Ang pag-aanyaya tungo kay Allāh ay ang pag-aanyaya tungo sa pananampalataya sa Kanya at sa anumang inihatid ng mga sugo Niya at tungo sa pagpapatotoo sa kanila sa anumang ipinabatid nila at sa pagtalima sa kanila sa anumang iniutos nila. Iyon ay naglalaman ng pag-aanyaya tungo sa dalawang pagsaksi, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, at [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh]; ng pag-aanyaya tungo sa pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa pagbubuhay matapos ng kamatayan, at sa pananampalataya sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito; ng pag-aanyaya tungo sa pagsamba ng tao sa Panginoon niya na para bang siya ay nakakikita sa Kanya. Tunay na ang tatlong baytang na ito: ang Islām, ang Īmān, at ang Iḥsān, ay napaloloob sa relihiyon gaya ng sinabi niya sa tumpak na ḥadīth: "Ito ay si Gabriel; dumating siya sa inyo na nagtuturo ng relihiyon ninyo" matapos na sumagot siya rito tungkol sa tatlong ito, saka nilinaw niya na ang mga ito ay ang relihiyon natin. Ang pag-aanyaya tungo kay Allāh (pagkataas-taas Siya) ay ang propesyon ng mga isinugo at ng mga tagasunod nila, na mga kahalili ng mga sugo sa mga kalipunan nila at ang mga tao naman ay tagasunod ng mga ito. Ang pag-aanyaya tungo kay Allāh ay sa pamamagitan ng kaalaman at sa pamamagitan ng pagtitimpi. Naoobliga rito ang pagtitiis. Mayroon itong mga magandang nakalitaw na epekto. Ito ay isang tungkulin ng komunidad at nagiging [tungkulin] ng isang indibiduwal magkaminsan.