Ang pagbabalik-loob ay kabilang sa mga gawaing maayos at bahagi ng mga katangian ng mga propeta at mga isinugo. Ito ay ang pagbabalik ng tao [kay Alllah] mula sa kinasusuklaman ni Allāh papunta sa naiibigan ni Allāh nang lantaran at pakubli. Nahahati ang pagbabalik-loob sa dalawang bahagi: 1. Pagbabalik-loob na pakubli. Ito ay sa pagitan ng tao at Panginoon niya. Si Allāh ay tumatanggap ng pagbabalik-loob kapag naisakatuparan ang mga kundisyon nito. 2. Pagbabalik-loob na lantaran. Ito ay ang pagbabalik-loob na nauugnay rito ang pagtangkilik, ang pagtanggap ng pagsaksi, ang pag-aalis ng mga takdang parusa at ng paghatol sa mga tao, at ang tulad nito, gaya ng pagbabalik-loob ng manggagaway at ateista. Kabilang sa mga kundisyun ng pagbabalik-loob na ito ay maging wagas ukol sa [kaluguran ng] mukha ni Allāh (pagkataas-taas Siya) kaya hindi nanaisin dahil dito ang kamunduhan at ang pagpapapuri ng mga tao at pagbubunyi nila, na kumalas sa pagsuway, na manghinayang sa pagkagawa nito kalakip ng pagtitika na hindi manumbalik dito sa hinaharap, at na ito ay maging bago ng pagsikat ng araw mula sa kanluran nito at bago ng paglaguklok ng kaluluwa [sa lalamunan] sa sandali ng pagsapit ng kamatayan. Kung nangyaring nauugnay rito ang mga karapatan ng mga ibang tao, kailangan ng pagbabalik ng mga karapatan sa may-ari ng mga ito.