Ang mga Alagad ng Sunnah at Pagkakaisa ay ang mga kumapit sa Qur'ān at Sunnah at nanatili sa metodolohiya ng Maayos na Salaf sa pag-intindi sa dalawang ito at paggawa ayon sa dalawang ito. Nangunyapit sila sa napagkaisahan ng Kalipunan [ng Islām]. Nagsigasig sila sa pagkakaisa at pagtapon sa pagkakawatak-watak. Ang kinasalalayan ng paglalarawan nito ay nasa pagsunod sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan); pagsang-ayon sa inihatid niya na paniniwala, patnubay, at pag-uugali; at pagdikit sa pagkakaisa ng mga Muslim na nagkaisa sa totoo at hindi nagpakawatak-watak sa relihiyon. Sila ay ang pangkating maliligtas at ang pangkat na iaadya, na nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) tungkol sa kanila na sila ay tatahak sa daan niya at daan ng mga mararangal na Kasamahan niya nang matapos niya. Sila ay ang mga alagad ng Islām, ang mga tagasunod ng Qur'ān at Sunnah, ang mga Tagaiwas sa mga daan ng pagkaligaw at bid`ah. Ang mga Alagad ng Sunnah at Pagkakaisa ay hindi mga nalilimitahan sa isang partikular na grupo o isang partikular na pangkat, o isang bayan o isang panahon bukod sa iba pa yayamang ang bawat nailarawan sa mga tatak at mga katangian ng mga Alagad ng Sunnah at nakabatay sa metodolohiya nila, siya ay napaloloob sa bakuran nila, na nauugnay sa pangkat nila.