Ang Ṣalāh na Witr - صَلاةُ الوِتْرِ

Ang ṣalāh na witr ay ang ṣalāh na ginagawa sa gabi sa pagitan ng ṣalāh sa `ishā' at ng pagsapit ng fajr (madaling-araw) at winawakasan sa pamamagitan nito ang ṣalāh sa gabi. Ang pinakamababa nito ay iisang rak`ah. Walang hangganan para sa pinakamataas nito. Ang itinuturing na kaibig-ibig ay ang pagiging 11 rak`ah nito. Tinawag ito na gayon dahil ang bilang ng mga rak`ah nito ay witr, ibig sabihin: gansal, na maaaring isa o tatlo o lima at tulad niyon.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Ṣalāh sa Jamā`ah - صَلاةُ الجَماعَةِ

Nagsisigasig ang Islām sa pagkakaisa ng mga Muslim at pagtutulungan nila sa mga pagtalima. Dahil dito nagsabatas si Allāh (pagkataas-taas Siya) para sa atin ng mga pagsambang pangkonggregasyon, na hindi nakapagsasagawa ng mga ito ang tao nang namumukod, gaya ng pagpapayo, pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway ng nakasasama, at [pagsasagawa ng] ḥajj. Kabilang doon ang ṣalāh sa jamā`ah para sa limang ṣalāh. Mayroon itong maraming kabutihang-dulot. May nasaad na maraming patunay sa pagkakailangan nito sa sandali ng kawalan ng maidadahilan.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Kapanatagan sa Ṣalāh - الطُّمَأْنِينَةٌ في الصلاة

Ang kapanatagan ay ang pamamalagi ng mga kasukasuan at mga bahagi ng katawan sa kinalalagyan ng mga ito sa isang sandali. Ang pinakakaunti nito ay ang pagkakaroon ng katiwasayan sa paraang naituturing ito sa nakaugalian bilang napapanatag. Sinabi: [Ito ay] ang paglaho ng pagkilos ng mga bahagi ng katawan sa isang maikling panahon. Sinabi: Ito ay kasukat ng [haba ng] dhikr na kinakailangan sa haligi [ng ṣalāh], gaya ng sukat ng [haba ng] isang tasbīḥ, halimbawa. Ang nabanggit sa dalawang pahayag na ito ay hindi natatangi sa gawain ng gumagawa ng masagwa sa ṣalāh niya, na inutusan nga na mag-ulit ng ṣalāh.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Masjid - مَسْجِدٌ

Ang masjid ay lugar na inilaan alinsunod sa pagsasagawa ng ṣalāh sa magpawalang-hanggan at palagian at sa dhikr, panalangin, pagpapakaunawa sa relihiyon, at pagmamasid sa mga kalagayan ng Kalipunan. Isinasagawa ang adhān dito para sa ṣalāh at hinaharapan ang dako ng qiblah. Yayamang ang pagpapatirapa ay pinakamarangal sa mga gawain ng ṣalāh dahil sa kalapitan ng tao sa Panginoon niya, hinango ang pangalan ng lugar mula rito, kaya tinawag ito na masjid (patirapaan). Ang mga hangganan ng masjid ay ang pumaligid dito na estruktura o mga kahoy o mga kawayan o tulad niyon. Ang mga masjid ay pinakamainam sa mga lugar sa Lupa. Taglay ng mga ito ang kahalagahan ng mga ito at ang kainaman ng mga ito sa ganang kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Mayroong mga masjid na itinangi ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga katangian at mga kalamangan na wala sa iba sa mga ito. Ang mga ito ay tatlo: Al-Masjid al-Ḥarām (Ang Masjid na Pinakababanal) sa Makkah, Al-Masjid an-Nabawīy (Ang Masjid na Pampropeta) sa Al-Madinah An-Nabawiyyah, at Al-Masjid Al-Aqṣā (Ang Masjid na Pinakaliblib) sa Al-Quds.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي