Ang Sunnah - سنة

Ang Sunnah ay ang kalakaran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na kinasaligan niya at ng mga Kasamahan niya (ang kaluguran ni Allāh ay sumakanila), na ligtas sa mga hinala at mga nasa. Ang salitang sunnah ay tumatalakay sa sunnah sa mga pagsamba at mga paniniwala, kahit pa man marami sa mga umakda hinggil sa sunnah ay tumutukoy sa pag-uusap hinggil sa mga paniniwala dahil ang mga ito ay saligan ng relihiyon at ang sumasalungat hinggil sa mga ito ay nasa isang sukdulang panganib. Dahil dito, ginamit nga ang salitang sunnah para sa pagpapahiwatig ng Pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah at Pagkakaisa. Lumaganap na ang paggamit na ito sa mga dila ng mga pinuno at mga prominente kabilang sa Salaf (unang tatlong salinlahi ng mga Muslim) at Khalaf (mga salinlahi ng mga Muslim matapos ng Salaf) – malugod si Allāh sa kanila sa kalahatan. Sinasabi: "Si Polano ay kabilang sa mga Alagad ng Sunnah," na nangangahulugang: "kabilang sa mga alagad ng tumpak na tuwid na pinapupurihang kalakaran." Ang Sunnah ay ang kalakarang tinatahak kaya sumasaklaw iyon sa pagkapit sa kinasaligan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) at ng mga Napatnubayang Khalīfah niya kabilang sa mga paniniwala, mga gawain, at mga salita. Ito ay ang pangkalahatang buong sunnah, ang Relihiyong Islām na walang lumiliko palayo rito maliban sa isang mangmang na napapahamak na tagagawa ng bid`ah.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي