubusan ng katarungan Niya.
Ang Totoo ay ang nagkatotoo ang pagiging Niya at ang kairalan Niya at na ang mga pangalan Niya, ang mga katangian Niya, ang mga gawa Niya, ang mga hatol Niya, at ang ganti Niya ay kalubusan at totoo sapagkat walang anuman sa mga ito na bulaan.
Ang Nakapagmamalaki ay ang Pagkataas-taas na pagkasukdol-sukdol sa layo sa kasagwaan, kakulangan, at kapintasan dahil sa kalubusan Niya at kapitaganan sa Kanya.
Ang Sukdulan ay ang tagapagtipon ng lahat ng mga katangian ng kalubusan, karingalan, pagkamalaki, at kadakilaan na iniibig ng mga puso at dinadakila ng mga kaluluwa.
Ang Malaki ay ang sukdulan, na ang bawat bagay ay mababa sa Kanya at walang bagay na higit na sukdulan kaysa sa Kanya.
Ang Mataas ay ang taglay Niya ang kataasang walang-takda sa lahat ng mga paraan: kataasan ng antas, kataasan ng paggapi, at kataasan ng sarili.
Ang Pinakamataas ay isang pangngalang tagapagpahiwatig ng pananatili ng lahat ng mga kahulugan ng kataasan kay Allāh sa bawat paraan ayon sa kataasan ng sarili, kataasan ng antas, at kataasan ng paggapi.
Ang Pagkataas-taas ay pangngalang tagapagpahiwatig ng walang-takdang kataasan ni Allāh sa lahat ng mga paraan: kataasan ng sarili, kataasan ng antas, at kataasan ng panlulupig.
Ang Mapagtalos ay ang hindi naikukubli sa Kanya ang mga bagay kahit pa man numipis ang mga ito, ang Mabuting-loob na naglulumanay sa kanila at nagtutuon sa kanila sa anumang naroon ang kaayusan nila.
Ang Marunong ay ang inilalarawan sa kalubusan ng karunungan sa mga utos Niya at mga pagbabatas Niya at sa kalubusan ng paghahatol sa pagitan ng mga nilikha Niya.
Ang Malawak ay ang taglay Niya mula sa bawat paglalarawan ng kahulugan ang pinakaganap at ang antas na pinakalubos.
Ang Maalam ay ang nakapaligid ang kaalaman Niya sa bawat bagay.
Ang Hari ay ang nailalarawan sa mga katangian ng kadakilaan, panlulupig, at pangangasiwa, ang tagapagmay-ari ng lahat ng mga bagay, ang nakapangyayari sa mga ito nang walang pagmamalabis at walang pagtutol.
Ang Kapuri-puri ay isang pangngalang nagpahiwatig ng lahat ng mga pagpupuri at mga kalubusan ukol kay Allāh (pagkataas-taas Siya), ang karapat-dapat sa papuri dahil sa kalubusan Niya sa sarili Niya, mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya.
Ang Mapagbatid ay ang nakapaligid ang kaalaman niya sa mga nakapaloob ng mga bagay at mga kubli ng mga ito kung paanong nakapaligid iyon sa mga nakalantad ng mga ito.
Ang Maringal ay ang nagkakatangian ng maraming dakilang malawak na katangian ng kalubusan.
Ang Malakas ay ang ganap ang lakas na hindi nadadaig ng isang tagadaig at hindi natututulan ang paghuhusga Niya ng isang tagatutol.
Ang Matibay ay ang matinding kadulu-duluhan sa lakas at kakayahan kaya hindi Siya nasusundan ng isang kahinaan at isang hirap.
Ang Makapangyarihan na taglay Niya ang kapangyarihang lubos, na lumupig sa bawat anumang iba sa Kanya sa pamamagitan ng lakas Niya, pananaig Niya, at pagpigil Niya.
Ang Tagagapi ay ang nagpasailalim sa Kanya ang lahat ng mga nilalang, nagpakaaba sa Kanya ang lahat ng mga nilikha, at nagpasaklaw ang mga ito sa kapangyarihan Niya at kalooban Niya.
Ang Nakakakaya ay ang taglay Niya ang ganap na sumasaklaw na lubos na kakayahan na walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman at walang nakaaalpas sa Kanya na isang hiniling.
