Ang pananampalataya sa Huling Araw ay isang haligi mula sa pinakadakila sa mga haligi ng pananampalataya. Ang Huling Araw ay ang Araw ng Pagbangon, na bubuhayin ang mga tao roon para sa pagtutuos at pagganti. Pinangalanan ito na ganoon dahil ito ay ang araw na walang araw matapos nito o dahil sa pagkahuli nito buhat sa mga araw. Napaloloob sa pananampalataya rito ang bawat nasaad sa Qur'ān at Sunnah kabilang sa mangyayari matapos ng kamatayan gaya ng pagdurusa sa libingan at kaginhawahan doon, pagbubuhay, pagkalap [sa mga tao], [pagtitimbang ng mga gawa sa] timbangan, pagtutuos, pagganti, [pagtawid sa] Ṣirāṭ, [pag-inom sa] Ḥawḍ, pamamagitan (shafā`ah), at [pagpasok sa] Paraiso at Impiyerno at mga kalagayan sa mga ito at anumang inihanda ni Allāh para sa mga maninirahan sa mga ito sa kabuuan at sa detalye. Napaloloob din sa pananampalataya sa Huling Araw ang pananampalataya sa mga kundisyun ng [pagdating ng] Huling Sandali dahil ang mga ito ay mga tanda at mga palatandaan sa pagsapit nito at pagkalapit ng pagdating nito. Pinangalanan nga ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ang Araw na ito ng ilang pangalan bilang pagbubunyi sa kahalagahan nito at bilang pagtawag-pansin sa mga lingkod Niya hinggil sa utos Niya upang mangamba sila roon. Pinangalanan Niya ito na Araw ng Pagbangon dahil sa pagbangon ng mga tao roon [mula sa mga libingan] sa harap ng Panginoon nila. Pinangalanan Niya ito na Al-Wāqi`ah (Ang Magaganap), Al-Ḥaqqah (Ang Magkakatotoo), Al-Qāri`ah (Ang Tagakalampag), Ar-Rājifah (Ang Tagayanig), Aṣ-Ṣākhkhah (Ang Dagundong), ang Pagkahindik na Pinakamalaki, ang Araw ng Pagtutuos, Ang Araw ng Paggantimpala, at ang Pangakong Totoo. Ang lahat ng mga ito ay mga pangalan na nagpapahiwatig ng kadakilaan ng pumapatungkol doon at tindi ng hilakbot doon at ng matatagpuan ng mga tao roon na mga kariwaraan at mga hilakbot sapagkat mapatititig doon ang mga paningin at lilipad ang mga puso palayo sa mga lugar ng mga ito hanggang sa umabot sa mga lalamunan. Ang pananampalataya sa Araw na ito ay nagbubuyo sa tao sa paggawa at paghahanda para rito.
Ang pagbubuhay ay na buhayin ni Allāh ang mga patay mula sa mga libingan nila matapos ng kamatayan nila sa pamamagitan ng pagtipon sa mga bahagi ng mga orihinal na katawan nila at pagpapanumbalik ng mga kaluluwa sa mga ito kaya manunumbalik sa pamamagitan nito ang buhay para sa mga ito. Magtitipon Siya sa kanila sa Lupain ng Kalapan (Maḥshar) para sa pagtutuos at pagganti sa mga gawa nila, mga sabi nila, at mga paniniwala nila.
Ang Paraiso ay ang tahanan ng pamamalagi at pagpaparangal na inihanda ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya. Magpaparangal Siya roon ng pagtingin sa marangal na mukha Niya. Sa loob niyon ay may kaginhawahang mananatiling walang-hanggan, na walang matang nakakita, walang taingang nakarinig, at hindi sumagi sa puso ng isang tao. Ang mga ito ay kaginhawahang lubos na hindi nababahiran ng isang kakulangan at hindi nabulabog ang kadalisayan nito ng isang kalabuan. Pinangalanan ito ng gayon dahil sa pagkakapalan ng mga punung-kahoy nito at paglililim ng mga ito dahil sa pagpulupot ng mga sanga ng mga ito at dahil ang gantimpala roon ay nakatakip sa kanila sa ngayon.
