Ang Pananampalataya sa mga Anghel - الإيمان بالملائكة

Ang pananampalataya sa mga anghel ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng pananampalataya at isang saligan kabilang sa mga saligan ng pinaniniwalaang pang-Islām. Naglalaman ang pananampalataya sa kanila ng mga usapin, na kabilang sa mga ito: 1. Ang tiyakang pagpapatotoo sa kairalan nila sa Mundo at Kabilang-buhay. 2. Ang pagpapatotoo at ang paniniwala sa mga pangalan ng mga nalaman natin kabilang sa kanila gaya nina Jibrīl (Gabriel), Mīkā’īl (Miguel), Isrāfīl, at iba pa sa kanila, at ang mga hindi natin nalaman ang mga pangalan nila ay sasampalataya tayo sa kanila sa kabuuan. 3. Ang paniniwala sa mga nalaman natin kabilang sa mga gawain nila at mga katungkulan nila na iniatang sa kanila, at ang mga hindi natin nalaman ay sasampalataya tayo sa kabuuan. Kabilang sa kanila ang itinalaga sa pagkasi (waḥy), na bumababa kalakip nito mula sa ganang kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Kabilang sa kanila ang itinalaga sa ulan at halaman. Kabilang sa kanila ang itinalaga sa pag-ihip sa tambuli sa sandali ng pagkamatay at pagbuhay [sa mga nilikha]. Kabilang sa kanila ang Anghel ng Kamatayan na itinalaga sa pagkuha ng mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan. Kabilang sa kanila ang mga anghel na itinalaga sa mga fetus. May mga iba pang itinalaga sa pag-iingat sa mga anak ni Adan, pagtatala ng mga gawa nila, at iba pa roon na mga gawain. 4. Ang pagpapatotoo sa mga nalaman natin na mga paglalarawan sa kanila. Kabilang doon na sila ay nilalang na nakalingid na mga natatabingan sa mga tingin ng tao, na sila ay mga katawang tunay na nilikha mula sa isang liwanag, na sila ay mga may pakpak na maaaring dalawang pakpak o tatlo o apat o iba pa roon at si Anghel Gabriel naman ay may 600 pakpak, na sila ay may mga dakilang lakas at mga kakayahan sa paglipat-lugar, paghuhugis, at pagsasaanyo ng mga anyong marangal at hindi sila nagtataglay ng katangian ng pagkalalaki at pagkababae, na sila ay mga mananamba kay Allāh (pagkataas-taas Siya), mga napangalagaan laban sa pagkakamali. Sila ay nilikhang marami na hindi nalalaman ang bilang nila maliban ni Allāh (pagkataas-taas Siya). Pinili nga sila ni Allāh at hinirang nga Niya sila sa pagsamba sa Kanya. Ginawa Niya sila na mga embahador Niya at mga sugo Niya sa nilikha Niya. Hindi nila sinusuway si Allāh sa ipinag-utos Niya sa kanila at ginagawa nila ang ipinag-uutos sa kanila. Wala silang mga kakanyahan ng pagkapanginoon at pagkadiyos na anuman.

Isinalin sa: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso البرتغالية Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Tagalog الهندية الماليبارية التلجو تايلاندي