Ang May-kakayahan ay ang may lubos na kakayahan na hindi dinadapuan ng isang kawalang-kakayahan ni isang pananamlay.
Ang Tagakaya ay ang taglay Niya ang ganap na kakayahan na walang nakapipigil dito na anuman.
Ang Palasupil ay ang nakatataas sa nilikha Niya, ang tagapanaig sa bawat bagay, na nagpasaklaw sa Kanya ang bawat bagay at nagpasailalim sa Kanya ang bawat bagay at na sumusupil sa sinumang nagpakalinga sa Kanya.
Ang Tagalikha ay ang tagapagpairal ng mga bagay at ang tagapagpasimula ng mga ito nang walang naunang pagkatulad.
Ang Tagapaglalang ay ang Tagalikha na lumikha ng lahat ng mga umiiral, nagbigay-anyo sa mga ito, at nagpairal sa mga ito matapos ng kawalan ng mga ito.
Ang Tagapag-anyo na nagpasimula sa paglikha Niya sa mga anyong nagkakaiba-iba at mga hugis na nagkakaibahan bilang tagapagpatunay sa kalubusan ng kaalaman Niya at karunungan Niya.
Ang Tagapagsubaybay ay ang tagapag-aruga sa nilikha, ang tagapamahala sa kanila, ang nakapangyayari sa kanila, na pumaligid sa bawat bagay sa kaalaman.
Ang Mapag-ingat ay ang nag-ingat ng nilikha Niya, pumaligid ang kaalaman Niya sa anumang pinairal Niya, nag-ingat ng mga katangkilik Niya laban sa pagbagsak nila sa mga pagkakasala at mga kasawian, at nag-isa-isa sa mga lingkod ng mga gawa nila at ganti sa mga ito.
Ang Katangkilik ay tagapag-adya ng mga mananampalatayang lingkod Niya at ang tagapag-aruga sa mga nauukol sa nilikha Niya nang magkakasama.
Ang Pinagpapatangkilikan ay ang pinagpapatangkilikan ng mga nilikha nang sama-sama sa kahulugang Siya ay ang soberano nila, ang tagapagmay-ari nila, ang sinasamba nilang totoo, at ang pinagpapatangkilikan ng mga mananampalatayang tagasamba Niya. Umiibig Siya sa kanila, nagtutuon Siya sa kanila, nag-aadya Siya sa kanila, nagpaparating Siya sa kanila sa mga kapakanan nila, nagpapadali Siya para sa kanila ng mga kapakinabangan nilang panrelihiyon at pangkabilang-buhay.
Ang Mapag-adya ay ang nag-aadya sa mga mananampalatayang lingkod Niya at tumutulong sa kanila.
Ang Tagapag-adya ay ang nagtatakda ng pananaig at pagwawagi para sa sinumang niloob Niya mula sa mga lingkod Niya.
Ang Pinananaligan ay ang mapagpanagot sa mga panustos ng nilikha Niya, ang tagapag-aruga sa kanila sa mga kapakanan nila, at ang tumangkilik sa mga katangkilik Niya saka nagpadali sa kanila para sa pinakamadali, nagpaiwas sa kanila ng pinakamahirap, at nagpasapat sa kanila ng mga nauukol.
Ang Mapagpanagot ay ang tagapagsagawa sa mga nauukol sa mga nilikha, ang tagapaggarantiya sa mga pagkain nila at mga panustos sa kanila.
Ang Tagapagpasapat ay ang nagpapasapat sa mga lingkod Niya ng lahat ng kinakailangan nila at ang nakasasapat ang pantulong Niya higit sa iba pa sa Kanya at maipangkakasya higit sa iba sa Kanya.
Ang Dulugan ay ang lubos na panginoon at ang dakilang soberano, ang pinapakay sa bawat pangangailangan sa pagkaibig at pagkasindak.
Ang Palatustos ay ang tagapaggarantiya ng mga panustos ng mga lingkod, na sa mga ito ang sinasalalayan ng mga puso nila at mga katawan nila.
Ang Palahatol ay ang humahatol sa mga lingkod Niya ng mga hatol Niyang pambatas, humuhusga sa kanila ng mga hatol niyang pang-itinakda, at nagtutuos sa kanila ng mga hatol Niyang pangganti.
Ang Tagalinaw ay ang malinaw ang nauukol sa Kanya sa kaisahan at na Siya ay walang katambal, at ang naglilinaw sa mga lingkod Niya ng totoo.