Ang ṣirāṭ (landasin) ay ang tulay na nakalatag at isang tawirang nakatukod sa ibabaw ng Impiyerno. Daraan ang mga tao roon ayon sa sukat ng mga gawa nila at abot ng bilis nila sa pagtanggap ng Batas [ng Islām] sa Mundo. Kaya mayroon sa kanila na daraan gaya ng kisap ng mata. Mayroon sa kanila na daraan gaya ng kidlat. Mayroon sa kanila na daraan gaya ng hangin. Mayroon sa kanila na daraan gaya ng matuling kabayo. Mayroon sa kanila na daraan gaya ng nakasakay sa kamelyo. Mayroon sa kanila na tatakbo sa isang pagtakbo. Mayroon sa kanila na lalakad sa isang paglakad. Mayroon sa kanila na gagapang sa isang paggapang. Mayroon sa kanila na hahablutin saka ibabato sa Impiyerno. Bawat isa ay alinsunod sa gawa niya. Nasaad nga ang paglalarawan nito sa ilan sa mga ulat na ito ay higit na manipis kaysa sa buhok, higit na matalas kaysa sa tabak, at higit na mainit kaysa sa baga. Mayroon sa mga may kaalaman na nagsabi: "Bagkus tunay na ito ay isang landasing maluwang, na mayroong pagtitisuran at pagdudulasan at sa ibabaw nito ay mga tinik gaya ng [halamang] neurada. Subalit walang nakaaalam sa laki nito kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya)." Naging ano man ito, ito ay pangangambahan ng sukdulan sa pangamba.
Kabilang sa mga usapin ng pananampalataya sa Huling Araw ang pananampalataya sa [pagkakaroon ng] Lawa (Ḥawḍ). Ito ay ang pagpapatotoong tiyakan na walang pagdududa hinggil dito sa kairalan ng Dakilang Lawa na nagparangal si Allāh sa pamamagitan nito sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa mga larangan ng Araw ng Pagbangon upang uminom mula roon ang mga sumampalataya sa kanya at sumunod sa Batas niya dahil ang mga tao sa pook na ito ay nasa sukdulan ng pangyayarihan ng pangangailangan sa tubig. Ang lawang ito ay manggagaling mula sa isang ilog sa Paraiso na tinatawag na Kawthar, na may magbubuhos mula roon na dalawang alulod dito. Ito ay mangyayari bago ng pagtawid sa ṣirāṭ ayon sa tumpak sa dalawang pahayag ng mga may kaalaman. Kabilang sa mga katangian ng Lawa ay na ang tubig nito ay higit na matindi sa kaputian kaysa sa gatas, higit na matamis kaysa sa pulut-pukyutan, at higit na kaaya-aya sa bango kaysa sa musk; at na ang mga sisidlan nito at ang mga baso nito ay gaya ng bilang ng mga bituin ng langit. Ang haba nito ay isang paglalakbay ng isang buwan at ang luwang nito ay isang paglalakbay ng isang buwan. Ang sinumang iinom mula rito ng isang inuman ay hindi mauuhaw matapos nito magpakailanman. Itataboy naman palayo rito ang bawat sinumang tumalikod sa Relihiyon ni Allāh o nagpalit at nagpabago rito ng hindi kinalulugdan ni Allāh, o nagkaila sa kairalan nito gaya ng Khawārij, Rawāfiḍ, Mu`tazilah, at iba pa sa kanila kabilang sa mga alagad ng pagkalisya, mga pithaya, mga bid`ah. Ang tumpak mula sa dalawang pahayag ng mga may kaalaman ay na ang bawat propeta ay may lawa ngunit ang Lawa ng Propeta nating si Muḥammad ay ang lawang pinakamalaki, pinakamaraming tagainom, at pinakadakila. Nasaad sa ḥadīth na marfū` ayon kay Samrah [na ang Propeta ay nagsabi]: “Tunay na sa bawat propeta ay may lawa. Tunay na sila ay magpapasikatan kung alin sa kanila ang pinakamarami sa tagainom. Tunay na ako ay naghahangad na maging pinakamarami sa kanila sa tagainom.” Ang ḥadith ay isinalaysay nina Imām At-Tirdmidhīy sa Sunan niya (2443), Imām Aṭ-Ṭabrānīy sa Al-Kabīr (7/256), Imām Al-Bukhārīy sa At-Tārīkh (1/44), at Imām Ibnu `Āṣim sa As-Sunnah (734). Lahat sila ay mula sa daan ng maganda (ḥasan) ayon kay Samurah. Ang ḥadīth sa kabuuan ng mga daan nito ay maganda o tumpak gaya na nasaad sa As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥah (1589).