Ang hilig ng kaluluwang pantao sa anumang naiibigan nito, sa umaayon sa kalikasan nito, at bumabagay rito. Kaya kung nahilig ito sa sumasalungat sa Batas [ng Islām], ito ay pagsunod sa pithayang pinupulaan. Kung nahilig ito sa umaayon sa Batas [ng Islām], ito ay pagsunod sa pithayang pinapupurihan. Nahahati ang pithaya sa dalawang bahagi: 1. Pithaya na nagiging kaugnay sa mga nauukol sa relihiyon at tinatawag na pithaya ng mga paghihinala, na pinakamapanganib sa mga uri ng pithaya. Ang pagsunod sa pithayang ito ay nagpaparating sa nagtataglay nito sa pagbagsak sa bid`ah o kawalang-pananampalataya. Tinatawag ang mga kampon ng bid`ah bilang mga kampon ng mga pithaya dahil sila ay sumunod sa mga pithaya nila at umayaw sa Qur'ān at Sunnah. 2. Pithaya na nagiging kaugnay sa mga nauukol sa Mundo at tinatawag na pithaya ng mga pagnanasa, gaya ng pagkain at pagtatalik. Ang pithayang ito ay maaaring magpabagsak sa nagtataglay nito sa kasuwailan at mga pagsuway. Ang pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga relihiyon ay higit na mabigat kaysa sa pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga pagnanasa. Ang Sharī`ah ay dumating lamang para magpalabas sa mga tao mula sa pagsunod sa pithaya tungo sa pagsunod sa Batas.
Ang pagsaksi ay ang pananadya ng pagpapabatid ng kasinungalingan upang humantong sa pamamagitan nito sa kabulaanan, maging may panunumpa man o walang panunumpa, gaya ng pagsaksi sa isang pananalanta sa isang tao o isang pagkuha sa ari-arian o isang pagpapahintulot sa bawal, o isang pagbabawal sa ipinahihintulot, at tulad nito. Ang tagasaksi sa kabulaanan ay nakagawa ng apat na mabigat: A. Na siya ay lumabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa pagsisinungaling at paggawa-gawa at ng isang malaking pakikipaghalubilo sa malalaki sa mga pagkakasala; B. Na siya ay lumabag sa katarungan sa taong sumaksi siya laban doon hanggang sa nakapinsala siya dahil sa pagsaksi niya sa ari-arian niyon, dangal niyon, at sarili niyon; C. Na siya ay lumabag sa katarungan sa taong sumaksi siya para roon dahil sa pag-akay papunta roon ng bawal na ari-arian; D. Na siya ay pumayag dahil sa gawa niya sa ipinagbawal ni Allāh (pagkataas-taas Siya).
Ang pagsunod sa pithaya ay kabilang sa saligan ng kasamaan at pagkaligaw. Ito ay ang hilig ng sarili sa anumang sumasalungat sa Batas. Ito ay dalawang bahagi: 1. Ang pagsunod sa pithaya sa mga paghihinala, na pinakamapanganib sa mga uri ng pithaya. Ang pagsunod sa pithayang ito ay nagpaparating sa nagtataglay nito sa pagbagsak sa bid`ah o kawalang-pananampalataya. Tinatawag ang mga kampon ng bid`ah bilang mga kampon ng mga pithaya dahil sila ay sumunod sa mga pithaya nila at umayaw sa Qur'ān at Sunnah. 2. Ang pagsunod sa pithaya sa mga pagnanasa, gaya ng paglampas ng pinapayagan papunta sa bawal, tulad ng pakikinabang sa patubo at ng pangangalunya. Ito ay maaaring magpabagsak sa nagtataglay nito sa kasuwailan. Ang pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga paghihinala ay higit na mabigat kaysa sa pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga pagnanasa. Ang Sharī`ah ay dumating lamang para magpalabas sa tao mula sa pagsunod ng pithaya tungo sa pagsunod ng Batas.