Ang Paghuhugas sa Patay - تَغْسِيلُ المَيِّتِ

Ang pamamaraan ng pagpapaligo ng patay ay na ilagay ang patay sa ibabaw ng papag o tabla na inihanda para rito. Ang kinalalagyan ng ulo nito ay higit na mataas upang damalusdos ang tubig o sa aling paglalagyang magiging madali. Bago magsimula ang tagapagpaligo ng pagpapaligo niya, mag-aalis siya ng najāsah sa patay, pagkatapos huhugasan niya ito ng wuḍū' para sa ṣalāh ngunit hindi siya magpapasok ng tubig sa bibig nito ni sa ilong nito. Kung sa bibig at ilong [ng patay] ay may dumi, aalisin niya ito sa pamamagitan ng isang pirasong tela na babasain niya at ilalagay niya sa daliri niya saka ipupunas niya sa mga ngipin nito at ilong nito hanggang sa malinis niya ang mga ito. Matapos ng wuḍū', ihihiga niya ito sa kaliwang tagiliran nito saka huhugasan ang kanang tagiliran. Pagkatapos ibabaling ito sa kanang tagiliran saka huhugasan ang kaliwang tagiliran. Iyon ay matapos ng tatlong paghuhugas ng ulo nito at balbas nito. Ang kinakailangan sa paghuhugas ng patay ay isang ulit. Itinuturing na kaibig-ibig na hugasan ito nang tatlong ulit, na sa bawat paghuhugas ay sa pamamagitan ng tubig at sidr o anumang maipapalit sa sidr na mga uri ng sabon. Maglalagay rito sa katapusan ng alkampor. Kung hindi naging madali ito, ang iba pa rito gaya ng pabango ay magagamit kung posible. Kung itinuring ng tagapagpaligo na magdagdag sa tatlong paghuhugas dahil ang mga ito ay hindi nakapagpalinis o dahil sa iba pang dahilan, huhugasan niya ito ng lima o pitong ulit. Itinuturing na kaibig-ibig na hindi siya titigil malibang sa gansal [na bilang ng paghuhugas].

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي