Ito ay ang dinakilang bayan, na narito ang Itinampok na Ka`bah at ang PInakababanal na Bahay ni Allāh, na hinaharapan ng mga Muslim sa dasal nila mula sa lahat ng mga dako ng daigdig.
Ito ay ang lungsod ng Sugo ni Allāh na si Muḥammad ibnu `Abdillāh (sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) at ang bayan ng pinaglikasan niya. Doon siya namatay at inilibing. Tinatawag ito na Madīnah Munawwarah (Lungsod na Tinanglawan) at Madīnah Nabawīyah (Lungsod na Makapropeta).
Ang ikatlo sa pinakabanal sa mga masjid sa Islām na naroroon sa Jerusalem sa Palestina.
Ang masjid na nasa paligid ng Itinampok na Ka`bah sa Makkah Al-Mukarramah.
Isang maliit na burol na naroroon sa silangan ng Ka`bah sa Makkah, sa Kaharian ng Saudi Arabia.
Isang maliit na burol malapit sa Ka`bah sa Makkah, dito nagtatapos ang pagsasagawa ng Sa'iy sa hajj at umrah, sa Masjid al-Haram sa Makkah al-Mukarramah sa Arabya.
Isang distritong patag sa labas ng mga hangganan ng Ḥaram ng Makkah sa layong 20 kilometro mula sa Makkah sa silangan.
Isang distrito sa timog ng Madīnah Munawwarah sa Kaharian ng Saudi Arabia.
Isang malaking bundok na tumutunghay sa Madīnah Munawwarah mula sa dakong hilaga.
Ang pangunahing sementeryo ng mga naninirahan sa Madīnah Munawwarah magmula sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan).
Isang lugar sa labas ng Ḥaram sa hilagang silangan ng Makkah Al-Mukarramah.
Isang lugar sa pagitan ng Makkah at Madīnah Munawwarah sa silangan ng Lungsod ng Rabigh.
Isang nayong naroroon sa silangan ng Makkah Al-Mukarramah sa daang papunta sa Taif.
Tatlong lugar para sa pagpukol ng mga munting bato sa Minā sa Makkah Al-Mukarramah
Isang lugar na nililiman na noon ay nasa hulihan ng lumang gusali ng Al-Masjid An-Nabawīy.
Isang rehiyong malawak sa timog kanluran ng Asya na sumasakop sa Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates, Qatar, Oman, at Yemen.
Isang nayon sa daan ng labas sa Madīnah papunta sa Makkah, na nalalayo buhat sa Madīnah ng 7 kilometro sa timog.
Isang lugar sa hilaga ng Lungsod ng Taif na nalalayo rito ng 55 kilometro.
Isang lugar sa pagitan ng Minā at `Arafāt sa timog silangan ng Al-Masjid Al-Ḥarām sa Makkah Al-Mukarramah.
Isang lugar sa silangan ng Makkah sa daan sa pagitan ng Makkah at bundok ng `Arafah.
Isang lugar sa timog ng Makkah sa layong 125 kilometro humigit-kumulang. Narito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Yemen.