Ang pagsasanggalang ay pangangalagang legal na pinagtitibay para sa tao kaya ipinagbabawal dahil dito [na mapinsala] ang buhay niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya maliban dahil sa isang karapatan gaya ng ganting-pinsala (qiṣāṣ) at tulad nito. Ito ay dalawang bahagi: 1. Ang pagsasanggalang sa Muslim, at ang dahilan nito ay ang pagbigkas niya ng dalawang pagsaksi (shahādatān). 2. Ang pagsasanggalang sa Kāfir na pinangangalagaan (dhimmīy), at pinagtitibay ito para sa kanya sa pamamagitan ng katiwasayan at kasunduan mula sa mga Muslim, at tungkulin ng pinuno ang pangangalaga sa kanila laban sa bawat sinumang nagnanais sa kanila ng kasamaan sa mga buhay nila o mga ari-arian nila o mga dangal nila. Hinahati ng ilan sa mga faqīh ang pagsasanggalang na ito sa dalawang uri: 1. Pagsasanggalang na nagbibigay-halaga, na sa pamamagitan nito ay may pagbibigay-halaga na napagtitibay para sa tao, ari-arian niya, at dangal niya, kung saan kinakailangan ang ganting-pinsala (qiṣāṣ), ang bayad-pinsala (diyah), at ang garantiya (ḍamān) laban sa sinumang lumabag dito, gaya ng pagkapatay sa Muslim. 2. Pagsasanggalang na nagbibigay-sala, na nagkakasala ang sinumang lumabag dito ngunit hindi nangangailangan laban sa kanya ng ganting-pinsala (qiṣāṣ), ni bayad-pinsala (diyah), ni garantiya (ḍamān), gaya ng pagkapatay sa sinumang pinagbawalan tayo na patayin gaya ng mga anak ng mga nakikidigma [laban sa atin], ng mga babae nila, at ng mga matanda nila.
Ang pagkaunawa ay isang katawagan sa lakas na nakalaan sa pagtanggap ng kaalaman, pag-intindi ng pakikipag-usap, at pagbubukod ng maganda at pangit at ng totoo at bulaan. Ito ay paglalarawan ng mga pangunahing gamit ng utak gaya ng pag-iisip, pag-intindi, at tulad nito. Tinatawag ito na nuhā (katinuan), lubb (isip), ḥijr (pang-unawa), at iba pa. Ang mga pagkaunawa ay nagkakaibahan mula sa isang tao patungo sa isa pang tao. Ang pagkaunawa ay ang kundisyun ng pag-aatang ng tungkulin sa mga batas at ang kadahilanan ng pagtamo ng mga kaalaman at mga karanasan. Sa pamamagitan nito nalulubos ang relihiyon at ang gawain. Ito ay dalawang bahagi: 1. Pagkaunawang katutubong pangkalikasan. Ito ay ang kadahilanan ng pagtamo ng mga kaalaman. 2. Pagkaunawang natamong napakikinabangan. Ito ay ang epekto ng mga kaalaman at ang bunga ng mga ito. Kaya kapag natipon ang dalawang ito sa tao, malulubos at tatatag ang nauukol sa kanya. Ang kahulugan ng pagiging katutubo nito ay na si Allāh ay lumikha nito sa pasimula at hindi dahil sa pagkatamo ng tao.