Ang Tagapatnubay ay ang gumagabay sa lingkod Niya tungo sa lahat ng mga pakinabang at tungo sa pagtulak ng mga pinsala at nagtutuon sa sinumang niloob Niya mula sa kanila tungo sa patnubay.
Ang Hukom ay ang nasa Kanya ang hatol sa bawat bagay. Siya ay humahatol ng ninanais Niya at humahatol sa mga lingkod Niya ayon sa totoo at katarungan.
Ang Mahabagin ay ang matindi ang pagkahabag sa mga lingkod Niya at ang pagkaawa sa kanila.
Ang Mapagmahal ay ang tagaibig ng iniibig sapagkat Siya ay ang umiibig sa mga propeta Niya at mga sugo Niya at ang mga tagasunod nila ay umiibig sa Kanya.
Ang Mabuting-loob ay ang tagagawa ng maganda na nagbiyaya sa mga tao ng mga uri ng mga biyaya.
Ang Matimpiin ay ang may kahinahunan na hindi nagmamadali sa mga lingkod Niya sa pagparusa sa kanila sa mga pagkakasala nila.
Ang Mapagpatawad ay ang nagsasanggalang sa mga lingkod Niya sa kasamaan ng mga pagkakasala nila at hindi nagpaparusa sa kanila sa mga ito.
Ang Mapagpaumanhin ay ang pumapawi sa mga masagwang gawa at nagpapalampas sa mga pagsuway.
Ang Palatanggap ng Pagbabalik-loob ay ang nagtutuon sa tao sa pagbabalik-loob at tumatanggap nito mula sa kanya.
Ang Mapagbigay ay ang marami ang kabutihan, ang sukdulan ang pakinabang.
Ang Pinakamapagbigay ay ang marami ang kabutihan at ang pagbibigay, na nasa kamay Niya ang kabutihan sa kabuuan nito at ang bawat kabutihan ay mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).
Ang Tagapagpasalamat ay ang tagapuri sa sinumang tumatalima sa Kanya, ang tagapagbunyi niyon, at ang tagagantimpala niyon sa pagtalima sa Kanya higit sa nagiging karapat-dapat dahil doon.
Ang Mapagpasalamat ay ang nagpapasalamat sa kaunti mula sa gawa sa pamamagitan ng masaganang pinag-ibayong paggagantimpala at nagpapaumanhin sa marami sa mga pagkatisod.
Ang Madinigin ay ang nakatatalos ng lahat ng mga naririnig sapagkat Siya ay nakaririnig ng lihim at bulungan; magkapantay sa ganang Kanya ang matunog at ang mahina at ang pagbigkas at ang pananahimik.
Ang Nakakikita na pumaligid ang pagkakita Niya sa bawat bagay kahit pa man numipis o lumiit, ang may pagkakita sa mga bagay, ang Mapagbatid sa mga ito, ang tagaarok sa mga nakapaloob ng mga ito.
Ang Saksi ay ang walang nalilingid sa Kanya na anuman, bagkus Siya ay nakatatalos sa bawat bagay, na nakasasaksi rito, na maalam sa mga detalye nito.
Ang Mapagmasid ay ang tagaarok sa bawat bagay, ang tagasaksi sa mga lihim at mga budhi, na nakaalam, nakakikita, at hindi nakakukubli sa kanya ang lihim at ang bulungan.
Ang Malapit ay ang malapit mula sa tagatalima sa Kanya sa pamamagitan ng paggagantimpala, mula sa tagapanalangin sa Kanya sa pamamagitan ng pagsagot, at mula sa lahat ng mga lingkod Niya sa pamamagitan ng kaalaman. Ito ay hindi nagkakaila sa kataasan Niya (kaluwalhatian sa Kanya).
Ang Tagasagot ay ang nagtatapat sa paghiling ng mga tagahiling at panalangin ng mga tagadalangin ng pagsagot at pagtanggap.
Ang Tagapaligid ay isang pangngalang nagpapahiwatig ng kataasan ni Allāh sa nilikha Niya at pagpaligid Niya sa bawat bagay sa kaalaman, sa kakayahan, at sa paggapi.
Ang Mapagtuos ay ang tagapagpasapat sa mga lingkod Niya, na mga mananampalatayang nananalig sa Kanya, ang maalam sa mga gawain ng mga lingkod Niya, ang tagapagtuos sa kanila sa mga ito.
