Ang pagsisinungaling ay ang pagpapabatid tungkol sa isang bagay ayon sa kasalungatan ng kung ano ito maging ito ay dala man ng isang pananadya o isang pagkalingat, nalaman man ang kabulaanan ng ulat nang kusa o dala ng paghuhulo. Ang pagsisinungaling ay isang salot kabilang sa mga mapanganib na salot ng dila at isang katangiang pangit sa lahat ng mga batas. Ito ay isang uri ng pagpapaimbabaw dahil sa taglay nito na pagkukubli ng mga katotohanan at paghahayag ng salungat sa mga ito. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng dila, at ito ang orihinal. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan gaya ng pagsenyas sa pamamagitan ng kamay. Kabilang dito ang sa pamamagitan ng puso, at ito ang pagkakaila. Nahahati ang pagsisinungaling sa tatlong bahagi: 1. Ang pagsisinungaling laban kay Allāh. Ito ay ang pinakapangit sa mga uri ng pagsisinungaling, gaya ng pag-uugnay ng isang sinasabing bulaan kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at gaya ng pagpapahintulot ng ipinagbabawal at pagbabawal ng ipinahihintulot; 2. Ang pagsisinungaling laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), gaya ng pag-uugnay ng mga ḥadīth na bulaan sa kanya; 3. Ang pagsisinungaling laban sa mga tao sa mga nauukol sa [buhay sa] Mundo at iba pa roon. Ang una at ang ikalawa ay pinakamabigat na kasalanan.