Tunay na ang pinakamainam sa Kalipunang ito matapos ng Propeta natin (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay ang Unang Apat na Khalīfah na nag-utos ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng pagsunod sa kanila at pagkapit sa patnubay nila. Sila ay sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, Abū Ḥafṣ `Umar bin Al-Khaṭṭāb, Dhunnūrayn `Uthmān bin `Affān, at `Alīy bin Abī Ṭālib Abul-Ḥasan (malugod si Allāh sa kanila), na mga sumama sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) magmula sa simula ng Islām. Pagkatapos itinalaga sila sa khilāfah (pagkakhalīfah) at imāmah (pamumuno) mula ng matapos ng pagyao niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) alang-alang sa pagpapanatili ng Islām sa kaalaman, sa gawa, sa pag-aanyaya, sa mga kapakanan ng mga Muslim, at sa pangangalaga sa mga pumapatungkol sa kanila sa pangmundong buhay nila at pangkabilang-buhay nila. Nagtagal nga ang khilāfah nila ng Tatlumpung taon; dalawang taon at tatlong buwan ang yugto ng khilāfah ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq. Ang khilāfah ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb ay sampung taon at kalahati. Ang khilāfah naman ni `Uthmān bin `Affān ay labindalawang taon. Ang khilāfah ni `Alīy bin Abī Ṭālib ay apat na taon at siyam na buwan. Ang pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah ay na ang pagkakasunud-sunod nila sa pagkamainam ay alinsunod sa pagkakasunud-sunod nila sa khilāfah.
Ang pagkakasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay isang kapita-pitagang lagay. Humirang nga si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para roon ng pinakamabuti sa mga nilikha matapos ng mga propeta sapagkat nagpakamapagbigay Siya sa mga mata nila dahil sa pagkakita nila sa Propeta Niya at nagparangal Siya sa mga pandinig nila sa pagkarinig ng tinig nito. Napaloloob sa tinatawag na Kasamahan ang bawat nakipagtagpo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) kahit pa man hindi nakakita dahil sa isang sagabal gaya ng bulag, maging matagal man ang pakikisalamuha nito sa kanya o maikli, at maging nagsalaysay man ito buhat sa kanya o hindi nagsalaysay. Umakda nga ang mga maalam ng mga aklat sa pagbanggit ng mga pangalan ng mga Kasamahan, ng talambuhay nila, at ng mga ipinagpalagay ng ilan sa mga maaalam bilang mga Kasamahan gayong hindi natumpak ang pagkakasamahan nila. Kabilang sa mga aklat na ito ay ang aklat na Al-Iṣābah Fī Tamyīz Aṣ-Ṣaḥābah (Ang Pagpapatama sa Pagbubuko ng mga Kasamahan) ni Al-Ḥāfiđ Ibnu Ḥijr.