Ang pagsunod sa pithaya ay kabilang sa saligan ng kasamaan at pagkaligaw. Ito ay ang hilig ng sarili sa anumang sumasalungat sa Batas. Ito ay dalawang bahagi: 1. Ang pagsunod sa pithaya sa mga paghihinala, na pinakamapanganib sa mga uri ng pithaya. Ang pagsunod sa pithayang ito ay nagpaparating sa nagtataglay nito sa pagbagsak sa bid`ah o kawalang-pananampalataya. Tinatawag ang mga kampon ng bid`ah bilang mga kampon ng mga pithaya dahil sila ay sumunod sa mga pithaya nila at umayaw sa Qur'ān at Sunnah. 2. Ang pagsunod sa pithaya sa mga pagnanasa, gaya ng paglampas ng pinapayagan papunta sa bawal, tulad ng pakikinabang sa patubo at ng pangangalunya. Ito ay maaaring magpabagsak sa nagtataglay nito sa kasuwailan. Ang pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga paghihinala ay higit na mabigat kaysa sa pagsunod sa mga pithaya kaugnay sa mga pagnanasa. Ang Sharī`ah ay dumating lamang para magpalabas sa tao mula sa pagsunod ng pithaya tungo sa pagsunod ng Batas.