Ang Walang-pangangailangan ay ang bawat iba sa Kanya ay nangangailangan sa Kanya at wala sa Kanyang pangangailangan sa isa man.
Ang Palakaloob ay ang malawak ang mga bigay at ang mga kaloob, na sumaklaw sa mga nilalang sa kabuuan ng mga ito sa pagkamapagbigay Niya.
Ang Tagapagpakain ay ang nagtatakda ng mga pakain sa mga nilikha sa pamamagitan ng kaalaman Niya, pagkatapos nag-aakay ng mga ito patungo sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan Niya at naghahati-hati ng mga ito sa pagitan nila.
Ang Tagapagpauna ay ang tagapababa ng mga antas ng nagiging karapat-dapat sa mga ito. Nagpapauna Siya ng anumang niloob Niya mula sa mga ito at nagpapahuli Siya ng anumang niloob Niya.
Ang Tagapagpahuli ay ang nagpapahuli ng mga bagay na nagiging karapat-dapat sa pagpapahuli para maglagay Siya ng mga ito sa kalalagyan ng mga ito.
Ang Malumanay ay ang tagapaghinay-hinay sa mga nauukol, ang tagapagdahan-dahan sa mga ito, na hindi nagmamadali sa kaparusahan ng mga tagasuway.
Ang Palamagandang-loob ay ang tagapagbiyaya, ang tagapagbigay, ang sukdulan ang mga kaloob, na nagbibigay-loob ng biyaya bago ng paghingi nito.
Ang Mapagbigay-loob ay ang marami ang pagbibigay na lumahat sa pagbibigay Niya sa lahat ng mga nilalang.
Ang Tagagawa ng Maganda ay ang tagapagmagandang-loob sa mga lingkod Niya ng mga uri ng mga biyayang nakalantad at nakapaloob.
Ang Palatumbas ay ang gumaganti sa mga lingkod alinsunod sa mga gawa nila at nagtutuos sa kanila sa mga ito.
Ang Tagapagpagaling ay ang naglulunas sa mga lingkod mula sa mga sakit ng mga katawan, mga paghihinala ng mga puso, at mga pagnanasa ng mga kaluluwa.
Ang Soberano ay ang Panginoon at ang Tagapagmay-ari, ang May-ari ng soberenya sa reyalidad, na bumabalik ang paglikha sa Kanya sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang Gansal ay ang nag-iisa na walang katambal sa Kanya at walang kapuwa.
Ang Mahiyain ay ang marami ang hiya. Ito ay paglalarawang nababagay sa Kanya, na hindi gaya ng hiya ng mga nilikha; bagkus Siya ay nag-iwan ng anumang hindi naaangkop sa lawak ng pagkaawa Niya at kalubusan ng pagkamapagbigay-loob Niya, karangalan Niya, at kadakilaan ng pagpapaumanhin Niya at pagtitimpi Niya.
Ang Kaaya-aya ay nangangahulugan na Siya (pagkataas-taas Siya) ay binabanal at pinawawalang-kinalaman sa mga kakulangan at mga kapintasan sa kabuuan ng mga ito.
Ang Tagapagbigay ay ang namumukod-tangi sa pagbibigay ayon sa katotohanan, na walang tagapigil sa anumang ibinigay Niya at walang tagapagbigay sa anuman pinigil Niya.
Ang Marikit ay ang taglay Niya ang karikitang walang-takda sa sarili Niya, mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya.
Ang Diyos ay ang tagapagtipon ng lahat ng mga katangian ng kalubusan at mga pang-uri ng kapitaganan, ang sinasamba na walang nagiging karapat-dapat sa pagsamba na isa man maliban sa Kanya.
Ang Tagapag-angat ay ang nag-aangat ng sinumang niloloob Niya, gaya ng pag-angat sa mga katangkilik Niya sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang May Pagpipitagan at Pagpaparangal ay ang may kadakilaan, pagkamalaki, pagkaawa, pagkamapagbigay-loob, ang karapat-dapat sa pagdakila at papuri.
Ang pinakamaganda sa gawa sa mga tagapagtakda at ang pinakamahusay sa mga tagayari at mga tagapag-anyo na walang isa na lumilikha gaya ng paglikha Niya.