Buwan ng Ramaḍān - شَهْرُ رَمَضانَ

Ang buwan ng Ramaḍān ay ang ikasiyam na buwan mula sa mga buwan ng pang-hijrah na taon, na sumusunod sa buwan ng Sha`bān at nauuna sa buwan ng Shawwāl. Natatangi ang buwan ng Ramaḍān sa iba pang mga buwan sa isang kabuuan ng mga patakaran at mga kalamangan. Kabilang sa mga ito ang pagbaba ng Qur'ān dito, ang pagkakailangan ng pag-aayuno rito, ang laylatulqadr dito, ang ṣalāh na tarāwīḥ, ang pag-iibayo ng mga pabuya rito.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي

Ang Pag-ayuno - الصَّوْمُ

Ang pag-aayuno ay isang dakilang pagsamba. Kabilang dito ang pag-aayuno sa Ramaḍān na isang haligi kabilang sa mga haligi ng Islām. Nagsisimula ito sa pagsikat ng totoong madaling-araw at nagwawakas ito sa paglubog ng araw. Hindi ito nahahati-hati. Kaya ang sinumang nawalang-kakayahan sa pag-aayuno sa yugtong ito at nakakaya ng pag-aayuno hanggang sa tanghali [lamang], hindi isinasabatas iyon para sa kanya at lilipat siya [mula sa pag-aayuno] sa pagpapakain. Ang napagkaisahang nakasisira sa pag-aayuno ay ang pagkain, ang pag-inom, at ang pakikipagtalik. Ang pag-aayuno ng kusang-loob ay maraming uri, na ang pinakamainam sa mga ito ay pag-aayuno sa isang araw at pagtigil-ayuno sa isang araw.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي